Ng Dahil Sa Larawan Nating Dalawa

43 1 0
                                    

"Mas makakabuti kung ngayon pa lang maghiwalay na kayo. Bago pa malaman kung anong mayroon sa inyong dalawa"

Gusto kong lumuha.
Gusto kong magmura.
Gusto kong manapak.

Ano bang alam nila? Sila ba ang nakikipagrelasyon?

Hindi ko maintindihan kung bakit kami pinaglalayo. Wala namang masama sa ginagawa namin. Bakit ba namin kailangang makinig sa mga payo nila? Oo nga at mas matanda sila at mas alam nila ang nangyayari pero hindi nila alam ang nararamdaman ko, namin.

Akala ko boto kayo sa kanya?
Hindi rin pala.

"Alam ba talaga ng magulang mo na kayo na?"

Kinakabahan ako sa isasagot niya. Baka hindi ko kayanin.

"Alam nila"
"Pero hindi sila sang-ayon?"
"Hindi ko alam"

Ang hirap naman maging bata. Lahat na lang napapansin. Kahit gusto namin ang isa't isa, maraming hadlang.

"Maraming ngang nagseselos sa inyo"
"May mga ebidensya na sila. Kapag nagsumbong na yun, tiyak yari kayo"
"Basta uuwi na lang ako sa probinsya"

Natigilan kaming tatlo sa sinabi niya. Handa siyang gawin iyon wag lamang kaming maghiwalay.
Hindi ko alam ang sasabihin ko. Hindi ko alam ang mararamdaman ko habang pinapanuod siyang naglalakad palayo.

"Pag-usapan niyong dalawa yan. Anong mas gusto mo, lalayo siya o makikita mo siya araw-araw?"

Sa tanong palang na iyon, hindi ko na alam ang isasagot.

memoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon