Kriiiiiiing Kriiiiiing!!
Mabilis na naitulak ni Mau si Jarred nang marinig na tumutunog ang cellphone nito. Nahagip naman ng kanyang tingin kung sino ang tumatawag rito.
Calling...
Baby <3
"Hello?" sagot ni Mau rito.
"A-asa Venille's Park. Bakit?"
"N-nagpapahangin lang."
"Ay huwag mo nakong sunduin baby. P-paalis narin naman nako eh."
"Okay bye. Ingat ka ha?"
"I-iloveyou..."
Hindi napigilan ni Jarred na makinig sa paguusap nang mga ito. Bigla ay nakaramdam siya ng kirot nang marinig itong nag-iloveyou sa kaibigan niya. Hindi niya ata matanggap na ang matamis na i love you nito sa kanya dati ay sinasabi na nito sa kaibigan niya.
Napatiim bagang na lang siya.
"M-mauna nako." paalam nito at mabilis na sumakay sa kotse. Naiwan siyang nanatiling nakatayo roon.
-----------------------------------
Agad na tinunggo ni Mau ang kanyang kwarto ng makauwi na sa bahay. Ibinagsak niya ng padapa ang sarili sa malambot niyang kama. Bigla niyang naalala ang eksena nila kanina ni Jarred sa parking lot bago siya umalis.
"Hayaan mo lang akong yakapin ka Mau. Kailangan ko nang lakas para antayin ka pa. Sana dumating na ang araw na hinihintay ko. Alam ko babalik ka din sakin. At kapag nangyari yun mahigpit lang kitang yayakapin at tatanggapin ulit sa buhay ko. Kasi mula noon hanggang ngayon ikaw parin ang mahal ko Mau at ikaw lang ang mamahalin ko." lalo pang humigpit ang yakap ni Jarred sa kanya pagkasabi non.
"AAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!!!!!" sigaw ni Mau at paulit-ulit na iniuntong ang ulo sa kama at pinagpapadyak ang mga paa.
"Hindi kita maintindihan Jarred. Bakit mo 'to ginagawa sakin?! Bakit mko pinapahirapan nang ganito?! BAAKIIIIIT KAAA PAAA BUUUUMAAAALIIIIIK?!!!"
-----------------------------------
"Goooood moooooorniiiiiiiiing baby mua mua mua mua mua!!" mabilis na nagmulat ng mga mata si Mau nang maramdaman ang mga mumunting halik sa kanya ni Fred sa mukha.
Buong akala niya'y may inihanda ulit itong breakfast in bed sa kanya ngunit naikot na ng paningin niya ang buong kwarto ay wala parin siyang nakikitang tray na may lamang breakfast. Napansin malamang nito na may hinahanap siya kaya naman malakas na tumawa ito.
"HA HA HA HA! You should have seen you're face baby." ani nito na hinawakan ang kanyang dalawang pisngi at mabilis na ginawaran ng halik sa labi.
Nabigla man ay nagpaubaya siya rito nang laliman nito ang paghalik ngunit naging mapusok ang mga matatamis na halik nito kaya't naitulak niya ito.
"B-baby..." mahinang usal niya. Naramdaman naman nito ang paglayo niya kaya inilayo narin nito ang sarili sa kanya.
"Sorry baby." ani nito at umupo sa upuan malapit sa kama niya. Hindi naman niya alam kung bakit wala siyang maapuhap na sabihin kaya't tumayo na lang siya at iniayos ang kamang hinigaan.
"Coffee?" tanong niya rito ng matapos sa ginagawa.
"Get dressed."
"H-ha?"
"Aantayin kita sa labas." seryosong sabi nito at mabilis na lumabas ng kwarto. Nagtataka man ay mabilis na naligo siya at nagbihis.
-----------------------------------
Papasok na nang restaurant si Jarred at Chii nang mapansin ni Jarred na nakapark din sa parking lot ang kotse ni Fred. Naisip agad niya na malamang ay kumakain ito kasama ni Mau.
Sa naisip ay naramdaman na naman niya ang kung anong kirot sa puso niya. Hindi niya kayang itanggi sa sarili na kahit pa kaibigan niya si Fred hindi parin niya ito gusto para sa dalaga dahil para sa kanya, sila lang ni Mau ang babagay.
