[20]

20.4K 668 25
                                    


(KLOUDE'S POV)

Pagkapasok ko sa kwarto ni Lalaine, nakita kong gising na siya at may kung anong sinisilip sa ilalim ng kumot niya.

"Gising ka na pala." Sabi ko habang lumalapit sa kanya.

"S-Sinong nagpalit ng damit ko?" nagtataka niyang tanong bigla naman akong napangisi at nakaisip ng kalokohan.

Dahan-dahan akong lumapit sa kanya dahilan para mapasandal siya sa headboard. Lumapit pa ako sa kanya hanggang sa magkadikit na ang tungki ng mga ilong namin. Nararamdaman ko na rin ang mabigat nyang hininga. Mas lalo tuloy akong napangiti.

"Ako." Sabi ko sa mahinang boses.

Bigla naman siyang pinamulahan ng mukha dahil sa sinabi ko at tila tuod na hindi makagalaw sa kinauupuan niya.

"I-Ikaw?" tanong nya sa akin.

Lumayo muna ako sa kanya bago sagutin ang tanong nya.

"Yeah. Anong tingin mo sa akin? Hindi marunong magpalit ng damit?" sabi ko nang nakangiti pa rin sa kanya.

Nakanganga lamang sya dahil sa mga pinagsasasabi ko. Bigla naman akong napahagalpak ng tawa dahil sa itsura nya.

"B-Bakit ka natawa?" tanong nya.

"Your face--- HAHAHAHAHAHAHA! Your face--- HAHAHAHAHAHAHA!" tawa ko habang nakahawak pa sa tiyan ko with matching hampas pa sa kama ni Lalaine.

"Ha? Wala akong naiintindihan."

"HAHAHAHAHAHAHA Ang epic ng fes mo, inday. HAHAHAHAHAHA! Your reaction is priceless!" sabi ko habang pinipigil na ang pagtawa.

"Hindi ako ang nagpalit ng damit mo. Ang family doctor namin na si Dra. Veron ang nagpalit ng damit mo. Nung hinimatay ka kasi, agad kitang dinala dito sa bahay pagkatapos ay ipina-check kita sa kanya. Sabi nya, dahil daw sa sobrang lamig kaya ka nahimatay." Mahabang paliwanag ko.

"Ah." Tanging sagot nya pagkatapos ay bigla na lang niyang itinagilid ang ulo nya at mahinang pinalo-palo ang kabilang parte ng ulo nya.

"Anong ginagawa mo?" nagtatakang tanong ko.

"Tinataktak yung tenga ko. Feeling ko kasi napasukan ng tubig eh." Sabi nya habang ipinagpapatuloy ang ginagawa nya.

Bigla ko naman siyang pinitik sa noo.

"Aray!" hiyaw nya.

"Gaga ka kasi! Paano naman yan papasukan ng tubig? Sinalo mo ba yung tubig ulan kanina?"

"Feeling ko kasi meron." Sabi nya habang kinakamot yung noo nyang pinitik ko pagkatapos ay umupo na siya ng maayos.

"Sorry nga pala." Pagseseryoso ko sa usapan namin.

"Bakit ka nga pala late? Alam mo bang pinapak na ako ng lamok dun sa labas?" sabi nya habang pinapakita sa akin ang mga kagat ng lamok sa braso at binti nya.

"I got stuck in the elevator."

"Na-stuck ka?"

"Yeah."

"Patingin nga." Sabi niya sabay hatak sa dalawang braso ko at tiningnan ito kung may sugat. Hinatak ko rin ito pabalik sa akin pagkatapos ay pinitik muli ang noo nya.

"Aray!" hiyaw na naman niya.

"Ang shunga mo kasi bruha. Na-stuck lang ako hindi naaksidente. Nood pa ng anime. Ayan ang nagiging epekto sa'yo eh." Sabi ko sa kanya.

"Pasensya na talaga. At tsaka sorry rin pala nung nakaraang gabi. Masyado lang akong nadala." Paghingi ko ng paumanhin.

"Okay lang." sabi nya habang nataas-taas pa ang kilay nya. Ayan na naman siya sa pataas-taas ng kilay nya!

"Hindi ka galit?"

"Bakit naman ako magagalit?"

Napangiti na lang ako dahil sa sinabi nya. Ang haba talaga ng pasensya ng babaeng 'to.

"I think it's not yet over to have a dinner."

"Ha?" tanong nya.

"Nagluto kasi ako ng hapunan sa baba or should I say breakfast since it's already 3am in the morning. So, tara?"

Ngumiti sya bago ako binigyan ng dalawang magkasunod na tango bilang sagot.

(LALAINE'S POV)

Pagkarating namin sa dining area, agad nya akong ipinag-urong ng upuan.

Pagkaupo ko pa lang, tinikman ko agad ang niluto nyang pininyahang adobo.

"Ang sarap!" sabi ko habang dinidilaan pa ang kutsara bigla namang hinatak ni Kloude yung kutsara at inilapag sa plato ko.

"Tsk. Eww! Etiquette naman girl!" sabi nya na parang nandidiri pa.

Napangiti na lang ako at muling dinampot ang kutsara ko at muling sumandok sa pininyahang adobo.

"Marunong ka palang magluto, Kloude."

"Yeah. Pangarap ko kayang maging housewife. Cheret!"

Ngumiti na lang ako dahil sa sinabi nya at ipinagpatuloy ang pagkain ko.

"Lalaine, may pupuntahan akong leadership convention sa Baguio bukas kasama ang directors ng kompanya. 2 days yung convention na yun. Mas makakabuti kung huwag ka na muna ulit pumasok sa opisina."

"Hindi na naman ako papasok?"

"Yeah. Habang wala ako, mag-stay ka muna sa bahay ng mama mo. 2 days lang naman. Para na rin makapag-bonding na rin kayo ng pamilya mo. Alam ko namang miss na miss mo na rin sila."

"Sa bagay, magandang ideya yan. Namimiss ko na nga sila."

Pagkatapos naming kumain ay sabay na kaming umakyat sa taas para magpahinga na. Noong nasa may tapat na kami ng kanya-kanya naming kwarto, bigla akong tinawag ni Kloude.

"Lalaine." Tawag nya.

Agad akong lumingon sa kanya. Akala ko pipitikin na naman nya ang noo ko dahil nakataas ang kanang kamay nya kaya agad kong tinakpan ang noo ko gamit ang dalawa kong kamay. Lumapit siya sa akin at tinanggal nya ito. Nagulat ako sa sunod nyang ginawa. Hinawakan nya ang likod ng ulo ko pagkatapos ay hinalikan nya ako sa noo.

Sobrang lapit namin sa isa't isa. Ramdam na ramdam ko ang paghinga nya na tumatama sa pilik-mata ko habang diretso lamang ang tingin ko sa dibdib nya. Hindi ko maiangat ang tingin ko sa kanya dahil alam kong pinamumulahan na ako ng mukha ngayon. Ilang segundo ring nagtagal ang ganoong posisyon namin bago sya muling nagsalita.

"Sorry. Dalawa na ang atraso ko sa'yo. Babawi ako, promise." Sabi nya bago humiwalay sa akin.

"Good night." Dagdag pa nya bago tuluyang pumasok sa kwarto nya.

Ako naman ay halos malusaw sa kinatatayuan ko. Napahawak ako sa dibdib ko. Ramdam na ramdam ko kung paano magwala ang puso ko.

"Kloude, nararamdaman mo rin ba ang nararamdaman ko?" bulong ko sa hangin.

(A//N: Wassup mga bebe. Eleksyon na sa lunes. Yung may mga karapatan ng bumoto, vote wisely mga bebe. Para 'to sa ikauunlad ng bansa. Hahahahaha :D )

Perfectly In Love With My Gay Husband (PILWMGH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon