KUSINA, magbubukas ng fridge. Banyo, mga ilang minutong tambay. Sala, uupo at magbubukas ng TV sandali. Kwarto, hihiga sa kama, tititigan ang screen ng cellphone. Tatayo at babalik sa kusina para buksan ang fridge na walang laman kundi isang pitsel ng tubig.
"Ate, kanina ka pa! Nakakahilo ka na." bulyaw ng nakababatang kapatid niya na kasalukuyang nasa hapagkainan at nag-aaral. "'Problema mo ba?"
"Gutom ako." palusot niya.
"Edi kumain ka!"
"Gutom ako, pero ayaw kong kumain. Parang pag-ibig ba. Gusto ko siya pero ayoko siyang mahalin." wala sa sariling hugot niya.
"Ay nako naman, anak ng teteng."
Agad na siyang nagtungo sa kwarto niya, bago pa siya makulit ng kapatid niya tungkol sa hugot niya.
"Leche ka kasing puso ka. Leche! Leche. Aaaaaaaaaaagh!!!" Impit na sigaw niya habang tinatakpan ng unan ang mukha niya.
Hindi na siya mapakali. Akala niya kasi, ganoon lang yon kadali. Pagdating na pagdating niya ng bahay, agad niyang ini-on ang cellphone niya. Handa na siyang itext kay Venger ang gusto nitong mabasa, ang tungkol sa napagusapan nila sa bus.
Pero bago pa man niya mabuksan ang "Create a Message" sunod-sunod na message alert tone ang natanggap niya.
"Rezny, anong kasalanan ko?"
"Kausapin mo naman ako. pls."
"Rez, I don't want to lose you."
"Pls rez. Just hear me out."
"I can't live without you anymore."
"I love you and I will fight for it.. for us."
"I will wait for you."
Alas-diyes na ng gabi. Apat na oras na siyang tulala. Gusto niyang umiyak, pero baka magtaka ang mga kasama niya sa bahay.
At kung iiyak man siya, anong mangayayari? Maibabalik niya ba sa dati ang lahat? Magiging tahimik ba siya, si Venger?
Venger... I'm so sorry.
Kung pupwede niya lang takasan ang lahat. Kung pupwede lang siyang basta nalang mawala, magpakalayu-layo...
Natahimik siya at nag-isip. Tama. Pano kaya kung bigla nalang mawala si Rezny. Pano kung kunwari, nangibang-bansa. Wala ng dahilan si Venger para maghintay.
Agad siyang tumipa ng mensahe dito. Mensaheng tatapos ng lahat. Mensaheng ikaguguho ngunit ikatatahimik ng mundo nila ni Venger.
"Goodbye, Venger. :'("
> > > > >
YEAR 2007.
"Hi."
Napalingon si Louella sa bandang kanan niya nang marinig ang pagbating iyon. Hindi niya kasi sigurado kung siya ba ang kinakausap ng boses na iyon.
"I'm Jayle." he offered his hand.
Napanganga si Louella, hindi dahil sa kagwapuhan nito, kung hindi dahil hindi siya makapaniwalang siya nga ang kinakausap nito.
Dan Jayle de Vera is Venger's brother. Transferee ito at nasa fourth year high school na. Galing raw ito ng Germany, at umuwi noong summer nang mamatay ang mommy ng mga ito. Pagkatapos noon ay hindi na ito bumalik ng Germany, at napagpasyahang ituloy nalang ang pag-aaral sa Pilipinas.
BINABASA MO ANG
It Started With A Text
Romance"Kung ako sayo, habang maaga pa, itigil mo na yan." Seryosong suhestyon nito. "Paano kung hindi ka nga mabuking, pero na-in-love naman sayo yung tao. Gaya nga ng sabi mo, lately parang nagpapahiwatig na siya. Oh, anong gagawin mo?" "Hindi ko alam, '...