[ 4 ]

2.5K 86 3
                                    

- 4 -

"ANO ba.." ungol ko ng maramdamang may humihila sa kumot.

Pilit ko naman itong hinahatak pabalik pero sadyang makulit lang talaga itong si Lorenzo at hindi tumitigil sa paghila.

"MaKo." banta ko sa kanya habang nakapikit pa rin.

Naramdaman ko namang gumalaw ang katabi ko. Napadilat ako. "Hmm.. Bakit, MaKo..?" pikit-mata niyang sabi at humikab.

Nakaramdam ako ng takot.

"W-wala.. Wala. Matulog na ulit tayo." sabi ko saka siya niyakap. Niyakap rin naman niya ako.

Ilang minuto ang lumipas ay nakatulog na ako. Pero sa pangalawang pagkakataon, may humila na naman sa kumot.

Hindi ko 'yun pinansin bagkus mas idinikit ko pa ang katawan ko kay Lorenzo. Tulog na tulog siya dahil rinig ko ang mahihina niyang hilik. Samantalang ako naman ay pikit nga ang mga mata, gising na gising naman ang diwa ko.

Tuluyan ng nalaglag ang kumot at dahil hindi ako sanay na matulog ng hindi nakakumot, mas lalo akong hindi makatulog.

Gusto kong gisingin si Lorenzo ngunit alam kong pagod siya sa kanyang trabaho at halos ala una na ng madaling-araw kami nakatulog kaya nilabanan ko nalang ang takot ko at diniinan ang pagpikit ko.

Ramdam ko ang ginaw ng paligid. At gustong-gusto ko ng umiyak dahil sa takot ng may kumalabit sa likod ko.

Pilit kong pinakalma ang sistema ko para hindi manginig sa takot.

Pero hindi 'yun tumalab.

Mas lumamig ang buong paligid at hindi ko na napigilan ang sarili ko sa panginginig ng may malamig na kamay na humawak sa paa ko.

Napabalikwas ako at napaupo sa kama. Pawis na pawis na ako at sobrang bilis ng tibok ng puso ko.

Tinignan ko si Lorenzo na payapang natutulog. Bakit? Hindi ba niya nararamdaman ang nararamdaman ko ngayon??

"Psst."

Napalingon ako. "AAAAHHHHH!!!"

"MaKo! MaKo! Gising!"

Napabalikwas ako sa hinihigaan ko. Punong-puno ng pawis at sobrang bilis ng tibok ng puso ko.

Panaginip..

"You're having a nightmare, MaKo."

Bangungot pala.

Pinahid ko ang kamay ko sa noo kong puno ng pawis.

Sobrang samang panaginip. Bakit ko ba laging nakikita ang babaeng nakaitim?! At sobrang nakakatakot pa ang ngiti niya.

"Here. Uminom ka muna."

"Salamat."

Ininom ko ang tubig na binigay ni Lorenzo. At salamat talaga dahil medyo naibsan ang pagpapanic ko.

Inabot ko sa kanya ang baso at nilagay naman niya iyon sa bedside table. Tinabihan niya ako at pinaharap sa kanya. Mukhang bagong gising lang rin siya.

"Ano bang panaginip ang napanaginipan mo? You looked so tensed when you wake up." nag-aalalang tanong niya.

"W-wala." nakatungo kong sabi.

"MaKo? 'Di ba nagpromise tayo sa isa't-isa na walang maglilihim?" malungkot niyang sabi.

Napabuntong-hininga ako. Sasabihin ko ba?

"Nanaginip ako na.. Iiwan m-mo raw ako.." malungkot kong sabi.

Nalulungkot ako dahil hindi ko masabi sa kanya ang totoo. Nakakakonsensiya.

DalamhatiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon