[ 2 ]

2.8K 83 7
                                    

- 2 -

"REEN, sama ka sa amin maglunch?"

Napalingon ako sa ka-officemate ko. "Ahm, sorry, Hazel. Susunduin ako ni Lorenzo eh. Pasensya na."

"Wushoo," sumandal si Poncy sa pader ng cubicle ko. "Ang sweat naman ninyo, Ateng. Kailan ang wedding churva?"

Ngumiti ako. "Next year pa."

"Neksyer?! Ano yan, Ati? Bongacious wedding ang peg?"

"Syempre, Ponciano. Every girl's dream ang bonggang kasal, bakla." sabi ni Hazel kay Poncy saka tumingin sa akin. "Invited ba kami sa kasalang yan?"

"Syempre naman." nakangiting sabi ko.

"Uyy, hindi mawala ang ngiti sa labi." panunukso ni Hazel.

"Syempre naman, bakla! Ikaw ba naman makabingwit ng mala-James Reid na fafa? Naku, hindi na ako magwowork at pagnanasaan nalang ang mala-Adonis niyang body."

"Ang landi mo, Ponciano!" pabirong sabi ni Hazel at hinampas sa braso si Poncy.

"Ouchy!" daing ni Poncy. "Don't yah palo-palo me! It hurts kaya! At wag mo nga akong tawagin by my real name, it's gross."

Tumawa lang si Hazel dahil sa kaartehan ni Poncy, kaya ako napatawa rin.

"Hay naku, Reen. Pati ba naman tawa mo ang demure?"

"Ha?"

"Hindi kasi siya tulad mo, bakla."

"Demure din kaya aketch." mahinhin na sabi ni Poncy sabay beautiful eyes.

"Pademure kamo." natatawang sabi ni Hazel.

Sasagot pa sana si Poncy kaso natigil sila ng biglang tumunog ang phone ko.

"O siya, Reen. Gogora na kami. Babush!"

"Ingat." paalam ko sa kanila saka sinagot ang tawag ni Lorenzo.

(Nandito na ako sa lobby, MaKo. Papunta na ako diyan.)

"Naku. Wag na, MaKo." sabi ko habang inaayos ang mga gamit ko. "Ako na ang bababa. Hassle lang sa'yo."

Sinukbit ko na ang bag ko at naglakad papuntang elevator.

(You sure?)

"Oo. Pababa na nga ako eh."

Ting.

Bumukas ang elevator at pumasok ako. Pinindot ko muna ang button pababa.

Nagulat ako ng mapansing may tao pala akong kasama sa loob. Wala kasing tao pagpasok ko kanina eh. Ah, baka hindi ko lang napansing may pumasok.

(Okay. I'll wait for you, MaKo. Love you. Bye.)

"Love you, too."

Binaba ko na ang tawag at naghintay.

"Hmmm.. Hmmm.."

Napatingin ako sa kasama ko. She's humming a song. Pero hindi ko matantya kung anong kanta.

Patuloy lang sa pag-hum ang babaeng nakaitim. Ang weird lang dahil may itim na belong nakapatong sa ulo niya. Galing siguro siyang burol.

Ting!

5th floor. Bumukas ang pinto ng elevator pero walang pumasok. Hay naku. May mga tao talagang mahilig mantrip.

Sumarado ulit ang pinto ng elevator. Tinignan ko ang wrist watch ko, 12:23 na.

Patience..

Ting!

Ground floor.

Lumabas na ako sa elevator pero nakita ng aking peripheral vision na wala na ang babaeng nakaitim. Nilingon ulit ang loob ng elevator at nanlaki ang singkit kong mga mata ng makita ang babaeng nakaitim na nasa gitna ng elevator. Hindi kita ang itaas na bahagi ng mukha niya dahil sa belo.

DalamhatiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon