Level 6: Argue

5 2 0
                                    

Level 6: Argue

Yongjeon's Point of View

"Yongjeon~" tawag sa'kin ni Lypsy kaya lumapit ako sa kanya.

"Bakit?" tanong ko.

"Ang guwapo mo kaya naman gustung-gusto kita. Sana naman tanggapin mo ako diyan sa puso mo." kinalabutan ako sa sinabi niya dahil sa kilig.

"Gusto rin kita.." sabi ko at hinawakan ang pisngi niya. "Tayo na ba?"

Tumango siya bilang sagot kaya naman napangiti ako at akmang hahalikan siya nang...

"YONGJEON!" narinig ko ang sigaw ni Ivan.

Pagdilat ko, hawak ko ang pisngi ni Ivan at halos magki-kiss na kami. Tumayo ako at agad na hinilamos ang mukha ko gamit ang kamay ko.

"Haha." napatingin ako sa pintuan nang may tumawa. Nakatayo dun si Jiro at may hawak ng cellphone at mukhang napicture-an pa kami.

Lumapit ako kay Jiro at pilit kong ina-gaw sa kanya 'yung cellphone pero hinagis niya kay Henry yung cellphone niya na konti lang ang layo sa'min buti at nasalo ni Henry.

"Gotcha!" sigaw ni Chuison nang masalo niya ang cellphone na hinagis ni Henry sa kanya. "Catch!" hinagis naman ni Chuison kay Lanh at nasalo niya din.

"Give it to me!" sabi ni Shan na naka-upo sa sofa at pagkahagis nun ni Lanh ay hindi nasalo ni Shan kaya nahulog sa tapat ni Lypsy.

Hala! Baka makita niya!

Pinulot niya yon at nang may nakita ay napangiti siya. Lagot na!

"Ano ba 'yan?" inagaw ni Henry kay Lypsy 'yung cellphone pero na-agaw agad yun ni Jiro. Salamat talaga, Jiro!

"Whoah! Ang daming nag-retweet ng picture nina Ivan at Yongjeon oh!" sigaw ni Jiro.

Kinuha ko sa kanya ang cellphone niya at pagtingin ko, yung litrato na nakahiga kami ni Ivan at hawak ko ang pisngi niya.

"Sira-ulo ka!" na-iiyak kong itinulak si Jiro. Naiinis ako sa kanya! Nakita pa tuloy iyon ni Lypsy at baka isipin pa niya na bakla ako.

"Buburahin ko na lang yan." sabi pa ng sira-ulong Jiro.

Hinila ko si Jiro papasok sa kuwarto namin ni Ivan para pag-usapan namin ang ginawa niya.

"Pinahiya mo ako sa harap ni Lypsy! Subukan kaya kitang ipahiya sa kanya? Sa tingin mo, Anong mararamdaman mo?" seryoso kong tanong pero ngumisi siya.

"Kasalanan ko ba na ma-bading ka kay Ivan at nandun ako kaya napicture-an ko?"

"Oo!" sigaw at nasuntok ko si Jiro sa mukha. "Bagay lang yan sa walang kuwentang kaibigan!" dagdag ko pa.

Aalis na sana ako nang hawakan niya ang braso ko.

"Pumasok ako sa kuwarto mo para sana ibigay sayo ang number ni Aarushi pero mukhang hindi mo na kailangan ng walang kuwentang kaibigan." inunahan ako ni Jiro sa paglabas ng kuwarto.

Alam kong nako-konsensiya ako sa sinabi ko sa kanya pero bagay lang naman sa kanya yun eh. Wala talaga siyang kuwentang tao!

Paglabas ko dun, iba na ang tingin nila sa akin lalo na si Shan kulang na lang na sapukin niya 'ko.

"Alis na tayo." cold na sabi ni Shan at na-una na siya sa paglabas.

Dalawa ang Van na sasakyan namin. Sa unang Van, ako, si Shan, Lypsy at Lanh at sa kabilang Van ay sina Jiro, Ivan, Henry at Chuison.

Katabi ko si Lanh at nasa likod naman namin sina Shan at Lypsy. Ang tahimik namin dito, isipin niyo ba namang nagsama-sama kaming apat na hindi nagsasalita masyado.

"Ang tahimik dito, ano?" sabi ng driver namin. "Nandun sa kabilang Van ang lahat ng maiingay eh."

"Nabo-bored na nga ko eh." sabi ko.

"Psh. I hate to be with a boring guy like you.." rinig kong bulong ni Shan.

"Ano bang problema mo?" tanong ko kay Shan at hindi ko man lang siya tinigtignan.

"You! I hate what you acted earlier! You're such a rude! Jiro is my bestfriend and I don't what to see him arguing with you!" sigaw sakin ni Shan.

"Mag-sorry ka na lang kasi.." singit ni Lypsy sa usapan namin.

"Don't teach him! If he don't want to apologize, it is his fault!" puro sigaw na lang si Shan. Kabanas na!

"Tama na yan! Nandito na tayo!" sabi sa amin ng driver kaya bumaba na ako at agad na pumasok sa Neon Building at nilagpasan ko ang mga fans namin na nag-aabang sa amin.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 27, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Nintendo Love GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon