1145UP

46 3 0
                                    

Gabi at tinatanaw ko ang crush kong may anak na. Kasama pa ang maganda niyang asawa. Kakainggit silang tingnan. Mukha silang perpektong pamilya.

"Beeeeppp"

Ang lakas ng busina ng motorsiklo mong pula. Feeling mo ata sayo ang kalsada. Gusto kitang bigwasan ng oras na iyon kaya lang tinanggal mo ang helmet mong suot.

Nakurot ko ang kaibigan ko.
Hiniling kong sana ay lumingon ka.
Muli nakurot ko ang kaibigan ko dahil hindi lang lingon ang iyong ginawa, pati ngiti ibinigay mo pa.

Araw-araw na kitang inaabangan sa pagdaan.
Hinihiling na sana muli kang masilayan. Sana nga muli kang dumaan ng muli mabuo ang aking araw.

Mukha namang kampi ko ang sanlibutan. Dahil nakita kong muli ang motorsiklo mong pula. Àng damit mong aking tinandaan.
Paborito kong berde, kulay nating dalawa.

Muli ako ay nagdasal.
Ngayon nama'y number na ang gustong tandaan.
Bago matulog ay aking tinitingnan.
Larawan mong kinuha ng di mo alam.

Hayy, pangarap ko ang makasakay sa iyong motorsiklong pula. Nakayakap sa baywang mo, mahigpit pa sa suot mong sinturon. Hanggang dumating ang araw na lubos kong ikinasaya. Nakuha ko ang number mo sa tulong nila.

Nagpalitan ng mensahe tayong dalawa.
Sa una ay nagpakipot pa sa isa't isa.
Ngiti sa mga labi ko'y di na nawala.
Sana lang hindi umiyak dahil ako ay umasa.

Lumipas ang araw at unti-unting nanamlay.
Pagpapalitan ng mensahe'y tila nawawala na.
Mga ngiti sa labi ko'y napapalitan ng luha sa mata.
Hindi naman ako nagpabaya pero sa aki'y ikaw ay nawala.

Hayy, tama nga ang aking hinala
Na sa akin di ka magtatagal
Ayos lang naman kasi ikaw ay nakasama.
1145UP plaka ng motorsiklo mong pula.


memoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon