Halos isang oras nang nakatitig si Mau sa harap ng salamin ng mag-alarm ang alarm clock niya.
"7pm na? Ang bilis naman!" yamot na pinatay niya ang alarm clock at nangalumbaba sa harap ng salamin. 6pm nang matapos siyang maligo at nang ialarm niya ang alarm clock pero hayun at 7pm na hindi parin siya makapagdesisyon kung pupuntahan niya si Jarred o hindi.
"Wala naman na tayong pag-uusapan pa Jarred di ba? Kasi wala nang US! Matagal na!" nababaliw na pagkausap niya sa sarili sa harap ng salamin. Muli bumalik sa alaala niya ang lahat.
7 years ago...
"M-mau!" hindi makapaniwala si Mau sa nakikita. Si Jarred kasama si Sab sa iisang kama! Walang tigil ang pag-agos ng luha sa kanyang mga mata.
"Mau believe me walang nangyari hindi ko nga alam kung paano ako nakauwe kung paanong andito itong i-itong babaeng 'to!" mahabang paliwanag nito sa kanya. Pero parang sarado ang isipan niya. Isa lang ang malinaw sa kanya. Pinagtaksilan siya ni Jarred!
"Jarred honey ang ingay mo naman eh." lalo siyang hindi nakakilos sa kinatatayuan niya ng makitang hubo't hubad na napabangon si Sab.
"Aaaaayyyy! A-andito k-ka p-pala M-mau.." mahinang usal nito na animo walang alam sa mga nangyayari.
"Mau please maniwala ka sakin walang nangyari samin ni Sab. MAU!" yugyog ni Jarred sa kanya.
"Jarred! Wag ka na ngang magsinungaling pa! Dati pa naman natin 'tong ginagawa ha? At alam ng marami ito! Bakit nagdedeny ka pa?!" galit na sigaw ni Sab.
"Shut up Sab! Dati yun! Nung hindi pa kami ni Mau! At dati yun nung girlfriend pa kita!" galit na sigaw rin ni Jarred rito.
Hindi na niya kaya pang tagalan ang mga nakikita. Pilit niyang iginalaw ang kanyang mga paa at dahan-dahang lumabas ng silid ni Jarred.
"Mau wait! Mau!"
Palabas na siya ng bahay nito ng hawakan siya nito sa braso.
"Mau ganito ba talaga ang tingin mo sakin? Walang nangyari samin Mau hindi ko yun magagawa sayo alam mong mahal kita di ba? Ikaw lang ang babaeng minahal ko! Sayo lang ako tumino. Pakinggan mo ko please ako ang paniwalaan mo." pagsusumamo sa kanya ni Jarred. Kita niya ang pamumula ng buong mukha nito at ng mga mata nito. Tila may nagbabadyang mga luha sa mga mata nito. Pero paano niya 'to paniniwalaan kung bago siya nito minahal ganito na ang ginagawa nito sa mga nagiging nobya nito? Anong basehan niya na hindi talaga nito ginawa yun sa kanya kung mismong nakita niya na magkasama sila ni Sab sa iisang kwarto?
"H-hindi k-ko a-alam J-jarred..." mahinang sagot niya rito sa pagitan ng mga pagluha niya.
"Mau please huwag mo kong iwan. Mahal kita! Mahal na mahal kita Mau! Hindi ko kayang gawin sayo 'yun kasi iba ka." umiiyak ng wika ni Jarred. Mahigpit na niyakap siya nito. Lalo lang sumakit ang nararamdaman niya. Hindi niya na alam ang paniniwalaan niya. Gulong-gulo na siya. Gusto man niyang yakapin din ito ngunit may kung anong pumipigil sa kanya.
"T-tama na Jarred." kalas niya sa pagkakayakap nito."g-gusto k-ko n-ng umuwi."
Kriiiiiing Kriiiiiiiing!!!
Naputol ang pagbabalik ng mga alaala sa kanya ng marinig ang pagring ng cellphone niya. Dinampot niya sa kama ang kanyang cellphone at tinignan kung sino ang tumatawag.
Si Jarred...
Pagtingin niya sa orasan ay 8:15pm na. Ganoon katagal na siyang nakatulala lang sa kawalan?
Pinunasan niya ang mga luhang hindi niya namalayang pumatak sa kanyang mga mata at agad-agad na kinuha niya ang kanyang bag at mabilis na lumabas ng bahay.
"Tama kailangan nga naming mag-usap ni Jarred." bulong ng isip niya habang nagddrive papuntang Venille's Park.
"Huwag ka munang umalis Jarred. Huwag ka munang umalis..."
itutuloy...
A/N: Abangan kung makakapagusap ba sina Mau at Jarred sa susunod na Chapter!
BINABASA MO ANG
It's Still You
RomanceAre you willing to forgive yourself because you choose to leave the person you love?