- 3 -
"YES! It's vacation time! Wepee!" tili ni Poncy ng makalabas kami ng Conference Room.
"Hoy! Tumahimik ka nga, Ponciano! Nakakarindi iyang boses mo." sabi ni Hazel habang naglalakad papunta sa cubicle niya.
"Ang kill joy mo talaga, Hazelnut!" inirapan lang siya ni Poncy saka naglakad papunta cubicle rin niya. "Palibhasa kasi ang cold ng Christmas ng manang ngayon.."
Sinamaan ni Hazel ng tingin si Poncy. "Tumigil ka, bakla. Uupakan na talaga kita." pambabanta niya.
Inilabas lang ni Poncy ang dila niya kay Hazel saka bumalik sa pagliligpit ng gamit niya.
Umiiling habang nakangiti lang ako. Ang kulit kasi ng dalawa. Parang aso't pusa pero lagi namang magkasama.
Sabay kaming tatlo na bumaba ng building. Nagkakantyawan pa sila Hazel at Poncy sa loob ng elevator dahil sa isang gwapong lalaki na pumasok. Nag-aagawan sila sa pagtabi pero sa huli sa akin tumabi ang lalaki.
"Nakakainis ka naman, Reen! Akin yung boylet eh!" sabi ni Hazel paglabas namin ng building.
"Anong sa'yo? He's mine kaya!" depensa naman ni Poncy.
"Akin siya!"
"Hindi! Never! Akin yung gwaping!"
"Mang-aagaw! Akin siya!"
"Walang sa'yo, Nicole! Akin lang ang asawa ko!"
"Hahaha! The Legal Wife lang ang peg, bakla?" natatawang sabi ni Hazel.
"Oo! At ako ang The Legal Wife niy--"
Natigil sila sa pagtatalo ng dumaan ang gwapong lalaki kanina sa elevetor sa harap namin. At ang mas nakakatawa pa ay dumeritso ito sa naghihintay na lalaki sa harap rin namin.
Hinalikan ng gwapong lalaki ang pisngi ng lalaking naghihintay sa kanya at magkahawak-kamay silang umalis sa harap namin.
"Pffft.. Hahahahaha! Grabe--hahahaha!" mangiyak-iyak na akong tumatawa dahil sa reaksyon ng dalwa.
Tulala sila at nakaawang ang mga bibig. Halatang hindi makapaniwala sa nasaksihan nila. Habang ako tawa ng tawa pa rin.
"Oh my gosh.." mahinang sabi ni Poncy.
"Oh my gosh talaga!" biglang tili ni Hazel.
"Waaa! Hindi ko keri! Oh my gosh! Pinagnasaan ko ang isang kalahi ko! Huhu!"
Tumayo ng matuwid si Hazel at inayos ang kanyang buhok saka ngumawa. "Bakit ba lahat ng gwapong lalaki sa mundo ay bakla?? Huhuhu. Mukhang tatanda ako nito ng dalaga."
"Uy, hindi lahat." depensa ko.
"Kpayn! Huhuhu! Kailan ba ako makakahanap ng katulad ni fafa Enzo??"
Tawa ako ng tawa habang tinitignan ang pagdadalamhati ng dalawa dahil sa gwapong lalaki na kalahi pala ni Poncy.
"Sayang. Gwapo pa naman sana. Hayy.."
"Hindi naman sukatan ang itsura sa pagmamahal, Hazel."
"Okay na girl. Tama na. Enough of your hugot lines."
"O siya. Aalis na ako." bagsak ang balikat ni Hazel na tumalikod.
"Hoy! Hazelnut! Wait for me!" sigaw niya kay Hazel. "Babush na, Reen! Teyker!"
Nakangiti akong tinignan sila Poncy at Hazel na lumalayo. Ang kulit kasi nila eh.
Kinapa ko ang bag ko ng maramdaman kong nagvibrate ito.
BINABASA MO ANG
Dalamhati
HorrorAng tunay na pag-ibig ay walang katapusan. Walang hanggan. Kahit kamatayan, hindi makakasagabal dito. Ano nga ba ang magagawa ng isang tao na nagdadalamhati? Tara at tuklasin natin ang mga pangyayari sa taong nakakaramdam ng... Dalamhati. Highest ra...