"Goooood moooorniiiiing baby!" unti-unting iminulat ni Mau ang kanyang mata. Napangiti naman siya agad nang makita ang kanyang nobyo na may dala-dalang tray ng pagkain.
"Breakfast in bed." masiglang sabi nito at inilipag ang dalang tray sa gilid ng kama at hinalikan siya sa noo.
"Hmm? Ikaw talaga lagi mo nlang akong sinusurpresa." paupong sabi niya rito.
"Ayaw mo ba?" may himig pagtatampong tanong nito.
"HAHA! Syempre gusto ko!" natatawang sagot niya. "payakap nga sa baby ko!" mahigpit na niyakap niya ito.
Sa loob ng 3 taong relasyon nila ni Fred masasabi niyang napakaswerte niya na rito. Araw-araw nitong pinaparamdam sa kanya kung gaano siya kaespesyal at kung gaano siya nito kamahal. Kaya naman araw-araw rin siyang natatakot na baka isang araw mawala rin ito sa kanya.
"Baka lumamig na ang pagkain mo baby kumain ka na muna at may sasabihin pa ako sayo." sa sinabi nito ay napatigil siya sa pag-iisip at agad na pinansin ang sinabi nito.
"May sasabihin ka? Ano yun?" tanong niya rito ng kumalas siya sa pagyakap rito.
"Ubusin mo muna yang breakfast na ginawa ko para sayo. Don't worry good news ang sasabihin ko." agad naman niyang sinunod ang sinabi nito.
"Ang sarap!" masayang sabi niya rito nang matapos sa pagkain.
"Mukha ngang nasarapan ka." natatawang sabi nito at pinunasan ang pisngi niya.
"Nakita na ni mommy ang mga designs mo." panimula nito sa good news na ibabalita nito sa kanya.
"And?"
"She likes it!"
"Talaga?!" hindi makapaniwalang tanong niya rito. Malaki ang kompanya ng pamilya ni Fred. Ang mga ito ang nagmamay-ari ng Season magazine kung saan inilalabas ang produkto ng mga kilalang designer ng mga damit, bag at sapatos.
"Yes! At gusto ni mommy na ifeature sa Season ang mga designs mo." masayang balita nito sa kanya.
"Totoo ba yan Fred? Maifefeature ba talaga sa Season ang mga designs ko?" hindi parin siya makapaniwala sa sinabi nito. Maisasama ang mga designs niya sa mga designs ng mga kilalang designer.
"Yes baby. Kaya magbihis ka na ngayon kasi katatagpuin natin ang photographer na ipinadala ni mommy para tignan ang mga designs mo. Idaan nadin natin siya sa boutique mo para makita niya pa yung ilang damit na nagawa mo na."
"Ngayon na mismo?" tanong niya rito. Nang tumanggo ito bilang sagot ay agad-agad siyang nagpunta ng cabinet upang kumuha ng damit.
"Sa labas na lang kita aantayin." narinig niya pang sabi nito ng tuluyan na siyang makapasok ng banyo.
-----------------------------------
Kasalukuyang inaantay nina Mau at Fred ang photographer na pinadala ng mommy ni Fred sa isang restaurant nang magring ang cellphone ni Fred.
"Hello. Who's this?" narinig niyang tanong nito sa kabilang linya.
"Jarred?" parang may bumara sa lalamunan ni Mau ng marinig ang pangalang binanggit ni Fred.
"Maraming Jarred sa mundo Mauline! Kumalma ka nga! Hindi si Jarred Ocampo ang kausap ni Fred." sigaw ng isip ni Mau.
"Malapit na daw si Jarred. Mga 15mins na lang daw. Huwag kang mag-alala Mau kilala ko si Jarred. Bukod sa kaibigan ko yun anak din siya ng isa sa mga kaibigan ng pamilya namin. Kadarating lang pala nito sa Pilipinas. Si mommy talaga. Alam niyang espesyal ka sakin kaya isang magaling na photographer ang ipinadala niya para sayo." masayang pagkkwento nito sa kanya na nagpagising naman sa lumilipad niyang isip. Hindi niya napansing tapos na ito sa pakikipag-usap sa telepono. Isang tanggo lang ang isinagot niya rito.
Makalipas ang ilang minutong pag-aantay nila at pagtatalo ng isip niya kung tatanungin niya ba si Fred kung anong apelido ni Jarred ay naisipan narin niyang sa wakas na magsalita. Kung sakaling si Jarred Ocampo nga ito kailangan niyang maihanda ang sarili sa muli nilang pagkikita.
Bago pa siya makapagsalita ay hinawakan na ni Fred ang kanyang mga kamay.
"Saglit na lang yun." nakangiting sabi nito sa kanya.
"A-ahm, anong apelido ni J-Jarred?" kinakabahang tanong niya rito. Umaasang sana hindi Ocampo ang isagot nito.
"Ocampo baby. Bakit?" halata sa mukha nito ang pagtataka.
"W-wala n-naman baby." pilit na ngumiti siya rito upang hindi nito mapansin ang pagkabalisa niya.
Kailangan na niyang ihanda ang sarili. Meron na lang siyang ilang minuto upang paghandaan ang muling pagkikita nila matapos ang 4 taong. Pilit man niyang ihanda ang sarili alam niyang hindi magiging madali ang muling paghaharap nila ng dating nobyo.
"Kaya ko na bang makita ka ulit Jarred?" tanong ng isip niya. Wala sa sariling nakapa niya ang kanyang dibdib. Hanggang ngayon malakas parin ang tibok ng kanyang puso pagdating dito at hanggang ngayon naninikip parin ang dibdib niya sa tuwing maaalala ang nagawa nito sa kanya.
"Jarred! Over here!" kaway ni Fred sa paparating na si Jarred.
"Long time no see Fred!" nagyakap ang magkaibigan nang makalapit si Jarred.
Lalong lumakas ang tibok ng kanyang puso ng marinig ang magandang boses nito. Lakas loob siyang nagtaas ng tingin.
"Jarred meet my girlfriend Mau." pakilala ni Fred sa kanya.
"M-ma..."
"Nice meeting you Jarred." nakangiting putol niya sa sasabihin nito.
itutuloy....
A/N: Abangan ang muling paghaharap nina Jarred at Mau sa susunod sa Chapter!
BINABASA MO ANG
It's Still You
RomanceAre you willing to forgive yourself because you choose to leave the person you love?