- 1 -
IT'S her hair and her eyes today
That just simply take me away
And the feeling that I'm falling furthur in love
Makes me shiver but in a good way~Tumingin siya sa akin. Ang ganda talaga ng boses niya..
All the times I have sat and stared
As she thoughtfully thumbs through her hair
And she purses her lips, bats her eys as she plays,
With me sitting there slack-jawed and nothing to say~Lumapit siya sa akin at hinawakan ang kanang kamay ko..
Coz I love you with all I am
and my voice shakes along with my hands
Coz you're all that I see and you're all that I need
And I'm out of my league once again~Bawat salitang lumalabas sa bibig niya ay parang ilang boltahe ng kuryente na kumukuryente sa pagkatao ko. Medyo natawa rin ako nang marealize na iniba niya ang ibang words sa kanta. Para talagang sinasabi niya sa akin ngunit pakanta.
Ngumiti siya. Napangiti rin ako pero nagulat ako ng bigla siyang lumuhod sa harapan ko. Ano ang gagawin niya? Magpopropose ba siya?!
"Rhenelle Loreen Chan," tawag niya na nagpahinto sa pintig ng puso ko. "MaKo, alam mo kung gaano kita kamahal. Sa limang taon nating magkasama, alam kong ito na ang tamang panahon,"
Limang taon na kaming magboyfriend ni Lorenzo. At sa limang taon na iyon, wala akong pinagsisisihan. May mga problema mang dumating, nalalampasan namin iyon ng magkasama. Mahal na mahal ko siya. Si MaKo.
May inilabas siyang maliit na pulang kahon galing sa bulsa niya. Binuksan niya iyon at napaiyak na ako--dahil sa tuwa.
"MaKo. Alam kong hindi ako perpekto. Hindi ako ganun kagwapo," Weh? Ang gwapo mo kaya. "Pero alam ko mahal na mahal kita at alam kong mahal mo rin ako. Gusto ko paggising ko, ikaw palagi ang nakikita ko. Ang magluluto ng pagkain, bahala na kung tutong basta luto mo," Aba't! Ngumisi siya. "Gusto kong ikaw ang maging ina ng mga magiging anak ko. I wanna grow old with you, MaKo. So, will you grant my wishes? Please spend the rest of your life together with me."
Ngumiti ako habang pinunasan ang mga luha ko sa mata. "Oo. Oo, Lorenzo. I would be more than willing."
Mas lumawak ang ngiti niya habang sinusuot ang singsing sa kamay ko. Pati siya napapaiyak na rin. "YES!" sigaw niya bago ako binuhat. "Yes! Hooo! Magpapakasal na kami ni MaKo! Hooo! Yes!! Hahaha!"
"Uy, Lorenzo, ibaba mo ko! Nakakahiya. Pinagtitinginan na tayo."
Tumawa siya ng mahina habang binababa ako. Niyakap niya ako ng mahigpit, niyakap ko rin siya. Ang saya-saya ko. Walang mapaglagyan ang tuwa ko.
"Mahal na mahal kita, MaKo." sabi niya habang binabaon ang mukha niya sa leeg ko.
Tumawa ako ng bahagya. Kumalas kami sa yakap. Hinawakan niya ang mga kamay ko at tinignan ako. "MaKo--Mahal Ko. Mahal na mahal na mahal kita." nakangiti kong sabi.
Hinalikan niya ako ng mabilis. "I can't wait to change your surname into Santos," sabi niya nang nakangiti. "Rhenelle Loreen Chan-Santos. Ang ganda pakinggan, hindi ba?"
Tumango ako habang nangiti.
Umupo kami sa isang bench matapos ang proposal niya. Magkawak kamay kami habang nakaupo.
Tinignan niya ang kamay kong may suot na singsing at hinalikan iyon. Nakakakilig talaga ang lalaking ito.
Sumandal ako sa balikat niya. "Naaalala mo pa ba iyong mga panahong nanliligaw ka pa sa akin, ha, Lorenzo?" bigla kong tanong.
BINABASA MO ANG
Dalamhati
HorrorAng tunay na pag-ibig ay walang katapusan. Walang hanggan. Kahit kamatayan, hindi makakasagabal dito. Ano nga ba ang magagawa ng isang tao na nagdadalamhati? Tara at tuklasin natin ang mga pangyayari sa taong nakakaramdam ng... Dalamhati. Highest ra...