(LALAINE'S POV)
Ilang minuto na rin siguro akong nakatingin sa screen ng cellphone ko. Napag-isipan ko na 'tong mabuti kanina. Ito lang ang tanging naiisip kong paraan para maisalba si mama. Pero kada susubukan kong tawagan ang number ni Sir Kloude, kusang umaatras ang mga daliri ko. Tatawagan ko ba siya o hindi?
Napailing ako at napakamot sa batok pagkatapos ay muling tumingin sa screen ng cellphone ko at halos mapatalon ako sa sobrang gulat nang kusang pindutin ng mga daliri ko ang call button. Halos atakihin naman ako sa puso nang marinig ko ang pag-ring ng cellphone ni Sir Kloude. Jusme! Mukhang ako ata ang susunod na mapupunta sa emergency room.
Nanginginig ang kamay ko nang itapat ko ang cellphone ko sa tenga ko. Ito na talaga. Wala nang atrasan 'to.
"Hello!" pasigaw na sagot ni Sir Kloude.
Pero kahit pasigaw ang sagot niya, mas nangingibabaw pa rin ang dumadagundong na boses ni Rihanna. Mukhang nasa bar ata si Sir Kloude ngayon. Wrong timing ata ang pagtawag ko.
"Ah h-hello po S-Sir Kloude---"
"Babe! Tara sayaw tayo!" rinig kong sigaw mula sa kabilang linya. Mali nga ata ang tyempo ng pagtawag ko.
Ie-end ko na sana ang tawag nang magsalita ulit si Sir Kloude.
"Wag kang magulo! May kausap ako!" sigaw niya pagkatapos ay narinig kong kumilos siya at unti-unting nawawala ang dumadagundong na boses ni Rihanna. Lumabas ata siya ng bar.
"Hey Lalaine. Bakit ka napatawag?"
Hindi ako nakasagot agad. Muling bumalik ang kaba sa dibdib ko. Para na ngang may parada sa loob ng katawan ko sa sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko.
"Kasi Sir diba sabi nyo kapag pumayag akong magpakasal sa inyo, kahit anong kapalit okay lang sa inyo?" tanong ko habang kagat-kagat ang kuko ng hinlalaki ko.
"Yeah. Bakit? Pumapayag ka na ba?"
"O-opo." Nag-aalangan kong sagot.
"So, anong hihingin mong kapalit? Bahay? Kotse? Alahas----"
"Hindi po. Tulungan nyo po ang nanay ko. Yun po ang hihingin kong kapalit."
(KLOUDE'S POV)
Kanina pa ako hindi umiimik. Nasa bar ako ngayon pero hindi ako nag-eenjoy. Desperado na kasi ako. Desperado na akong makahanap ng babaeng papakasalan. Kung bakit ba naman kasi ito lang ang naiisip na solusyon ng tatay ko. Hayy. Kung pumayag lang talaga si Lalaine edi sana hindi na nai-stress ang kagandahan ko ngayon.
Ewan ko ba pero mas feel kong si Lalaine ang maging pekeng asawa ko. Gusto ko ring bumawi sa kanya. Alam kong kailangan kong panagutan ang nangyari sa amin pero dahil bakla ako, ito lang ang kaya kong gawin. Ang maging asawa nya sa loob ng isang taon.
Napailing na lang ako pagkatapos ay ininom ko ang beer na nasa harapan ako at halos maibuga ko 'to ng biglang nag-vibrate ang cellphone ko na nasa bulsa ko. Badtrip.
Lalaine calling...
Agad kong sinagot ang tawag niya.
"Hello!" pasigaw kong sagot dahil baka di nya ako marinig dahil sobrang ingay dito sa bar.
"Ah h-hello po S-Sir Kloude---"
Naputol ang sasabihin nya ng biglang may mokong na sumulpot sa harapan ko at inaaya akong sumayaw habang nagse-sexy dance sa harapan ko.
"Babe! Tara sayaw tayo!"
Sa sobrang inis ko, tinulak ko yung lalaking biglang lumitaw sa harapan ko.
"Wag kang magulo! May kausap ako!" sabi ko pagkatapos ay naglakad ako palabas ng bar.
"Hey Lalaine. Bakit ka napatawag?" tanong ko sa kanya.
"Kasi Sir diba sabi nyo kapag pumayag akong magpakasal sa inyo, kahit anong kapalit okay lang sa inyo?"
Napangiti ako. Pumapayag na ba siya sa alok ko?
