Chapter 3
OTW na ko to Batangas sunduin ko si Stephen may lakad kasi kami ngayon, samahan ko siya bumili ng damit. Di ba, eto sinasabing "EFFORT" ako pa talaga susundo. (hahaha ..)
Pagbaba ko ng bus sa grand terminal ayon, looking for him.
"Asan na guh yon? Ang init nama, ang alikabok pa?"
Then suddenly, oh there he is, nakatalikod. Infairness ang pogi niya kahit na katalokod, hihihi ..
"oi, tara na?!" sabi ko pagkalapit na pagkalapit ko sa kanya. tapus sumakay na ulit ako ng bus. (Jusko wala pang 10 minutes akong nakakababa sasakay na ulit, wag naman sana ako mahilo.)
(okay upo) dun ako sa my window, gusto ko kasi kapag bumiyahe, dun nakaupo para nakikita ko yung dinadaanan namin.
"oi, libre mo ako sa pamasahe, huh?" sabi ko sa kanya.
At dahil nga may pagkakuripot tong lalaking toh, parang ayaw pumayag. (okay tanggap ko naman)
Pero nung lumapit na yung kondoktor ng bus para maningil, siya na din nagbayad nung sa akin. (mabait din naman pala) :))
------
And we're arrived ..
Palpak talaga ako minsan, biroin niyo bababa na nga lang ng bus muntik pa akong madapa? Jusme? Nakakahiya sa kanya. But okay na lang din, hindi naman kasi niya pinansin, parang wala lang nakita. Patay malisya eh?
*lakad
...
*lakad
...
*lakad
....
Enter SM .. whooo! I feel the aircon. hahaha ..
Gala gala muna.
Tingin tingin kung saan.
Kaen muna kami. Kaya laaaaang ..
o.O
Pagdating namin sa McDonalds, shocks! punong puno, pumasok kami baka sakaling my space pa sa loob, at sawing palad, wala. Kaya lumabas na kami. And after siguro mga 5 or 10 minutes bumalik kami dun, at binantayan na yung isang table na may kumakaen, para sure na may maupuan na kami sa susunod. At hindi na din luge, kasi after mga 10 minutes siguro na paghihintay nakaupo na kami. Sulit na din.
Naupo na kami, at siempre ayoko na madumi or makalat kaya pinalniis ko agad yung table. Then, nagbigay na ako sa kanya ng pera, siempre siya lalaki kaya siya o'order. Umalis na siya at nag'order ng food namin.
2 chicken fillets w/ sprite, 1 regular na fries and 1 hot fudge sundae (my favorite, sa kanya yung fries)
So, here he comes, dala dala yung pagkain namin.
And kainan naaaaa ..
Nauna siya natapos, kasi naman ang bagal ko kumane, ubos na yung drinks ko hindi pa ubos yung rice. tsssss .. Bakit kasi pinanganak akong ganito? Mabagal kumaen?
Kumakaen siya nung fries niya ako naman yung sundae ko .. Tapos ..
Tapos .. bigla niya ako sinusubuan ng fries. waaaaah! What to do? Hindi ako sanay sa mga ganito? Nahihiya ako na naiilang na awkward ng feeling na ewan, basta another unexplained feeling.
Yung face niya after that, parang nalumo, hindi ko kasi kinuha yung sinusubo niya sa akin na fries, kasi naman nahihiya talaga ako. Sorry na lang.
At natapos na kami kumaen ...
Punta naman sa Dept. Store.
Men's Wear ..
Siya lang naman kasi bibili eh, ako .. sa isang araw na lang kapag kasama ko ang inay, para libre.. (hihihi..)
Hanaaaap nung damit na gusto niya. Sleeves daw na checkered ..
Spotted! Ego Jeans .. (lakad lakad)
Checkered na blue with red with white and black .. I like the color, nung nakita ko yun, kaya lang parang ayaw niya. Hanap pa ng iba. Tapos yung pants na nagustohan niya wala namang size.
(Uli ang mata, uli ang paa)
As if, wala kaming nakitang iba .. Kaya balik sa Ego Jeans. Punta sa fitting room, and uh? oh?
o.O (my face) Shit! Ang pogi! ahaha .. Bagay sa kanya yung sleeves.
Then pumila na kami para bayaran, at aba? Iwan ba naman ako dun sa pila? Paano kapag ako na at wala pa siya, wala akong pambayad, kaya ni'text ko na siya na bumalik na.
Pagbalik niya, ayon nakapila pa din kami. Pagkatapos na matagal tagal na pagpila, It's our turn. Okay bayaran mo na. :))
At lumabas na kami ng dept.store. Punta naman sa bench for his pants. Hanaaap ulit nung gusto niya.
waaaaah! ang sikip huh? ANg dami kasing tao, dahil malapit na mag'christmas, kaya yung siempre .. nakahawak ako sa kanya. Baka kasi mapahiwalay ako sa kanya.
Pagdating namin dun sa mga pants, parang ako na din pumili para sa kanya. Tinanung ko pa nga kung gusto niyang samahan ko pa siya dun sa loob ng fitting room. (hahaha .. but joke lang naman)
Nagustohan naman niya yung pants kaya, binayaran na namin.
Pagkatapos nun, lumabas na kami ng SM at pumunta naman sa Robinson.
Gala gala ulit.
May nakita akong damit, gusto siya, sinukat ko pa nga eh. Bagay naman daw sabi niya, kaya lang namamahalan ako, kaya hindi ko binili.
Pumunta na lang kami sa my foodcort at bumili ng Zagu, Mango sa akin, sa kanya naman chocolate. Pagka'order ko sabi niya, bawal daw sa kanya yun mga ganun, dahil sa sinus niya.
"tsk! Bakit hindi mo agad sinabi? Bawal pala sayo?" sabi ko sa kanya.
"yaan mo na." ayan ata sabi niya.
Kinuha ko na yung order namin at umupo dun sa my food court.
Nung umiinom kami nun, mukhang my sumasakit sa kanya. Nagsisisi tuloy ako kasi binili ko pa siya nun. tssss .. Pero okay lang naman daw talaga siya. I feel calmed nung sinabi yun. At yayain ba naman ako, palit daww kami straw este nung iniinom pala. aww! hahaha .. Napatawa na lang ako nun. At OH MY GHIII! Hinawakan niya ako sa ulo. Naglabasan tuloy yung butterflies sa stomach ko. haaaaay! Undefined feeling again.
---
Lumabas na kami, kasi time to go home na.
Pinasakay ko na lang siya ng jeep. Alangan naman kasing ihatid ko pa siya nun sa sakayan? Sayang pamasahe. Nagalit pa nga siya that time. Sorry na lang hapon na din kasi, baka lalo ako haponin ng uwi kapag hinatid ko pa siya.
Magkatext na alng ulit kami after that. Nakauwi na ako, pati na rin siya.
AND ANOTHER DAY IS OVER
----
Spending time texting with HIM, make my day complete. :))
And I think I'm falling for him.