Naputol naman ang pag-iisip niya ng umambrisete sa kanya si Chii. Isa ito sa mga naghahandle ng models ng Season at nagkita sila dahil gusto niyang makita ang mga models. Hindi linggid sa kanyang kaalaman na may gusto ito sa kanya kaya't agad siyang nakaisip ng kalokohan ng makita nga sa loob ng restaurant sina Fred at Mau.
"Fred!" tawag niya sa kaibigan. Agad naman niyang napansin ang pagdako ng tingin nito sa kasama.
"Nga pala Mau, si Chii. Siya yung naghahandle ng models ng Season." baling niya kay Mau. Napangiting tagumpay naman siya nang mapansing mapait ang ngiting inialay nito sa kasama niya.
"Can we join?" tanong niya sa mga ito.
"Oo naman pare." pinagusod naman niya nang upuan si Chii sa tapat ni Mau at siya sa tapat ni Fred. Agad naman niyang tinawag ang waiter at nagorder nang makakain nila ni Chii.
Nasa kalagitnaan naman sila ng pagkain ni Chii nang matapos na sina Fred at Mau. Nakita niya pa nang punasan ni Fred ang gilid ng bibig ng dalaga dahilan upang maiba ang mood niya. Pero sa hindi inaasahan ay gusto siyang subuan ni Chii. Agad naman niyang tinanggap iyon at hindi nakatakas sa kanyang mga mata ang matalim na tinging ipinukol ni Mau sa kanila.
Hindi niya maiwasang matuwa sa reaksyon ng dalaga kaya't kay Chii niya na lang inialay ang ngiti niya. Tila kinilig naman ito kaya lalong umasim ang mukha ni Mau.
"Nga pala Mau kailan mo gustong makita ang mga models?" paninimula ni Chii ng usapan.
"Kung kailan sila pwede." tipid na sagot nito.
"You can meet them the next day after tomorrow."
"Good! Sige pupuntahan na lang namin kayo ni Mau. San ba tayo pwedeng magkita?" sabat niya.
"Sa Ehm nalang."
"Ehm?"
"Boutique ko. Dun din kasi dadalhin yung mga damit eh 3pm darating yun kaya 4pm na kayo pumunta."
"Next week na lang. May meeting ako sa Baguio until Sunday eh. Hindi ko masasamahan si Mau." seryosong sabat ni Fred.
"Oka--"
"Sasamahan ko naman si Mau eh." matalim ang tinging ipinukol ni Fred sa kanya. Alam niyang hindi nito nagustuhan ang sinabi kaya naisipan niyang dugtungan ang naunang pahayag. "mas maganda kung magiging mabilis tayo para maisabay na sa September issue ng Season ang mga gawa ni Mau."
"Okay lang naman baby kung hindi mko masamahan eh. I can handle." nakangiting sabi ni Mau sa nobyo at hinawakan ang kamay nito. Napatitig na lang siya sa dalaga. Umaasa siyang hindi rin magtatagal at babalik din ito sa kanya.
"Great! Then it's settled. We will meet the next day after tomorrow on your boutique at 4pm. Are you going to pick me up Jarred?" matamis na tanong ni Chii.
"Yeah! Ako na maghahatid sayo pauwi mamaya para alam ko kung san kita susunduin bukas." nakangiting sagot niya rin dito.
"Excuse me.. M-mag-ccr lang ako." paalam ni Mau sa kanila.
Ilang minuto na ang lumipas ngunit hindi parin bumabalik sa table si Mau kaya napagpasyahan niyang sundan ito.
"Excuse me."
Kakatok na sana siya sa Ladies Room nang ...
"Ako na maghahatid sayo pauwi mamaya para alam ko kung san kita susunduin bukas. Nye nye nye nye nye! Ay ewan! Akala mo kung sinong gentleman. Gustong gusto naman ni babae! Ay ewan talaga! Kahit kelan talaga nakakastress ka Jarred!"
HAHAHA! tawa ng isip niya. Sumandal na lang siya sa gilid ng pinto. Hanggang ngayon hindi parin siya nagbabago kinakausap parin niya ang sarili niya. Ilang sandali pa siyang nagantay sa labas ng restroom ng magbukas ang pinto.
"Tapos mo na bang kausapin ang sarili mo?" bungad niya rito ng makalabas na ito.
itutuloy...
A/N: Ang haba ngayon no? Ganado eh! Hanggang kailan kayang itago ni Mau ang nararamdaman para kay Jarred? Abangan...
BINABASA MO ANG
It's Still You
RomanceAre you willing to forgive yourself because you choose to leave the person you love?