"Yeah. Bakit? Pumapayag ka na ba?"
"O-opo."
Halos magtatalon ako sa tuwa ng sabihin nya yun. Sa wakas hindi na mai-stress ang beauty ko.
"So, anong hihingin mong kapalit? Bahay? Kotse? Alahas----"
"Hindi po. Tulungan nyo po ang nanay ko. Yun po ang hihingin kong kapalit." Sabi nya sa malungkot na tono. Bigla naman akong nakaramdam ng pag-aalala.
"Wait. Anong nangyari?"
"May coronary artery disease po ang nanay ko at kailangan niyang mag-undergo ng heart transplant. Wala kaming sapat na pera para matustusan yun kaya ang pagpapakasal sa'yo ang naisip kong paraan para mailigtas ang nanay ko. Sorry sir."
Hindi ko alam pero parang bumigat ang dibdib ko sa mga narinig ko mula sa kanya.
"You don't need to say sorry. Where are you? Pupuntahan kita."
"N-Naku Sir wag na---"
"I insist. Nasan ka?"
"Pero Sir gabi na."
"Sasabihin mo o hindi?"
Narinig ko ang pagbuntong-hininga nya mula sa kabilang linya.
"Nasa rooftop po ako ng Kirstein Medical Hospital."
"Okay. Hintayin mo ako dyan. Pupuntahan kita.
Pagkatapos nun ay inend ko na ang call at dumiretso na sa kotse ko. Habang naglalakad ako papunta sa kotse ko, tinawagan ko naman si Bam. Alam kong matutulungan ako ng baklang 'to.
"Hello kapwa ko Dyosa. Bakit ka napatawag?" pabakla nyang sagot sa tawag ko.
"Bam, I need your help."
"Ene ne nemen yen Klewd?"
"Would you please talk in a normal way? Para kang may sapi kapag ganyan ka magsalita." Sabi ko sa iritadong boses.
"Ito naman hindi mabiro. So, ano bang kailangan mong tulong ha bakla?"
"Lalaine's mother needs a heart transplant. Ita-transfer ko sya dyan sa hospital nyo bukas at pakisabi sa ate mo na gawin ang lahat mailigtas lang ang nanay ni Lalaine. Get it?"
"Teka teka? Yung Lalaine ba na tinutukoy mo ay yung empleyada mong naka-tutut mo?"
"Yup."
"Emergerd. Tiboli ka na inday! My gawd!"
"Baliw. Basta ayusin mo yung pinapagawa ko sa'yo kung ayaw mong mapatalsik sa pederasyon!"
---
Pagkadating ko sa KMH, agad akong dumiretso sa rooftop nila at nakita ko si Lalaine na nakatayo di kalayuan mula sa akin. Nakasuot siya ng pantulog habang yakap-yakap niya ang sarili niya. Bigla naman akong nakaramdam ng kakaiba mula sa dibdib ko. Parang bumilis bigla ang tibok ng puso ko. Mahina ko 'tong tinapik para kumalma bago tuluyang lumapit kay Lalaine.
Hinubad ko ang suot kong jacket at ipinatong sa balikat niya. Medyo nagulat pa nga siya sa ginawa ko at tumingin sa direksyon ko. Hindi niya ata napansin ang presensya ko.
"Sir K-Kloude?"
At dahil nga siguro abnormal na ang sistema ko, bigla ko na lang hinatak palapit sa akin si Lalaine at niyakap siya ng sobrang higpit.
"You can cry on my shoulder." Sabi ko habang mahinang tinatapik-tapik ang likod niya.
At ang loka, bigla na lang humagulgol ng iyak. Tss. Tinotoo niya nga ang sinabi ko. Napailing na lang ako nang maramdaman ko ang unti-unting pamamasa ng balikat ko.
Ilang minuto din kaming tumagal sa ganoong posisyon. Yakap ko siya habang siya naman ay umiiyak sa balikat ko. Siguro kung nakikita lang kami ng nanay ko ngayon, nangisay na yun sa sobrang kilig.
![](https://img.wattpad.com/cover/55448692-288-k463905.jpg)
BINABASA MO ANG
Perfectly In Love With My Gay Husband (PILWMGH)
HumorPerfectly In Love With My Gay Husband Written By: YooAckerman Prologue: Isang baklang boss na ubod ng sungit at pilit ginagawang lalaki ng kanyang pamilya at isang empleyadang ubod ng bait at napakapasensyosa. Paano kung pareho silang paglaruan ng t...