RING ng cellphone ni Louella ang gumising sa kanya. Sinagot niya ito nang hindi man lang chineck kung sino ang tumatawag.
"Hello? Louella, good morning." bati mula sa kabilang linya.
Kilala niya ang boses pero hindi siya sigurado. Kaya chineck niya ulit ang screen para i-verify kung tama ang hula niya.
"Good morning po, Mrs. Rofuz."
It's Mrs. Rofuz, the librarian. Nagtataka man, pero napangiti si Louella. Mrs. Rofuz is her all-time favorite sa lahat ng staff ng school. Kahit pa nasa mid-fifties na ito, magiliw ito sa kanya. Kasundo niya ito dahil narin sa tambayan niya ang library simula noong nag-highschool siya.
"I need you to do me a favor. Can you come to the school library today?"
Napaisip siya. Wala naman siyang nakaschedule na gagawin ngayong araw.
"Yes po, of course. What do I have to do there po?"
Basta si Mrs. Rofuz, walang problema sa kanya. Malaki ang tiwala nito sa kanya. Minsan kapag umaalis ito, siya ang iniiwan nito sa library. Binigyan pa nga siya nito nang susi niyon. Ganoon ito ka-kumpyansa sa kanya.
"There are upcoming book supplies for the library today. They just informed me na ngayon darating ang delivery. I am in my hometown right now, visiting my parents."
"I see! Don't worry, Mrs. Rofuz, I still have the spare key you lent me. I will secure the delivery for you."
"Thank God! Maaasahan ka talaga."
"No problem po. Enjoy your visit po!" And they hung up.
"Yosh!! Pocketbooks, here I come!!" excited na sambit niya sa sarili.
> > > > >
PAGKAPASOK ni Louella sa campus, ay agad niyang namataan sa di kalayuan ang mga basketball players na kakatapos lang yatang mag-warm up.
Nasa hallway ang mga ito at nagpapahinga. Hininaan niya ang paglalakad. Nagiisip kasi siya kung magre-reroute ba siya.
Hindi kasi siya sigurado kung nandoon ba ang taong pinakaiiwas-iwasan niya. Ilang steps nalang at dadaan na siya sa gitna ng mga nagpapahingang players.
Last minute desisyon niya ang mag-biglang liko. Pero sa halip na ginawa niya iyon para makaiwas sa dapat niyang iwasan, mas lalo pa tuloy siyang napansin ng mga players dahil sa ginawa niya. Naramdaman niyang napalingon ang mga ito sa kanya.
Hindi na niya pinansin pa ang mga ito. Dire-derechong siyang naglakad-takbo palayo sa mga ito.
Nang makarating sa harap ng pinto ng library, agad niyang binuksan iyon gamit ang spare key niya. Pagkapasok ay agad niyng isinara iyon saka pinakawalan ang kanina pa niya pinipigilang hininga.
Teka, bakit ba ako kinakabahan? Napailing siya sa realisasyon.
Maya-maya ay nakatanggap siya ng text mula kay Mrs. Rofuz.
"Mam, nsa entrans gate na po kmi." It was a forwarded text from the courier.
"Pls do assist them, Lou." Sunod pang text nito.
Nireplyan niya ito. "Copy po!"
Nakayuko at patakbo niyang tinungo ang gate. Nahiling niyang sana may invisibility cloak siya para wag siyang mapansin ng mga ito. Parang siya lang kasi ang babae sa campus nang mga oras na iyon.
![](https://img.wattpad.com/cover/55374437-288-k236490.jpg)
BINABASA MO ANG
It Started With A Text
Romance"Kung ako sayo, habang maaga pa, itigil mo na yan." Seryosong suhestyon nito. "Paano kung hindi ka nga mabuking, pero na-in-love naman sayo yung tao. Gaya nga ng sabi mo, lately parang nagpapahiwatig na siya. Oh, anong gagawin mo?" "Hindi ko alam, '...