Alas tres na nag dumating si Mrs. Vasquez, panay ang hingi niya ng tawad dahil raw ay nakalimutan niya raw ako. Nagtext kasi siya sa akin na babalikan niya ako bago mag 1:30, ang usapan namin ay half day lang ako dito sa school kaya ng mag 1:30 na ng hapon ay binalak ko ng umalis, kaya lang naalala ko na kailangan pala to ni Ma'am Vasquez at may due date na ang mga iyong nacheck ko ay nanatili na lang ako.
'' Naku Claire, pasensya na talaga, nawala talaga sa isip ko na dapat ay may babalikan pa ako rito sa Campus, Sorry ha, Naku.. halos tatlong oras ka naghintay dito'' nawala ang pagod ko sa kahihintay kanina ng makita ko ang sising sisi na mukha ni Ma'am Vasquez.
"okay lang po Ma'am, wala naman po akong ginagawa sa bahay ma'am tapos kanina na-aliw ako sa mga batang naglalaro kaya hindi po ako na bored" nginitian ko siya at inabot ang mga natapos ko ng echeck ng mga test papers. Hindi siya kumbinsido sa ngiti ko, may inabot siya sakin na pera
"Naku, ma'am hindi po, wag na po.. hindi ko po yan kailangan, Okay lang po talaga" hindi ko tinanggap ang binigay niya. Umiling siya at kinuha ang kamay ko.
"No, kunin mo Na Claire, Pasasalamat ko iyan sa iyo.. wag mo nang tanggihan mao-ofend ako niyan" labag man sa kalooban ko ay tinanggap ko na lang ito. Dumating bigla si Mrs. Alveres, ngumiti siya sa akin bago bumaling ky Mrs. Vasquez mukhang importante ang kanilang pag-uusapan kaya ay nagpa-alam na ako sa kanila.
Naramdaman ko ang vibration ng cellphone ko, kinuha ko sa bulsa ko at nakita ang text message ni Aljean ang matalik kung kaibigan, may anim siya mensahe , ang lima ay kanina pang 3:00 pm tapos ngayon lang ang isa.
'uy girl! asan ka?'
'Clairrreeeeeyyy si crushyyy mo andito sa school. asan ka ba?'
'yohoooo? besshyy? si Miguel andito sa feild naglalaro sila ng football
'besh, ang gwapo ni Miguel.. akin na siya pag hindi ka magreply :P'
":('
tinignan ko ang relo ko, it's almost 4:10 pm na halos isang oras na ang nakalipas sa limang mensahe niya. So, andito pala kanina si Miguel baka umuwi na iyon. Binasa ko ang pang-anim niyang text at katulad ng panglima ganun din ang laman ng pang-anim na mensahe, nabalisa ako sa huli niyang text, may nangyari kaya sa kanya?
Magtitipa na sana ako ng erereply nang makasalubong ko ang tatlong kasamahan ni Miguel sa football, pawis na pawis ang damit nila, biglang bumilis ang puso ko sa pagkaka-akala na baka kasunod lamang nila si Miguel. Napabuntong hininga ako ng walang Miguel Alverez akong nakita.
'hahaha' natawa na lang ako sa sarili ko, kanina-kanina lang ay takot ako na baka andiyan lang siya pero ngayon ay may kunting kirot akong naramdaman, nakakapanghinayang naman... hindi nabubuo ang araw ko pag hindi ko siya makita, oo nga't nakita ko siya kaninang tanghali pero likod lang niya iyon.. bakit ko ba iniisip yon? eh, ako naman ang umiiwas eh..
lumabas na ako sa gate at umupo sa bench na nakahilera sa labas ng school,dahil sa wala ngang pasok walang mga trycle na nakaparada kaya ay umupo muna ako para maghintay.
Tenext ko si Aljean kung anong meron, hindi nasend dahil naubos na pala ang load ko. May tindahan sa harap ng school, tatayo na sana ako ng makita ang lalaking may hawak na bola nakaharap siya sa akin habang tumatawa, may kausap siyang babae. Biglang kumirot ang puso ko ng makita ang tawa ni Miguel at ang paghawak niya sa bewang ng babae. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko, iniwas ko ang tingin sa kanila ng bahagyang lumingon ang babae.. Shit! si Dennise yon! tutuo pala na may something talaga sa kanila. Usap-usapan na ito sa school na may namamagitan sa kanilang dalawa.
Tumunog ang cellphone ko, tumatawag si Aljean..
"Jean...." nahiya ako sa boses ko, hindi maipagkakaila na malungkot ako.
"Claire? kanina pa ako nagtetxt sayo, asan ka?"
"andito sa labas ng school naghihintay ng tricycle" narinig ko ang pagsinghap niya.
"si ano..si Miguel amhh andiyan Claire.. may kasama siyang linta"
"yeah.. with Dennise, sila na pala noh?" pinasigla ko ang boses kahit naiiyak na ako.
"hindi ko alam Claire,.. hmmp! ang pangit pala ng taste ni Miguel noh, hindi marunong pumili ng babae, Naku! kung makita mo lang yang Dennise kanina! ang sarap hampasin ng bola! ang ladi! "
natawa ako sa talas ng dila ng kaibigan ko, marami pa siyang sinabi tungkol sa nakita niya kanina kung hindi pa siguro siya tinawag ni tita ay hindi pa siya matatapos..
May humintong tricycle sa harap ko, may isang pasaherong nakasakay. hindi ako tumayo dahil hindi ko alam kung dapat ba akong sasakay don.
"Miss, hindi ka pa sasakay? makulimlim na.. baka maabutan ka pa ng ulan dito"napatayo ako ng magsalita ang driver. alas singko trenta na pala, umaambon na at nagsisimula nang dumilim ang kalangitan. Pag hindi pa ako sasakay siguradong ma-aabutan ako ng ulan.
"sasakay ako manong" pumasok na ako sa loob ng tricycle, sa bandang likod ako umupo. Nalanghap ko ang panlalaking amoy dulot ng pasahero na nasa harap nakaupo, Si Abzydee Monteleon, ang isa sa pinakahinahangaan sa larangan ng pagpipinta at pagguhit.
"Manong, unahin mo na lang ihatid ang babae na nasa likod, may kukunin po tayo sa Destreenk" nagulat ako sa sinabi ni Abzydee, hindi naman gaanong malayo ang bahay namin pero pwede namang unahin na lang ang iyong sa kanya.
"ahh manong, unahin mo na lang iyong sa kanya total siya naman po ang unang pasahero baka po kasi mainip siya, malayo-layo rin yong sa amin" kumunot ang kilay ni Abzydee na lumingon sa akin.
"Hindi naman malayo ang GT dito ah? " nagulat ako sa sinabi niya, paano niya nalaman na doon ako nakatira?
BINABASA MO ANG
Unreachable
RomanceAng lapit-lapit mo pero hindi kita mahawakan o makausap man lang.. hanggang tingin at sulyap lang bang kaya kung magawa. Para kang bituin sa langit na kumikinang, hindi ko kayang hawakan kundi titigan ko na lang. My love for you seems so unreachable...