1145UP ang plaka ng motorsiklo mong pula. Palagi kang naka-asul kapag nakikita kita mula sa aking tambayan. Palagi kang ngumingiti kapag nagkakatitigan tayo.
Paasa ka alam mo yun?
Umasa naman ako. Ang sakit.
Naging magkaibigan. Naging textmate. Sana naging lovers din.
Nakakatawa kasi nabuko mong crush kita. Sabi ng kapatid ko panget ka daw. Pero lahat naman panget sa kanya ee. Haha ang gwapo mo kaya.
Nangako ako sa sarili ko na kakalimutan na kita. Na kailangan ko ng magmove on sa pagkagusto ko sayo. Sana nga magawa ko yun.
Tulungan mo ko ha?
Pakiusap wag kang papakita muna.
Pakiusap wag kang ngingiti sa akin.Kasi sa isang ngiti at tingin mo lang babalik na yung pagkagusto ko sayo.
Kaya please..
Hayaan mo muna akong magmove on..
Hanggang sa kaya na kitang tingnan ng hindi ako nasasaktan.
Edwin.