[29]

25.4K 704 94
                                    

(LALAINE'S POV)

"Ate, hindi mo ba talaga naaalala na asawa mo si Kloude?" tanong ni Jihyo sa akin habang tinutulungan akong ayusin ang mga damit ko sa loob ng kabinet. Ilang linggo ko na rin kasi 'tong hindi naaayos.

"Hindi eh." Sabi ko pagkatapos ay binigyan ko siya ng isang tipid na ngiti.

"Ang tagal naman mawala ng amnesia mo ate. Kawawa naman yung baklang yun. Anim na buwan nya nang hinihintay na sana bumalik na yang memorya mo. Hayy. Nakakaloka kayong dalawa!" sabi nya sabay flip ng buhok niya.

Napangiti na lang ulit ako dahil sa sinabi nya.

"Ate, iinom muna ako ng tubig sa baba ah? Babalik din ako agad. Don't ya worry!" sabi nya pagkatapos ay tumakbo na palabas ng kwarto ko.

Ipinagpatuloy ko lang ang pag-aayos ko ng mga damit nang mahagip ng mata ko ang repleksyon ko sa katapat kong salamin. Lumapit ako dito at pinagmasdan ang sarili ko.

Napangiti ako nang makitang unti-unti nang nawawala ang mga peklat ng mga sugat na natamo ko sa aksidente. Tuwid na rin akong maglakad at maliit na lang ang dating mahabang peklat sa ulo ko. Kaso agad ding nawala ang ngiti ko nang maalala ko ang araw kung kailan ako naaksidente. Pilit ko 'tong kinakalimutan pero para siyang multo na araw-araw akong sinusundan.

Babalik na sana ako sa ginagawa ko nang biglang mag-ring ang cellphone ko. Napakunot ang noo ko dahil unknown number ito. Kung hindi ako nagkakamali, ito rin yung tumawag sa akin nung isang araw.

"Hello." Sagot ko sa tawag.

"Hello Tita Emie! Nasaan po ba kayo? Jusko yung anak nyo po dito nage-emote sa kwarto nya! Ayaw lumabas." Litanya ni Bam mula sa kabilang linya. Teka? Sa kanya ba 'tong number?

"Jusko naman giiiiiiirl! Lumabas ka na diyan sa kwarto mo at nang magamot na namin ang sugat mo." Narinig kong sabi ni Joey habang may kung ano siyang kinakalampag.

"Naman girl eh! Uwing-uwi na kami. May rampa pa kami bukas!" pagmamaktol pa ni Mikael.

"B-Bam?" sabi ko sa mahinang boses.

"Lalaine?! Emergerd akala ko si Tita Emie ka. Sige sige. Babye!" sabi nya na parang natataranta.

"W-Wait! Anong nangyayari?" tanong ko sa kanya.

"Yung asawa mo kasi ay hindi pala. Hindi mo nga pala siya naaalala. Ganito kasi. Si Sir Kloude mo may nakasapakang lalaki sa bar kanina. Nagkainitan ata yung dalawang yun kaya nauwi sa sapakan. Nandito kami ngayon sa bahay nyo at nasa kwarto nya siya. Ayaw lumabas. Gagamutin sana namin yung sugat nya kaso ayaw nyang lumabas. Hayy. Nai-stress na ang beauty namin ditey. Maaga pa naman ang rampa namin bukas!" litanya ni Bam.

Bigla naman akong nakaramdam ng pag-aalala dahil sa sinabi nya.

"S-Sige pupunta ako dyan."

"Ha? Wait nga girl. Nakakaalala ka na ba?" tanong ni Bam kaso hindi ko na siya sinagot dahil ibinaba ko na ang tawag.

Nagsuot lang ako ng loose blouse tapos inipit ko ito sa jeans ko. Pagkatapos kong magbihis ay agad akong tumakbo palabas.

"Anak, saan ka pupunta?" tanong ni mama.

"Saglit lang ako ma!" sagot ko naman habang tumatakbo palabas ng bahay namin.

---

Pagkarating ko sa dating bahay na tinitirhan namin ni Kloude, wala na sila Bam. Nag-iwan lang sila ng note sa may pinto na umalis na sila. Napabuntong-hininga na lang ako bago umakyat sa kwarto ni Kloude.

Perfectly In Love With My Gay Husband (PILWMGH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon