mang-aawit

55 1 0
                                    

Grade 4 ka at grade 6 naman ako.
Nakita kita ng minsang bumaba ako sa canteen. Dun ko unang nalaman ang ibig sabihin ng crush. Ang cute mo kasi kaya di ko mapigilang mapangiti.

Highschool ako at inaabangan pa rin kita. Araw araw pilit kitang tinatanaw mula sa kabilang gusaling aking kinalalagyan. Ang hirap palang magandahan sayo, di mo pinapatulog.

Dumating yung araw na graduation niyo na sa elementary. 2nd year naman ako. Pumasok sa isip ko na siguro di na kita makikita ulit kaya naman sinubukan kitang kalimutan.
Araw-araw halos di ako mapakali kapag di ka nakikita. Gusto kitang laging natatanaw. Di nabubuo ang aking araw kapag wala ka. Siguro nabuo na sa love ang nararamdaman ko pero ginagawa ko naman ang lahat ng paraang alam ko para lang wag matuloy sa ganoong estado ang puso ko. Sapat na sa akin na makita ka sa bawat araw. Sapat na sa akin na makita ka sa paglipas ng taon kahit na tuwing bakasyon ay malamya ang buhay ko kasi di kita nakikita. Ni hindi ko nga alam kung anong pangalan mo.

Isang araw ay nagising ako na may ginagawa ng simbahan malapit sa aming tahanan. Maliit na kapilya sabi ni tatay. Ng matapos ay laking tuwa ko, isa ka pala sa mga kumakanta tuwing may misa.

Nabuhayan muli ako ng loob kasi makikita na ulit kita. Matititigan na ng matagal.

Halos abot-kamay na kita. Kaytagal kong hinintay ang pagkakataong iyon pero wala naman akong lakas ng loob na kausapin ka. Wala akong lakas ng loob na maging kaibigan mo dahil takot ako sa rejection. Takot akong matanggihan lalo na kung ikaw ang gagawa. Sapat na sa akin ang matitigan ka sa malayuan.

Sa dalawang taon na natitira para makapagtapos ako ng highschool ay di na kita nakita sa eskwelahan maliban sa maliit na simbahan malapit sa aming bahay. Hanggang sa mga oras na iyon ay di ko pa rin alam ang pangalan mo kahit kaibigan pa ng kuya ko ang isa sa mga kasama mong mang-aawit.

Mahirap?

Oo pero wala naman akong magagawa. Ganoon ako magmahal ng tao, tahimik lang.

Umalis ako at nakarating ng Bicol. Hiniling na sana dumating yung araw na hindi na kita maalala. Hindi na kita kasama bago ako matulog. Hindi na kita aabangan sa simbahan at hindi na kita susubukang iguhit para lang di ko makalimutan kung anong hitsura mo.

Sinubukan kong anim na buwan na kalimutan ka. Pangako sinubukan ko talaga.

Bumalik akong Maynila para mag-aral ng kolehiyo. Buo na ang isip ko na nakalimutan ko na kung anong nararamdaman ko para sayo. Nagkaroon ako ng kasintahan, manliligaw at mga kalandian para makalimutan ka.

Pero bakit kasi linggo ko pa naisipang umuwi?

Ang tanga ko talaga. Ang tanga ko pagdating sayo. Dahil ng makita kita bumalik lahat ng pagkagusto ko.

Pitong taon na mula ng una kitang makita. Pitong taon na gusto kita. Pitong taon na hinintay kong mapansin mo ko. Pitong taon na ang tanga ko dahil sa pagkagusto ko sayo.

Bakit di ka crush ng crush mo?

Kasi hangga't di ka gumagawa ng paraan na mapansin ka niya, walang mangyayari sa binubuo mong pag-ibig para sa kanya.

Yan ang natutunan ko.
First crush
First love
First heartbreak

Pero kahit ganun, masaya ako.
Atleast kahit alam mong may gusto ako sayo, hindi mo ko pinigilan at hinayaan mo lang ako.

Masaya na ko dun.

memoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon