Level 2: Nintendo

10 2 0
                                    

Level 2: Nintendo

 

Ivan's Point of View

 

 

"Paki-kuha naman 'yung jacket ko!" utos ko sa P.A. namin at agad naman niyang sinunod.

Nandito kami ngayon sa backstage room ng OG TV Interview. I-interviewhin kami tungkol sa Comeback Album ng banda namin. Isa akong miyembro ng banda na pinangalanan ng OG Company na 'Seven Stars' at pito kaming member, masyadong konti ano?

"Malapit ng mag-umpisa!" excited na sabi ni Henry habang nakatingin sa salamin.

"Sino gusto ang kumain?" biglang dumating si Jiro na may dalang malaking chichirya.

"Mamaya na 'yan! Malapit ng mag-umpisa eh." sabi ni Henry at inakbayan pa si Jiro.

"Teka, nasaan sina Shan at Chuison?" tanong ko dahil hindi ko na nakita 'yung dalawang pandak simula ng dumating kami dito sa backstage room.

 

"Naku, ang mga 'yon talaga!" nagulo ni Manager ang mapa-panot na niyang buhok sa stress.

"Bibilang ako ng tatlo, tingnan niyo bubukas ang pinto at papasok 'yung dalawa." sabi ni Lanh habang minemake-up-an siya. "1.. 2.. 3!"

Saktong pagkasigaw ni Lanh ng three ay bumukas ang pinto at pumasok nga sina Shan at Chuison. Ang galing talaga ni Lanh kahit kelan pagdating sa panghu-hula. Astig!

"Saan na naman kayo galing?" tanong ng Manager namin na tumaas pa ang kanang kilay at partido at naka-pamewang pa. Bakla talaga kahit kelan 'tong Manager namin.

Kinamot muna ni Chuison 'yung ulo niya sabay tingin kay Shan, "Ano.." hindi matuloy ni Chuison ang sasabihin niya.

"It just.. just a food trip bonding?" si Shan naman ang sumagot pero hindi kumbinsido dun si Manager kaya magsasalita pa sana si Manager nang sumigaw 'yung backstage staff na malapit ng magsi-simula.

Ilang sandali pa ay pina-akyat na kaming pito sa entablado at puro hiyawan ng mga fans ang sumalubong sa amin.

"Count us! We are Seven Stars!" sabay-sabay naming sigaw bilang chant. Lalong lumakas ang hiyawan ng mga tao lalo na ang mga babae naming mga fans.

"Okay. Welcome to our special guest, Seven Stars!" bati sa amin ni Kuya Jeric. Si Kuya Jeric ang host para sa interview namin ngayon. "You may sit down first, guys."

Umupo kami sa mahabang sofa na nasa stage at mayroong isang swivel char na doon lang naka-upo si Kuya Jeric sa isang swivel chair na kulay blue, pang-office talaga ang gusto nitong si Kuya Jeric.

"Okay, Let's start this interview now.." umayos ng upo si kuya Jeric at tumingin sa amin at may hawak siyang isang papel na parang script. "Pag-usapan naman natin ang Comeback Album niyo.."

"Ohh.. Ang Comeback Album po namin ay pinamagatang Count The Stars at may anim na kanta po." Pagpapaliwanag ng lider naming si Henry.

"Count The Stars? Mukhang maganda 'yan ah.. O sige, maaari ba akong maka-hingi ng request paa sa Lead Vocalist niyo?" napatngin kaming lahat kay Yongjeon nang banggitin ni Kuya Jeric ang Lead Vocalist namin at si Yongjeon 'yon.

"Ano po 'yon?" tanong ni Yongjeon.

"Can you sing an english song for us?" pagkasabi nun ni Kuya Jeric biglang nagtilian 'yung mga tao at naka-sigaw kami ng "Sample! Sample!"

Nakangiting tumayo si Yongjeon at tumayo din kami ni Jiro at pumunta sa likod si Jiro kung nasaan naka-puwesto ang drum niya at ako naman kinuha ko ang acoustic guitar ko.

"Woah.. Parang hindi handa ah." sabi ni Kuya Jeric na naka-ngiti.

Ipe-perform namin ang Baby ni Justin Bieber.

Ako muna ang tumugtog at nag-"Oh whoa" naman si Yongjeon. At nang nag-umpisa na ang unang verse ay nakisabay na sa pagtugtog  ng drum si Jiro at siyang pagkanta ni Yongjeon.

 

"You know you love me, I know you care

Just shout whenever, and I'll be there

You are my love, you are my heart

And we will never ever ever be apart

Are we an item? Girl, quit playing

We're just friends, what are you saying?

Say there's another and look right in my eyes

My first love broke my heart for the first time

And I was like...

Baby, baby, baby oooh

Like baby, baby, baby nooo

Like baby, baby, baby oooh

I thought you'd always be mine (mine)"

 

Tinapos agad namin ang kanta at ang lalakas na naman ng tilian ng mga tao.

Maraming tinanong at pinagsa-sabi ni Kuya Jeric. Si Kuya Jeric ay kaibigan namin dahil isa siyang former OG Band Member. Ang OG Company ang nag-produced sa banda namin at dahil nga hindi na member ng isang banda si Kuya Jeric, nag-host na lang siya dito sa OG TV Interview.

"What is Count The Stars story about?" tanong ni Kuya Jeric.

"It's all about when we fall in the same girl actually.." sagot ni Shan.

 

"How if all of you love the same girl? What will you do?"

 

Natahimik kaming pito sa tanong ni Kuya Jeric, napatingin kami sa isa't isa at parang pati ang mga audience din ay natahimik din. Natanong ko na sa sarili ko ang bagay na iyon pero hindi ko pa 'yon nasasagot.

"Then, we should played nintendo.." biglang sagot ni Jiro na ikinatawa namin, pambihira talaga si Jiro pati dito naa-apply ang ka-adikan niya sa nintendo.

Iyon ang huling tanong sa amin ni Kuya Jeric para sa interview namin at pagkababa namin ng stage ay sinalubong agad kami ng P.A. namin at inabutan kami ng mga tuwalya para punasan ang pawis namin.

"Bukas din ay darating na ang anak ni Mr. Gilbuena sa Dorm niyo.." sabi ng Manager namin.

Napatingin ako sa mga kasama ko, bukas darating ng anak ni Mr. Gilbuena sa Dorm namin para daw makilala kami ng lubusan. At may isang kasunduan na naganap kaya napa-payag kaming tumira sa dorm namin ang anak ni Mr. Gilbuena. Si Mr. Gilbuena ang Founder at President ng O.G. Company.

"Good news 'yon!" sigaw ni Henry at saka uminom ng mineral water.

"Psh. Hindi 'yon good news, tungeks!" binato ko ng mineral bottle na walang laman sa ulo si Henry. "At ikaw Jiro!" lumapit naman ako kay Jiro na abala sa paglalaro ng nintendo. "Kalokohan mo kanina ha!"

"Tungkol ba don sa sinagot ko na nintendo?" hindi parin siya tumitigil sa paglalaro. "I called it Nintendo Love Game.."

Nintendo Love GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon