Para sa lahat ng baho na itinatago ko sa buhay na maski magulang ko ay hindi ito alam..
Para sa lahat ng tae na gusto ko ng tabunan dahil nagiging dahilan ng aking pagkalimot..
Para sa lahat ng alikabok na nakakapagpalabo ng aking pananaw.
At..
Para sa mga antoniong walang sawang magpanggap na paro-paro kapag mating season nila..
Wala man kayong kaugnayan sa istoryang ito ay malaki naman ang bahagi niyo sa buhay ko.
1. Dahilan ng pagkatuto kong tumili kapag papalapit kayo
2. Dahilan kung bakit ang galing kong umiwas dahil sa paglipad niyo.
3. Dahilan ng husay ko sa pagkarate para lang huwag kayong lumapit sa akin.Kaya pakiusap Antonio, ipis ka at hindi paro-paro. Layuan mo ko!
Balik tayo ng umpisa, mga dagli ito tungkol sa aking mga karanasan sa buhay. Maiikling kwento, tula, lyrico at minsan ay kasabihan. Minsan nakakaiyak (basta damhin niyo lang), nakakasakit ng damdamin pero madalas ay panay katatawanan lang.
Parang awa niyo na. Basahin niyo to!
Joke! Kung gusto niyo lang naman :)
O siya, I'll leave all of it to you readers..
Enjoy!PS: SHHHHHHH!!!