Pumunta ako ng school kahit walang pasok, kailangan ko kasing taposin ang pinapagawa sa akin ni Mrs. Vasquez.
Halos naubos ang energy ko sa kakacheck ng test papers buti na lang may dala akong payong, lalakarin ko pa naman mamaya ang office na papasahan ko nitong mga folder at testpapers.Tanghali na at hindi parin ako tapos kaya nagbreak muna ako para mananghalian, nang lumabas ako sa gate nakita ko siya. Naka pulang tshirt siya at green na jersey short pawis na pawis ang tshirt niya sa likod. Siguro katatapos lang nila maglaro ng football.
Hindi niya ako nakita kasi nakatalikod siya sa akin pero kahit nakatalikod siya alam ko, sigurado ako na siya 'yan.
Kahit likod niya alam na alam ko .Ang bilis lang talaga ng pintig nang puso ko. Siya lang ang nakakagawa nito..
Binilisan ko ang lakad ko nang makita ang mga kateammates na pa papunta sa kanya, katulad niya ganun rin ang mga ito, naligo sa pawis.Ayaw kong makita nila ako.
Alam nilang may gusto ako sa kanya, kaya ayaw na ayaw kong nakikita nila ako pagkasama siya nila dahil alam kung tutuksohin nila ako, at nahihiya ako dahil baka pag-nangyari iyon ay masasaktan lang ako dahil alam na alam ko na wala siyang pakealam sa feelings ko. alam na alam ko na iyan ang tutuo.Lumiko ako ng daan papuntang Cafiteria, dahil nga sa walang pasok wala gaanong taong kumakain don, may taltong teachers lang at isang babae. Doon ako pumwesto sa pinakadulo ng Cafiteria ng makuha ko na ang pagkain.
Bakit kaya nag-iisa lang ngayon si Maxine? Nasanay na ako na kasama niya palagi ang mga barkada niyang mga lalaki, hindi kami close pero kilala ko siya, grade 12 na siya at siya ang presidente ng Art Club. I love Art, gusto kong matuto nito but It seems Art doesn't love me back.
Pagkatapos kung mananghalian dumiretso na agad ako sa school.
Wala pa si Mrs. Vasquez kaya nagstandby muna ako sa ilalim ng malaking puno ng Acacia na may dalawang bleachers doon na nakahilera, sa buong campus, dito ako pinaka komportable.
malapit lang ito sa faculty kaya dito na lang ako maghihintay. Umupo ako doon.Wala gaanong tao sa bandang ito. Tahimik at hindi mainit. May mga grade 9 students na naglalaro sa basketball court hindi kalayuan sa akin, dalawa lang silang lalaki.
Tanging paglundag lang ng bola ang naririnig ko at ang bakas ng pagtakbo nila.Ang peaceful ng school sa sa araw na ito, dahil sa wala gaanong mga studyante kaya ay napapansin ko ang mga bagay bagay na nakapaligid sa akin.
Nung mag grade 9 ako ay sa kabilang building iyon, malayo dito kaya hindi ko gaano napapansin ang lugar na ito. Maganda dito, bukod sa napakatahimik, may mga mural paintings din sa bawat block ng wall, makukulay ang mga ito, ang gagaling talaga ng mga artist ni ma'am Alverez, may team siya dito sa school namin, halos mga senior na sila, hindi ko alam kung ilan talaga sila pero ang iba ay pamilyar na sa akin tulad na lang nila Maxine at Abzydee. Sikat sila dito sa school, lagi ko silang nakikitang nagpipinta sa Art room o di kaya'y nag mumural painting sila. Nakuha ang atensyon ko sa isang painting na natatabunan ng isa pang malaking puno ng Acacia. Nasa dulo na ito banda, hindi ko gaanong kita ang buong painting kaya ay napatayo ako at naglakad patungo roon.Nang makalapit ako sa punong Acacia ay umupo agad ako sa isang bench doon at tinitigan ang kabuohan ng painting sa una ay hindi ko pa maintindihan kung ano ang nais ipahiwatig nito at sa tingin ko ay hindi pa ito tapos, dalawang kulay lang nagamit dito, white and black, ang creepy lang ng painting dahil isang puno lang ito na walang mga dahon, sa lahat ng painting sa bawat block ng campus ay related sa environment o di kaya ay sa mga bayani, ito lang ang naiiba.. oh well nasa dulo narin naman ito at nasa liblib pa banda, siguro ay walang magawa ang gumawa nito at pinagdiskitahan ang pader. sigurado akong hindi ang mga artist ng school ang gumawa, dahil ibang iba ito sa mga nagawa na nila, masyadong makukulay ang mga iyon.
Kung titigan mo ang mural na ito ay siguradong mararamdaman mo ang kilabot o di kaya'y ang lungkot.
Umihip ang malakas na hangin.
Sumabog iyong buhok ko.
Napapikit ako, ang sarap sa pakiramdam."Anong ginagawa mo dito?"
Nilingon ko ang babaeng nagsalita sa likod, It is Maxine Tolentino. Naka ponytail ang kanyang mahaba at blonde na buhok, ang gandang niyang tignan, bumagay ito sa kanyang maputing kutis."Amm- ano ka-kasi tinignan ko lang ang painting"
and why I'm stuttering?
ang ganda niya pala sa malapitan. Napaka inosente ng mukha at napakalinis nito. Isa siya sa mga hinahangaan kong babae sa lahat ng Seniors namin, wala kasi siyang ka arte- arte sa katawan."Pangit ba? Hindi pa yan tapos.." napailing agad ako! Hindi siya pangit sadyang kakaiba lang talaga ito sa lahat ng nakahanay.
"Hindi ah, sa totoo lang.. ang cool ng painting pero ramdam ko ang lungkot nito. Ikaw ba ang nagpaint?" ngumiti siya pero kita ko ang lungkot sa ngiti niya.
"Hindi. Hindi ako ang nagpaint niyan.. sa katunayan.. hindi ko alam kong sino ang may gawa niyan"
umupo siya sa tabi ko. She's looking at the painting intently.
"Akala ko nga kanina na ikaw na eh, pero wala kang hawak na mga gamit.."
dagdag pa niya. Akala ko din kanina na siya ang nagpaint nito, hindi ako curious pero dahil sa lungkot ng mga mata ni Maxine ay naging curious ako. Sino kaya ang may gawa nito?
"Alam mo bang kaming lahat ay curious sa painting nato. Nagulat na lang kasi kami na isang araw meron na ito dito" tahimik lang akong nakikinig sa kanya.
"I really want to know kung sino ang may gawa, Every works of Art has story... Anyway, I'm Maxine Tolentino" napalitan ng ngiti ang mukha niya, nilahad niya ang kanyang kamay at tinanggap ko iyon.
"I'm Loren Claire Aguillo.." ngumiti ako pabalik sa kanya, hindi siya nagtagal doon, nagpaalam na agad siya matapos naming magpakilala sa isa't isa.
I'm Loren Claire Aguillo, 17 year old and a grade 10 student, Scholar ako sa school na ito. Hindi kami mayaman kaya ako nagsisikap na mamentain ang mga grade ko para hindi mawala ang pagka scholar ko, kaya rin nagtatiyaga akong pumunta dito kahit walang pasok ay dahil sa tumutulong ako ky Mrs. Vasquez, ako ang taga check ng mga test papers, nakasanayan ko na itong gawin. Tuwing uwian ay pumupunta ako sa kanya para gawin ito.
Tinignan ko ang relo ko at mag aala- una na pero wala parin si maam baka hinahanap na ako sa bahay.
Bumalik na lang ulit ako sa ilalim ng punong Acacia at umupo ulit don.
Natanaw ko ang dalawang grade 9 students kanina na naglalaro na nadagdagan ng tatlo, maingay na silang naglalaro habang si Maxine ay andon sa gilid, chinicheer niya ang dalawang grade 9 student laban sa mga barkada niya.
Kinuha ng isang Senior ang bola at drinible ito habang ang isang grade 9 student ay balak kunin ang bola, ang isa niyang kasama ay pinalibotan ng dalawa.
Nakakatawa silang panoorin dahil mga bata ang kalaro nila. At ang dayang tignan dahil ang lalaki nilang tao laban sa dalawang bata!

BINABASA MO ANG
Unreachable
RomanceAng lapit-lapit mo pero hindi kita mahawakan o makausap man lang.. hanggang tingin at sulyap lang bang kaya kung magawa. Para kang bituin sa langit na kumikinang, hindi ko kayang hawakan kundi titigan ko na lang. My love for you seems so unreachable...