Kalat na sa section namin na girlfriend daw ni Miguel si Dennise, pinagkalat ni Dennise na nagdate raw sila nung friday! Kainis!
Nakakairita ang mga tingin ng mga kaklase ko sa akin na para bang sinasabi nila na 'move-on na Claire'.
Naiirita ako sa mga bulong-bulongan nila na nakakaawa raw ako.Wala akong ginawa buong period ng klase kundi ay ang magbasa lang sa libro na hindi ko pa nasasauli sa libary, matagal ko na itong natapos pero inulit ko na lang para malibang ang sarili , pero hindi ko maiwasang isipin na siguro ay tama iyong nakita ko, sila na siguro talaga ni Dennise.
"Naku Claire! Hindi kita masasamahan sa office ni Ma'am Vasquez, nagtext na si Mommy na kailangan ko ng umuwi, sasamahan ko pa siyang bumili ng mga ingredients eh. Remember the dinner?"
Nagmamadali niyang sinabi sa akin habang nagliligpit ng gamit niya, kakalabas lang ng last period teacher namin sa hapon at siguro ay kanina pa niya natanggap ang mensahe ni tita kaya ganyan siya ka nagmamadali.
"Jean, hey..relax, Calm down Aljean"
natatawa kong sambit sa kanya. Hindi ko naman talaga kailangan pang magpasama sa kanya, siya lang itong gustong sumama. Hindi naman ako magtatagal don kukunin ko lang iyong mga ipapagawa ni ma'am at uuwi na rin.
Ang Office ni Ma'am Vaquez ay katabi lang ng faculty room, kung saan sa likod nito ay ang lumang basketball court kung saan ako tumatambay.
Pagkarating ko roon ay sirado ang office ni Ma'am, may naririnig akong lumulundag na bola sa likod. Siguro ay may naglalaro doon.
Biglang bumukas ang pinto ng office ni ma'm at nagulat ako sa pawisang Miguel na nasa harap ko ngayon. Naka dark blue t-shirt sya at jershey short, nakasuot siya ng hanggang tuhod na itim na medyas at sapatos.
"Kuya, andito si Claire.." sambit ni Miguel,
nagulantang ang puso ko ng banggitin niya ang pangalan ko! Alam niya ang pangalan ko!
Ang lakas ng pintig ng puso ko lalo nang siya ay tumango sa akin at ngumisi, ganun rin ang ginawa ko pero ramdam ko ang pamumula ng magkabila kong pisngi .Binuksan niya ng malaki ang pintuan at nakita ko sa loob si Mirton.
Sumenyas siya sa akin na pumasok.
Binigyan ako ng daan ni Miguel, nalanghap ko ang kanyang mamahalin na panlalaki na pabango, kahit pawisan na siya ay mabango parin ito."Claire, pinapasabi ni mommy na bukas raw sa time niya ay kailangan niyo itong gawin"
may ipinakita siya sa akin na libro, marami pa siyang sinabi at sa raming iyon ay kailangan ko pa itong ilista sa notebook ko para hindi ko makalimutan.
"Ito na ba lahat ang ipinapagawa niya?"
Sabay lagay ko ng tuldok sa pinakahuling activities. Nilingon ko siya at nadatnan kong amuse na amuse siyang nakatitig sa akin na para bang ngayon lang siya nakakita sa ginawa ko na paglilista.
"Sinabi ni mommy sa akin na scholar ka raw? So, ibig sabihin ay matalino ka pero nakalimutang atang sabihin ni mommy sa akin na.. you are very pretty "
namula ang pisngi ko sa sinabi niya, hindi ko alam kong ano ang dapat ang ibigay na reaksyon, tatawa ba ako kasi corny ito o ngingiti lang dahil sa tama ito? Oh great! Ang arogante mo Claire!
Sa huli ay ngumiti ako sa kanya at nagpasalamat.Narinig ko ang mahinang halakhak sa likod ko at nakita ko roon si Miguel na nakatayo, nakatingin siya kay Mirton habang binibigkas ang
"Ang C.O.R.N.Y mo!"
humalakhak at tumakbo na siya palabas. Hindi maalis sa isip ko ang ngiti niya kanina nakita ko ang malalim niyang dimple, magulo ang kanyang brown na buhok na bumagay naman sa mukha niya.
BINABASA MO ANG
Unreachable
RomanceAng lapit-lapit mo pero hindi kita mahawakan o makausap man lang.. hanggang tingin at sulyap lang bang kaya kung magawa. Para kang bituin sa langit na kumikinang, hindi ko kayang hawakan kundi titigan ko na lang. My love for you seems so unreachable...