[ 5 ]

2.4K 74 2
                                    

- 5 -

"MaKo,"

Nilingon niya ako tsaka umupo na sa tabi ko. "Yes, MaKo? Nahihilo ka na ba?" tanong niya.

Umiling ako. "Uminom na ako ng gamot para sa motion sickness ko."

"Oh. That's good to hear." sumandal siya. "Come."

Ihinilig niya ang ulo ko papunta sa balikat niya saka ako inakbayan. This will be a long journey..

"Salamat.." I murmured before drifting off to sleep.


Nagising ako nang makaramdam ako ng vibration sa shoulder bag ko. Umupo muna ako ng maayos. Tinignan ko si Lorenzo, tulog na tulog siya.

Kinuha ko agad ang phone ko sa bag at tinignan ang nagtext. Dalawa anag message sa inbox ko. Galing kay Poncy at Hazel. Pero 'yung isang message ang nakakuha ng atensyon ko.


From: Hazel

nalaman na ang reason why manong guard died. it was a suicide daw, reen.

Suicide? Pero ang saya tignan ni manong guard nung umalis siya para kunin ang batuta niya kaya parang imposibleng nagpakamatay siya 'di ba? Nakangiti pa nga siya habang kinukwento ang tungkol sa asawa niya eh.

Nireplyan ko si Hazel.

To: Hazel

Pano nila nasabing suicide ang nangyari? May ebidensya ba?

Nagvibrate ulit ang phone ko.

From: Hazel

yeah. there's a cctv footage of what happened. wait, I'll send it sayo..

Hinintay ko sandali ang sinabing video ni Hazel. Ewan ko pero parang Kinakabahan ako na ewan, hindi ko ma-explain. Napapraning na naman yata ako.

Maya-maya lang din ay dumating na ang video na sinabi ni Hazel. Dalawa ito. Agad kong pinanuod 'yung una.

Nasa may storage room ang first shot. Kita ditong may hinahanap si manong guard--ang batuta niya. Medyo matagal din bago niya ito nahanap sa ilalim ng lamesa katapat ng cctv camera.

Pero nagbago ang expression ng kanyang mukha pagtayo niya. Nakatingin siya sa baba ng camera at parang takot na takot. Agad na kumaripas ng takbo papalabas ng storage room si manong guard at doon naputol ang unang video.

Anong nakita niya? Iyan ang una kong naitanong sa sarili ko pagkatapos panoorin ang unang video.

Sunod ko namang pinanuod ang pangalawang video. Nasa itaas na bahagi ng hallway ang angulo ng camera kaya kita ang buong hallway.

Ilang segundo ang lumipas ay nagmamadaling lumabas ng storage room si manong guard. Bakas sa mukha niya ang takot at pagkataranta.

Mabilis siyang tumakbo papalayo sa silid. Akala ko ay liliko siya pero nagimbal ako sa sunod kong nakita.

Dumeritso siya sa katapat nitong pader na gawa sa salamin. Agad na nabasag ang salamin dahil sa lakas ng impact ng pagkabangga ni manong guard at doon siya nahulog.

Nanlalaki ang mga mata ko at hindi makapaniwala. Napatakip rin ako ng bibig para maiwasang gumawa ng anumang ingay.

Paano nangyaring nabasag agad ang glass wall pagkabangga niya? Masyado itong matibay para mabasag ng ganun-ganun nalang.

Pinanuod ko ulit ang pangalawang video at ini-slow motion ito.

Kitang-kita dito na parang may iniiwasan o tinatakbuhan siya. Nagmamadali siyang lumabas ng silid pero dahil naka-slow motion ito, mabagal.

DalamhatiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon