Simula

6.5K 170 8
                                    

"Tao po?"

*toktok*

Naghintay ang dalaga sa pagbukas ng pinto pero lumipas ang ilan pang katok ay wala paring taong bumubukas.

"Wala atang tao.." sabi niya sa kanyang sarili.

Aalis na sana ang dalaga ngunit pagtalikod niya, may isang matandang babae na nakaharap sa kanya.

"Nakakagulat naman po kayo, lola!" sabi ng dalaga habang nakahawak sa kumakabog niyang dibdib.

"Pasensya na, iha. Galing ako sa maliit kong hardin para kumuha nito," sabi ng matanda sabay pakita ng kinuha niyang talbos ng kamote. "Anong kailangan mo at naparito ka?" tanong niya.

"Hinahanap ko po si.." kinuha ng dalaga ang papel sa kanyang bulsa at binasa. "Si Laura..? Kilala niyo ho ba siya?"

Hindi sumagot ang matanda bagkus ay ngumiti lang ito at pumasok na sa kanyang bahay. "Halika. Pasok ka muna." aya ng matanda.

Pumasok ang dalaga kahit na may pag-aalinlangang nadarama. Inilibot niya ang kanyang tingin sa lumang bahay ng matanda. Malinis naman ito pero meron paring mga sapot ng gagamba sa may kisame.

Pumasok ang matanda sa maliit niyang kusina at pagkatapos ay lumabas rin at umupo sa kanyang rocking chair sa may sala.

"Umupo ka." ani ng matanda sa dalaga.

Ngumiti lang siya at umupo sa kahoy na upuan. Tumunog pa ito pagkaupo niya dahilan para mapaigtad siya sa nerbyos.

"Pagpasensyahan mo na itong bahay ko, iha. Luma na kasi eh. At hindi ko na rin masyadong nalilinis."

"Okay lang po." sabi ng dalaga at tuluyang umupo sa silya.

"Bakit mo ako hinahanap?"

"Po?" takhang tanong ng dalaga.

"Ako si Laura. Anong kailangan mo sa akin?"

Medyo nagulat ang dalaga dahil sa sinabi ng matanda. Mas bata ang pag-aakala niya kay Laura kaysa sa taong nasa harapan niya.

"A-ah.." nagmadaling hinalungkat ng dalaga ang kanyang bag. Nilabas niya ang isang litrato at ipinakita sa matanda. "Gusto ko ho siyang makausap.." naiiyak na sabi ng dalaga. "Pakiusap ho.. Kahit magkano. Babayaran po kita makausap ko lang ho siya.."

Inialais ng matanda ang tingin sa litrato. "Matagal ko ng itinigil ang ganitong trabaho. Pasensya na ngunit hindi kita matutulungan. Maaari ka ng umalis."

Napatayo ang dalaga at lumuhod sa harap ng matanda. "Pakiusap ho.. Gusto ko lang ho siyang makausap kahit sandali lang.. Namatay po siya ng hindi ko inaasahan. Please.. I'm begging you. Please, help me.." umiiyak na sumamo ng dalaga.

Bumuntong-hininga ang matanda. Pinatayo niya muna ang dalaga bago magsalita. "Susubukan ko.."

"Maraming salamat po!" masayang sabi ng dalaga.

"Pero hindi ko maipapangakong siya lang ang makakausap mo." seryosong sabi ng matanda.

"Ano hong ibig niyong s-sabihin?"

"Kapag may gusto kang kausapin sa kabilang mundo..

..lahat sila ay maririnig ang mga salita mo."


_+_+_+_

Rated SPG
[ T L K S H D ]
Tema, Karahasan, Sexual, Horror at Droga

Alrights Reserve 2016

Date started: March 2016
Date finished: April 2017

DalamhatiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon