(LALAINE'S POV)
"OH MY GOD! OH MY GOD!"
Nagising ako sa matinis na boses na nagsisisigaw sa tabi ko. Tumingin ako sa gilid ko and I saw my boss covering his whole body with a blue blanket and his eyes is full of anger as if there's something terrible that happened.
Dahan-dahan akong bumangon mula sa pagkakahiga at unti-unti akong nakaramdam ng sakit sa buong katawan ko lalo na sa ibabang bahagi. Siguro dahil 'to sa team building namin kahapon.
Maya-maya may narinig akong nagbukas ng pinto kaya awtomatiko akong napatingin dito.
"Jusmiyo! Girl, anong nangyari? Bakit ka nagsisisigaw?" tanong ni Joey, kaibigang bakla ng boss ko.
"Girl, bakit parehas kayong nakahubad ng empleyada mo?" tanong naman ni Mikael, isa ring bakla.
Dahil sa tanong ni Mikael, di ako makapaniwalang tiningnan ang katawan ko at dun ko lang napagtanto na parehas nga kaming nakahuband ng boss ko at tanging asul na kumot lamang ang tumatakip sa mga katawan namin. Hindi kaya---
"Don't tell me nag-tutut kayo nitong empleyada mo? Harujusko! Kelan ka pa naging tiboli, girl?! Kelan ka pa tumiwalag sa pederasyon?!" gulat na gulat na tanong naman ni Bam.
Halos manlumo ako sa sobrang kahihiyan. Hindi ko alam kung anong nangyari kagabi. At hindi ko rin alam kung anong tumatakbo sa isip ngayon ng bakla kong boss. Kilala ang boss ko na 'to sa pagiging sobrang sungit. Para siyang dragon na bumubuga ng apoy kapag galit.
"Hoy ikaw babae! Umamin ka nga, inutusan ka ba ng tatay ko?"
Napatingala ako dahil sa tanong niya kasabay nang pagkunot ng noo ko.
"S-Sir?"
"Tell me the truth or else I'll fire you!" may awtoridad niyang sabi.
"S-Sir di ko po kayo naiintindihan?"
"Boba ka ba o nagboboba-bobahan? Simpleng tanong lang di mo pa masagot. Inutusan ka ba ng tatay ko na gawin 'to?" tanong niya ulit.
"Sir hindi po."
Inismiran niya lang ako at sinenyasan si Joey na lumapit sa kanya.
"Peram phone. I'll just call my great dad." walang emosyon niyang utos kay Joey.
Nang mahawakan na niya ang cellphone ni Joey, agad niyang tinawagan ang tatay niya.
"Good morning, son. What can I do for you?" masayang bati nang nasa kabilang linya.
"There's no good in the morning, dad." naiirita niyang sabi.
"What's with the irritated voice, son?"
"Ikaw na naman ba ang may pakana nito?"
"Nang alin?" mabilis pa sa alas kwatrong tugon ng tatay niya.
"Don't act like an innocent child, dad. Ikaw ba ang nag-utos sa empleyada ko na gahasain ako?"
Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi ng boss ko. Ginahasa ko siya?
"Kapal din ng mukha nito ni Kloude noh?" bulong na sabi ni Bam na agad namang tumigil sa pagbulong dahil pinandilatan siya ng mata ni Sir Kloude.
"Are you kidding me, son?"
"Are you kidding me too, dad?" seryoso niyang tanong sa tatay niya. Mapapansin mong medyo naiinis na siya sa tatay niya.
"Look, son. I am as serious as grave. Wala akong alam sa mga pinagsasasabi mo. Ano bang nangyari ha?"
Tinapunan muna ako ng masamang tingin ni Sir Kloude bago tuluyang sinagot ang tanong ng tatay niya.
"Nagising lang naman ako na katabi ang isa sa mga emleyada ko and we're both naked and I think---"
"Nagtutut sila tito! Tiboli na po si Kloude!"
Hindi na naituloy ni Sir Kloude yung dapat niyang sasabihin dahil pabaklang sumigaw si Mikael.
"Talaga?! Lalaki na ang anak ko?!" this time, hindi na boses lalaki ang nasa kabilang linya kundi boses babae na at sa tingin ko nanay niya yun.
"Wag muna kayong magdiwang, mom. I'm still gay and that's forever. Forever ang membership ko sa pederasyon!"
"Oh my God! Who's the lucky girl? Dalhin mo siya dito anak! I can't wait to see her!" sigaw ng babae sa kabilang linya na tila di pinansin ang sinabi ni Sir Kloude.
"Talagang dadalhin ko siya diyan because I badly need a solution for this." Pagkatapos sabihin yun ni Sir Kloude, his eyes immediately shifted to me.
Napaurong naman ako sa way ng pagtingin niya. Yung kulang na lang ay kainin niya ako sa sobrang talim ng mga titig niya sa akin.
"Ayieeeeeeeeeh. Mukhang may part 2 ah!" pabaklang hiyaw ni Joey pero agad naman siyang binatukan ni Mikael na nakangisi rin.
"Hoy babae! Magbihis ka na. Naaalibadbaran ako sa pagmumukha mo. Bilisan mo! Pupunta tayo sa bahay namin."
Mabilis pa sa kidlat ang ginawa kong pagtayo sa kama at agad na dumiretso sa C.R upang magbihis.
BINABASA MO ANG
Perfectly In Love With My Gay Husband (PILWMGH)
HumorPerfectly In Love With My Gay Husband Written By: YooAckerman Prologue: Isang baklang boss na ubod ng sungit at pilit ginagawang lalaki ng kanyang pamilya at isang empleyadang ubod ng bait at napakapasensyosa. Paano kung pareho silang paglaruan ng t...