"Claire, alam mo bes.. ang problema kasi sayo ay..masyadong mababa ang confidence mo"
saad ni Aljean habang nilalapa ang V-cut na binili ko kanina.
Andito kami sa canteen, break time namin, 20 minutes lang ang breaktime and after nito ay P.E namin pero wala si Maam Vasquez ay dahil daw ay may emergency, tapos 2 period namin siya, bali sa kanya na lahat ng oras before ang lunch. So wala kaming klase 2 period kaya andito lang kami sa canteen."Ee.. Jane, sino ba kasi ang hindi mahihiya kay Miguel ha? E, snobero iyong tao eh. Natatakot akong babalewalain niya lang ako"
pumalungbaba ako habang tinitigan ang picture namin ni Miguel na nakasave sa cellphone ko. Grade 4 pa kami non. Actually, group picture iyon ng section namin, magkatabi kami sa mga time na iyon. Oo matagal ko na siyang gusto, simula ng magkaklase kami. Hindi kami close dahil may grupo siya, nakakausap ko lang siya tuwing may groupworks. Ewan ko nga kung kilala pa ako non.
"Alam mo, kung wala kang gagawin wala talagang mangyayari! So better do the first move!"
Pinanlakihan pa niya ako ng mata. Inirapan ko siya, hindi ko talaga masikmura ang sinasabi niya!
Hindi ako ganung babae. Sabagay, she is Aljean Festo, Our Campus Sweetheart.
Nakukuha niya kung ano ang gusto niya at kung SINO ang gusto niya! Popular si Aljean sa Campus dahil sa anak siya ng Mayor, matalino at bunos na lang ang kagandahan niya."Tumigil ka nga Jean! I'm not like you. Alam mo namang wala akong binatbat sa mga babaeng nakakasalamuha ni Miguel.."
hindi ako katulad ni Dennise.."Hoy Claire!! Anong walang binatbat?? Nakikita mo ba ang sarili mo sa salamin? Kung pwede lang ipagpalit ko ang mukha ko sayo ay ginawa ko na!"
Natawa ako sa sinabi niya, nakita ko pa ang pag-irap niya dahil sa pagtawa ko."Ang kulang lang kasi sayo bes is CONFIDENCE!!!...at kasali na don ang masyado kang nerdy? Like you know, palagi kang may dalang libro o di kaya'y nasa library ka tapos..napakailap mo"
Dagdag pa niya habang nilalamot ang chips. May confidence naman ako sa sarili ko pero pagsa academic lang, nawawala ito pagtungkol na kay Miguel, bumababa it."Hush! Hinaan mo nga ang boses mo Jean, marinig ka nila eh!"
Mariin kong saad sa kanya, napapalingon kasi ang ibang studyante sa amin dahil sa ang lakas ng boses ni Aljean, she's the Campus sweet heart! Alright, hindi bagay sa kanya ang sumisigaw habang nilalantakan ang pagkain."Eh ano ngayon? They don't care anyway. Miguel isn't that popular! Oo nga't may istura siya tapos athlete pa
but there is someone else who have it more Claire.. at sila ang pinagkakagulohan dito.. " pumungay ang mga mata niya habang sinasabi ang mga iyon. Pumasok agad sa isip ko ang ex niya. Si Renzo."Mas astig kaya sa kanya si Miguel! Akala ko ba nakamove-on ka na don? He's an ass. Get over it!"
Mariin kong sinabi ko sa kanya, I know Renzo.. he's a heartbreaker! An asshole!
Nagulat ako sa biglang paghalakhak niya. Napakalakas nito dahilan sa pag-lingon ng buong atensyon ng mga studyante sa amin."Oh My God Claire! Your so funny, matagal na akong naka move-on noh! You're making me laugh so hard"
hindi parin siya matigil sa kakatawa niya pero hindi na ito malakas, pero pansin ko parin ang mga titig ng mga tao.
"Eh sino ba iyon?"
Nakita kong bigla umayos ng upo si Aljean at nakatikom ang mga bibig, namumula ang kanyang pisngi at nakatitig sa likod ko. Nilingon ko ito at damn! Okay, alam ko na kung sino ang tinutukoy niya at kung sino ang tinitingnan ng mga tao na adito sa loob ng canteen.
It's Abzydee and his friends."What's with them Jean?" Ibinalik ko ang tingin sa kanya. Hindi na mapukos ang mga mata niya sa akin dahil nalilipat ito sa mga lalaking nakaupo sa kabilang lamesa.
'They have the 'more' Claire"
ngumisi siya habang namumungay ang kanyang mga mata. Umiling na lang ako at pinagtuonan ng pansin ang librong hiniram ko sa library."Oh My God..." narinig kong bulong ni Aljean, nahagip ng tingin ko ang isa sa mga kasamahan ni Abzydee na pumasok kanina ay papalapit sa amin. Anak ito ni Mrs. Vaquez, minsan ko na siyang naabutan sa loob ng office ni maam.
"Hey, amm.. you are Loren Claire Aguillo right?" Saad niya, tumango ako. Naramdaman ko ang pagsipa ni Aljean sa akin. Nagtatanong ang kanyang mga mata.
"Pinagbilin ni mommy na bago ka umuwi mamayang hapon, dumaan ka muna sa office niya. May ipinabibigay siya"
tumango lang ako, hindi ako makaimik dahil sa sobrang tahimik ng canteen, nararamdaman ko ang bawat titig ng mga studyante sa akin.
Oh great! This is awkward.."By the way, I'm Mirton, Mirton Vasquez"
nilahad niya ang kanyang kamay. Nahihiya pa akong hawakan ang kamay niya. Nanlalamig ako.
Ngumiti siya sa akin at ganun rin ako.
Naramdaman ko ulit ang pagsipa ni Aljean sa ibaba ng lamesa.
Umubo pa siya na halata na mang pineke niya.
Lumipat ang tingin ni Mirton sa kanya. Lumaki ang ngisi niya."Hi Jean! Hindi kita nakilala! Paki sabi sa kuya mo na may game kami mamaya. Hindi kasi siya nagreply"
ginulo niya ang buhok ni Aljean na agad naman nitong inayos. Pumula ang pisngi nito.
"Mirton naman eh! Sinira mo pa ang ayos ng buhok ko.. ayan tuloy! Atsaka hindi pwede si kuya mamaya may family dinner kami"
Marami pa silang pinag-usapan, hindi na ako nagtaka na magkakilala sila. Si Aljean iyan, ang anak ni Mayor Festo.
Popular siya dito, kahit sa mga seniors namin, kilala siya.
Nakita kong tumayo ang isa pa nilang kasama at nakipag-usap ky Aljean.Si Abzydee at Maxine na lang ang natirang nakaupo doon. Wala na ang atensyon ng mga studyante sa amin pero meron parin nagmamasid. Sino ba naman ang hindi titingin kung ang mga popular na mga Seniors ay andito sa loob ng main Canteen ng School may sariling Canteen kasi ang mga Senior sa kabilang building.
Naalala ko tuloy ang nangyari noong friday ng hapon. Gaya ng sabi ni Abzydee, ako ang unang hinatid ni manong driver sumakto pa sa pagbaba ko ang malakas na pagbuhos ng ulan at dahil sa may gate pa ang bahay kailangan ko pang magdoorbell matagal nabuksan ang gate at nababasa na ako ng ulan.
Nagulat ako sa pagbaba ni Abzydee na may dalang itim na payong, pinayungan niya ako.
"Dapat nagdadala ka ng payong palagi para sa ganitong mga situasiyon" masungit niyang sinabi. nahiya tuloy ako sa kanya. Patuloy lang ako sa pagdoorbell. Nahihiya na talaga ako. Asan na ba si mama, bakit ang tagal nila...
"Baliktad na talaga ngayon, ang mga lalaki na ang nagdadala ng payong"
mahina niyang sabi, nilingon ko siya. Ngumisi siya at nag-iwas ng tingin. Sumiksik pa siya lalo dahil sa nababasa narin ang siko niya at hindi na ako mapakali dahil sa sobrang lapit namin. Biglang bumukas ang gate, lumayo agad ako sa kanya at sumukob sa payong na dala ng nakakabatang kapatid ko.
"Amm,.. thanks" iyon lang ang nasabi ko bago siya tumalikod.
"Claire mamaya ah... See you around " nagulat pa ako sa sinabi ni Mirton bago sila bumalik sa kanilang mesa.
"He's cute.. what do you think Claireyy?" Bumungisngis siya habang nginunguso ang kakaalis lang na si Mirton. Kinunotan ko siya.
"He's okay" iyon lang ang nasabi ko at pinagpatuloy na ang pagbabasa.

BINABASA MO ANG
Unreachable
RomanceAng lapit-lapit mo pero hindi kita mahawakan o makausap man lang.. hanggang tingin at sulyap lang bang kaya kung magawa. Para kang bituin sa langit na kumikinang, hindi ko kayang hawakan kundi titigan ko na lang. My love for you seems so unreachable...