Level 5: Number
Jiro's Point of View
"Bakit ko naman makaka-roommate si Aarushi, huh?" nakanguso kong tanong sa kanila. Ay! Sadyang pouty na pala ang nguso ko.
"Ayaw mo nun?" sabi ni Ivan at ngumiti ng pagka-manyak.
"Ayoko!" sagot ko. Nanunuod kami ngayon ng Spartan Awoo Awoo!
"Arte mong nguso ka!" sabi sa'kin ni Henry na katabi ko.
Nakain kami ng pizza na inorder ko at gumawa din ako ng juice. Nakaupo sa sofa sina Aarushi, Shan at Yongjeon. Nakaupo naman ako sa monoblock na upuan tapos nakaupo na sa sahig sina Lloyd, Chuison at Lanh.
Ang tawag ko kay Henry ay Lloyd. Mas maganda kasi ang second name niya kesa first name eh, parang John Lloyd lang hehe.
"Sa kuwarto ka na lang namin." tuwang-tuwa sabi ni Lanh. Ang bata bata pa ganyan na agad ang iniisip eh.
"Sige na nga. Magli-linis lang ako ng kuwarto." tatayo na sana ako nang hawakan ni Lloyd ang dulo ng damit ko kaya napa-upo ulit ako.
"Mas magandang ipakita mo kay Lypsy ang maganda mong kuwarto." nakangiting sabi sa'kin ni Lloyd.
"Hala!" nag-pout ako.
"Sino ang magli-ligpit ng pinagkainan mamaya?" tanong ni Lanh.
"Laro tayo ng nintendo para kung sino ang matatalo siya ang magli-ligpit at maghu-hugas!" sabi ni Yongjeon.
"Wala! Ikaw na lang, Yongjeon!" sabi ko at sumang-ayon naman sila kaya walang nagawa ang koreano naming kaibigan.
Naka-apat na pelikula na kami nang nakaramdam kami ng antok kaya naman nagya-yaan na silang matulog.
Papasok na sana ako ng kuwarto nang may kumulbit sa'kin. Paglingon ko, si Aarushi pala.
"Bakit?" tanong ko.
"May dala akong dalawang maleta ang kaso mabigat kaya puwede mo ba akong tulungan na bitbitin 'yun."
Ahh.. Yun lang pala ang request ni Binibining Aarushi eh.
"Why you gonna be so rude?~~" nakanta ako habang bitbit ang dalawang maleta ni Aarushi papunta sa kuwarto ko. Tahimik namang nasunod sa'kin si Aarushi.
Pagkapasok namin sa kuwarto ko, halatang nagulat siya dahil sa dumi. May tatlong poster pa ng mukha ko na nakadikit sa pader. At may mukha ko na naka-print sa unan ko.
"Hindi ka naman siguro obsessed sa mukha mo noh?" tanong niya sa'kin.
"Hindi naman." sagot ko at kinuha ang unan at kumot ko. "Sa sala na lang ako matutulog." sabi ko.
"Okay."
Lalabas na ako ng kuwarto nang may naalala akong itanong. "Hindi mo ako pipigilan?" tanong ko na ikinangiti niya.
"Bakit naman kita pipigilan?"
"Una sa lahat, malamig sa sala. Pangalawa, maliit lang ang sofa at pangatlo, cute ako~" sagot ko at ngumiti na parang si Joker.
Halatang nag-isip siya dahil huminto siya kaya naman pumunta ako sa kama ko at umupo. Binalik ko ang kumot at unan ko.
"Tanda mo ba ako nung first year tayo?" tanong ko habang binubuksan ang cabinet ko.
"Hindi eh. Alam ko lang na may katapat akong lalaki na manguso."
"Ginagaya mo si Lloyd ha! Ang totoo niyan, hindi naman ako manguso eh sadyang pouty lips lang ako."
"Ah ganun ba? Sige, Mr. Pouty."
"No! Tawagin mo akong Roro at tatawagin kitang Ruru.." sabi ko at nakaramdam ako ng kilig sa endearment namin.
Oxygen! Oxygen! Hindi ako makahinga eh.
"Bakit naman Roro at Ruru? Ano tayo mag-syota?"
"Huwag mo na 'yong pansinin. O eto." inabot ko kay Aarushi ang picture ko na pina-print ko pa, ang cute ko kasi dito eh nakapout ako at hair-up pa.
"Anong gagawin ko dito?"
"Sayang kasi yan hindi ko kasi maibigay sa mga fans ko dahil masyado ng luma. Magpapa print na lang ulit ako para sa kanila." paliwanag ko at lumabas na ako ng kuwarto ko dala ang unan at kumot ko.
Humiga ako sa sala at natulog kaso hindi ako makatulog. Umupo ako at tinignan ang wallclock sa sala, 9:15 p.m. pa lang pero magsi-tulugan na agad kami?
Tumayo ako at sinuot ang puti kong jacket at black shades. Lumabas ako ng Dorm at may isang fangirl na nandun at nang nakita ako ay agad siyang lumapit at may binigay siyang pagkain.
"Jiro! Give it to Chuison!" sabi niya kaya tumango ako. Aalis na sana ako pero bumalik ako sa kaniya at kinuha ang cellphone niya.
"Let's take a picture." sabi ko at mukhang natuwa siya kaya tumabi siya sakin at nagpose.
Naka-front ang camera at ako na mismo ang kumuha ng litrato namin.
"Babye!" sabi ko at nagtuloy na ako sa paglalakad pero mukhang may nakapansin na naman sa aking fan at nilapitan nila ako.
Madami sila at puro kinukuhan nila ako ng litrato.
"Jiro! Ah! Ang gwapo mo!"
"Mahal na mahal kita!"
Hindi ko alam kung paano ako makaka alis dito.
"Hey! Hey!" may lalaking lumapit sa amin at pina alis ang mga fans. "Privacy naman!"
Hinawakan ako ng lalaki sa braso at hinila pero bago niya ako hilain, kinawayan ko pa ang mga fans namin at nag v-sign pa.
Tinignan ko ang lalaking humihila sakin. "Thanks." sabi ko.
"Ililibre mo ako ha."
"Haisst! Sige na!"
Pumunta kami sa Convenient Store at nilibre ko siya. "Mag thankyou ka sakin, Kuya!" sabi ko pero nginitian lang niya ako.
"Kamusta ang buhay-sikat?" tanong niya habang kumakain kami ng noodles.
"Mahirap pero worth it naman kapag nandiyan yung mga sumusuporta sa'yo eh." sagot ko habang ini-imagine ko ang mga fans ko.
"Gusto mo ba makuha ang number niya?"
"Nino?"
"Si Lypsy. Gusto mo ba malaman ang number ni Lypsy?"
"Ahh.. Sige! Ibibigay ko kay Yongjeon dahil long-time crush niya si Aarushi eh." sabi ko. Naalala ko kasi si Yongjeon na todo ang pagpapantasya kay Aarushi.
Itininype ko ang number na binabanggit niya sa cellphone ko. Tiyak na matutuwa nito si Yongjeon dahil alam kong pagkaharap niya si Aarushi, nahihiya siya.
BINABASA MO ANG
Nintendo Love Game
TeenfikceNot just a love-story. It's all about how much they can sacrifice for friendship. It's a story of rock-band and fall in love for a one a girl. They played nintendo to win her heart. And their friendship was done and their competition was started.