Chapter 4

2 0 0
                                    

6pm pa lang nasa Venille's Park na si Jarred. Alam niyang walang kasiguraduhan kung pupunta si Mau o hindi pero handa siyang sumugal. Bago siya umalis ng Pilipinas noon ay ni hindi man lang niya ito nakita o nakausap mula nung araw na iwan siya nito.

Inikot niya ang buong park. Bawat sulok nang lugar na iyon ay napuntahan na nila ni Mau. Dito nila hilig magpunta pag nalabas sila dahil sa mahangin.

Umupo siya sa gitna ng park kung saan may mga bermuda. Iyon ang paborito nilang pwesto sa park. Ang Venille's Circle. Tuwing gabi maraming couples ang napunta roon upang mahiga at pagmasdan ang kalangitan at mga bituin. Dati isa sila sa mga couples na naroon na magkasamang nakahiga ngayon siya na lang mag-isa.

Humiga narin siya gaya ng dati at pumikit. Aantayin niya si Mau kahit anong mangyari kahit pa umulan.

"I miss you so much Mau..." mahinang usal niya at tuluyan ng ipinikit ang mga mata.

-----------------------------------

Humahampas sa mukha ni Mau ang malamig na hangin tanda na nasa Venille's Park na siya. Mabilis na tinakbo niya mula parking area hanggang Venille's Circle alam niyang doon siya inaantay ni Jarred gaya ng dati.

Malayo pa lang ay tanaw na ni Mau ang nakahigang si Jarred. Laking pasasalamat niya at inantay siya nito kahit pa isang oras na siyang late. Wala parin talaga itong pinagbago.

Nang makarating sa kinahihigaan ni Jarred ay umupo siya sa tabi nito. Tinignan niya ang buong paligid at muli ay inalala ang masasayang sandali nila ni Jarred sa lugar na yon.

"Bakit Jarred? Bakit sinayang mo lahat?" mariin niyang pinikit ang kanyang mga mata at tumunggo yakap-yakap ang kanyang mga tuhod.

"Bakit hindi mko pinagkatiwalaan Mau? Bakit mo tinapon ang lahat?" narinig niyang sabi nito. Akala niya'y tulog ito. Agad niyang iniangat ang kanyang ulo at tinignan ito.

"Hindi mo kailangan sagutin ang tanong ko Mau." unti-unti nitong iminulat ang mga mata at umupo sa tabi niya. "Pero ako gusto kong sagutin ang tanong mo..."

"Wala akong sinayang Mau. Wala." matigas na sagot nito ngunit nakangiti. 

Hindi niya alam ang isasagot rito. O mas tamang sabihing ayaw na lang niyang pagusapan iyon kahit pa yun naman talaga ang ipinunta niya roon.

Mabilis na iniiwas niya ang tingin rito.

"Dapat pala hindi na lang ako pumunta rito. Tutal wala naman na talaga tayong dapat pag-usapan eh kasi wala ng TAYO Jarred." 

"Alam ko. Pero ayaw mo man lang bang malaman ang totoo?"

"Alam ko ang totoo Jarred. Nakita ng dalawa kong mata." matigas na sagot niya rito. Matalim na tingin ang ipinukol niya rito.

"Hindi lang lahat ng nakikita mo ang totoo Mau." sa sinabi nito ay napatiim bagang siya. Hanggang ngayon parin ba ikakaila parin nito ang kasalanan nito. Sasagot na sana siya rito ng magsalita ito ulit.

"Sa totoo lang Mau hindi ko talaga alam kung bakit kita pinapunta rito." ani nitong tumingin sa kalangitan. "alam kong hindi lang dahil sa gusto kong pag-usapan ang nakaraan kundi dahil sa gusto lang kitang makasama." muling inihiga nito ang sarili sa bermuda grass.

"I miss you Mau... It's been 7 years... Pwede bang kahit sandali ibalik natin ang dating tayo?" seryosong sabi nito sa kanya.

Hindi naman niya malaman kung bakit ganoon ang nararamdaman niya. Kagaya nito parang gusto niya munang kalimutan ang lahat.

Humiga siya sa tabi nito at pinagmasdan ang mga langit.

"Kahit saglit lang Mau kalimutan mo muna ang ginawa ni Jarred. Kahit saglit lang..." bulong ng isipan niya.

Ilang sandali pang nagtaggal na ganoon ang posisyon nila ni Jarred at hindi niya maintindihan kung bakit ganoon na lang ang laki ng epekto nito sa kanya.

Wala sa sariling tumagilid siya at tahimik na pinagmasdan ang mukha ng lalake.

Wala pa rin ipinagbago ang mukha nito bukod sa mas nagmature lang ito ng konti. Nagawi ang tingin niya sa labi nito. Napangiti siya ng makita ang nunal nito sa gilid ng labi nito. 

Bigla niyang naalala na iyon ang pinakapaborito niya sa mukha ng lalaki. Hindi niya alam kung bakit parang sa nunal siya nito naattract.

"Cute..." wala sa sariling nasambit niya.

"Baka mamaya tapyasin mo na yang nunal ko ha?" natatawang sabi naman nito sa kanya patagilid ding humarap sa kanya.

"I miss you..." bulong nito at hinawakan ang magkasalikop niyang mga kamay.

Hindi niya alam ang sasabihin. Hindi niya alam kung ano bang dapat gawin. Bakit parang nawawala ang galit niya rito? Bakit tila nakakalimutan niya na ang nagawa nito? Bakit parang gusto niya lang na ganoon sila... na magkalapit... magkahawak-kamay...

"Hindi tama 'to Mau! Nakalimutan mo na siya di ba? Nakalimutan mo na ang pagmamahal mo sa kanya! Si Fred ang mahal mo. Si Fred lang!" sigaw ng isipan niya.

Mabilis na binawi niya ang mga kamay kay Jarred at mabilis na umupo. Ramdam na ramdam niya ang mabilis na tibok ng kanyang puso.

"Kailangan ko nang umalis. Kailangan ko ng malayo ulit sayo Jarred baka kapag nagtagal pako mahulog ulit ako sayo." iyan sana ang gusto niyang sabihin ngunit mas pinili na lang niyang manahimik.

"I need to go. Itext mo na lang ako kung may pag-uusapan tayo about sa work." iyon lang at tumayo na siya upang umalis ngunit pinigilan nito ang mga braso niya.

"Ihahatid na kita."

-----------------------------------

Napadaan naman si Fred sa Macco's Cafe upang bilhan ng paboritong kape ang kanyang daddy nang mapansin niyang nakaparada ang kotse ni Mau sa parking lot ng Venille's Park.

Pupuntahan sana niya ito dahil katapat lang ng Macco's Cafe ang parking lot ng mapansing may dalawang taong papalapit sa kotse.

Kinuha niya agad ang iniorder at mabilis na tinunggo ang pinto. Laking gulat na lang niya ng makitang pinagbuksan ni Jarred ng pinto si Mau sa driver's seat.

Lalapitan na sana niya ang dalawa nang yakapin ni Jarred si Mau. Parang napako siya sa kanyang kinatatayuan ngunit dahil sa hindi niya matagalang tignan ang mga ito ay mabilis na siyang bumalik sa sasakyan.

Kitang kita parin niya ang mga itong magkayakap mula sa kinapaparadahan ng kanyang kotse kaya hindi na siya nakatiis at mabilis na tinawagan ang dalaga.

"Hi baby! Asan ka ngayon?" pilit na pinasigla niya ang boses.

itutuloy...

A/N: Kokomprontahin ba ni Fred si Mau? Mahal parin ba ni Mau si Jarred? Abangan sa susunod na Chapter!

It's Still YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon