(KLOUDE'S POV)
Nag-unat ako ng katawan pagkatapos ay sumandal ako sa swivel chair ko habang hinhilot ang ulo ko. Kaninang umaga kasi pagkagising ko, sobrang sakit ng ulo ko. Hayy. Masyado ng nai-stress ang kagandahan ko. Tsk. Tsk.
Tatlong linggo na rin ang nakakaraan simula nung nagkita kami ni Dave at hindi na muling nag-krus ang landas namin. Siguro nag-focus na siya sa trabaho niya. Mabuti na rin yun para hindi na mabulabog pa ang nananahimik kong buhay.
Bigla akong napaayos ng upo ng biglang tumunog ang cellphone ko.
Unknown calling...
Sino naman kaya 'to? Hayy. Ang hirap talaga pag-peymus. Charot.
"Hello." Sabi ko.
"Hi Kloude."
Tss. Speaking of the devil.
"Paano mo nalaman ang number ko?"
"Woah! Kilalang-kilala mo talaga ang boses ko, no?"
"Tss."
"Chill ka lang. Hindi na importante kung saan ko nakuha ang number mo. Pero mukhang nakalimutan mo ata na ngayon ka pupunta ngayon dito sa site para i-check kung may nasimulan na kami." Pahayag niya.
Tiningnan ko ang kalendaryo ko at may naka-note nga dun na ngayon ako pupunta sa Cavite para i-check kung may nasimulan na ba sa ipinapatayong bagong branch ng Fontanilla Mall.
"Okay." Sabi ko bago tuluyang inend ang call. Wala akong ganang makipag-usap sa kanya.
Inayos ko na ang mga gamit ko pagkatapos ay lumapit ako sa table ni Lalaine.
"Lalaine." Tawag ko sa kanya pero hindi niya ako pinansin bagkus ay nanatili lamang siyang nakatingin sa screen ng cellphone niya.
"Lalaine." Tawag ko ulit sa kanya kaso walang effect.
"Lalaine!" this time, nilakasan ko na ang boses ko para marinig ako ng bruha.
"H-Ha? Bakit?" gulat na gulat na tanong niya.
"Kanina pa kita tinatawag. Ano ba kasing ginagawa mo?" irita kong tanong.
Siguro may ka-textmate 'tong bruhang 'to? Naku! Lagot talaga siya sa akin.
"Hehehehe. Pasensya ka na. Nanonood kasi ako ng Ansatsu Kyoushitsu." Sabi niya habang nahihiyang kinakamot ang batok niya.
"Anime na naman?" inis na tanong ko.
"Hehehehehe." Tanging sagot niya. Aba! Loko talaga. Hayy.
"Aalis tayo."
"Saan tayo pupunta?"
"Sa Cavite."
---
"Hi Kloude!" masayang bati sa akin ni Dave pagkababa ko sa kotse ko kaso bigla ring nawala yung ngiti niya nung makitang bumaba rin mula sa kotse ko si Lalaine. Problema ng chararat na 'to?
"Hello!" sabi ng kumakaway-kaway na si Lalaine habang lumalapit kami sa kinaroroonan ni Dave. Naaabnoy na ba ang asawa ko?
Nginitian siya ni Dave pagkalapit namin sa kanya.
"Hi. Ikaw si Lalaine?" tanong nito kay Lalaine.
"Ako nga. Ikaw si Mr. Gomez?" tanong naman ni Lalaine pabalik sa kanya.
"Yeah. Nice to meet you, Mrs. Fontanilla." Sabi ni Dave sabay lahad ng kamay niya kay Lalaine para makipag-shake hands.
Pagkatapos ng getting to know each other nila ni Lalaine, inilibot niya na kami sa buong construction site. May mga pinagsasabi din siya kaso wala naman akong maintindihan dahil pasakit ng pasakit ang ulo ko. Hayy. Bakit ba ang sama ng pakiramdam ko ngayon?
Pagkatapos naming maikot ang buong site, inaya ko si Lalaine na umupo dahil sobrang sakit talaga ng ulo ko.
"Okay ka lang ba?" tanong ni Lalaine habang pinupunasan ang mga pawis sa noo ko na tinalo pa ang tubig sa La Mesa Dam.
"Yeah." Pinilit kong maging normal ang boses ko.
"Wait. Ikukuha kita ng tubig."
Pipigilan ko sana siya kaso nakapaglakad na siya palayo. Hayy.
Sumandal na lang ako sa upuan at pumikit.
Maya-maya'y nakaramdam ako na parang may tao sa harapan ko. Akala ko si Lalaine yun pala'y si Dave.
"Ayos ka lang? Gusto mo ihatid ko kayo?" tanong niya habang nakahawak sa balikat ko.
Tinanggal ko ang kamay niya sa balikat ko bago nagsalita.
"No need. Nagpatawag na ako ng driver na siyang susundo sa amin."
Tumangu-tango lang siya bilang sagot.
"Kloude. Ito na ang tubig." Sabi ng kadarating lang na si Lalaine habang binubuksan ang bottled water na binili niya.
Agad ko naman itong ininom. Maya-maya pa ay nakita ko ng dumating driver na tinawagan ko.
"Dave, aalis na kami." Sabi ko habang dahan-dahan akong tumatayo.
Aalalayan niya sana ako kaso naunahan na siya ni Lalaine. Agad akong umakbay sa balikat ni Lalaine para hindi na makaeksena pa si Dave.
(LALAINE'S POV)
Inalalayan ko si Kloude habang papunta kami sa kotse. Baka bigla na lang kasi 'tong matumba dito.
Pagkapasok namin sa loob, agad kong hinipo ang noo at leeg niya.
"Ang init mo, Kloude! May lagnat ka!" sabi ko sa kanya habang palipat-lipat na hinihipo ang noo at leeg niya.
"Hmmm." Tanging sagot niya habang nakapikit ang mga mata.
Lumapit ako sa kanya at inihiga ang ulo niya sa balikat ko. Dumilat ang mga mata niya at tumingin sa akin.
"Matulog ka muna." Sabi ko habang mahinang tinatapik-tapik ang pisngi niya.
Tumango siya bilang sagot pagkatapos ay ipinulupot niya ang braso niya sa bewang ko.
"Okay. Sabi mo eh." Sabi niya habang mas hinihigpitan pa ang pagkakayakap sa akin.
Bigla akong napatingin sa driving mirror kung saan nakita kong biglang napaiwas ng tingin at lihim na napangiti si Mang Thomas, ang family driver nila Kloude. Problema ni kuya?

BINABASA MO ANG
Perfectly In Love With My Gay Husband (PILWMGH)
HumorPerfectly In Love With My Gay Husband Written By: YooAckerman Prologue: Isang baklang boss na ubod ng sungit at pilit ginagawang lalaki ng kanyang pamilya at isang empleyadang ubod ng bait at napakapasensyosa. Paano kung pareho silang paglaruan ng t...