Krystal's POV
Haayyy... Umaga na naman. Papasok na naman ako. Haayy. Papasok ako sa school na walang tumatanggap sakin... Nakakainis ehh... Lagi nila akong sinasaktan... Pinagtatawanan.. Pinagtitripan... Inaasar....
Lahat ng mali sakin nakikita nila... Hindi ko sila maintindihan... Sa totoo lang.... Wala akong kasalanan sa kanila!!! Hindi ko naman sila pinapakelamanan.... Sana ganun din sila sakin... Kasi ako.... Gusto ko lang naman mamuhay ng maayos... Masama na ba ngayon maging mahirap? Kasi sa tingin ko.... Sa kanila.... Sa mga kaklase kong mga walang maayos na paguutak ay kasalanan yun...
"Krystal!! Bumaba ka na nga!! Kumain kana at papasok ka pa..." Ahhh.... Isa pa yun... Sya si Tita Ann... Kung tatanongin mo kung nasaan yung mga magulang ko ehhh... Wag ka na magtangka pa... Sa susunod ko na sasabihin...
Bumaba na ko galing sa taas ng bahay at pumunta sa kusina para kumain....
"Oo nga pala Krystal... Pwede ba?? Maghanap kana ng trabaho mo at ng pagtitirahan mo?? Kasi madami na kami dito sa bahay.... Wag ka ng dumagdag pa! Kung di lang ako naawa sayong bata ka..... Pero malaki kana... Kaya mo na ang sarili mo... Kaya sana sa mas lalong madaling Panahon eh makaalis kana dito" dahil sa mga sinabi ni tita sakin ehh nawalan ako ng gana kumain....
"Naintindihan mo ba ako Krystal??" Tanong sakin ni tita... Tumingin ako sa kanya at nakitang nakatingin din sya sakin....
"Opo... Maghahanap po ako ng matitirahan... Sige po papasok na ko." Umalis na ko sa bahay at naglakad na ko papunta sa eskwelahan ko... Ako nga pala si Krystal Jane Tores.. 15 years old at isa akong Grade 9 student sa St. Mary's Academy.... Pang mayaman ba yung school ko?? Hahaha tama ka.... Ang mga nagaaral sa paaralang ito ay mga batang mayayaman... At Hindi kasali ang tulad Ko.... Nagtataka ba kayo kung bakit ako nandito?? Simple lang..... Kasi Scholar ako.... Matalino ako at hindi yun matanggap ng mga kaklase ko.... Oo nga pala sa school ko.... Hindi nga pala big deal sa kanila ang pag papahiya sa mga mahihirap tulad ko.... Nakadepende ang kaligtasan mo kung gaano ka kataas..
*St. Mary's Academy*
"Hala... Andyan na siya... Ano ba yan! Panira ng araw!" Sabay bangga sa akin.... Ahh! Ang sakit nun hah! Pagkatapos akong banggain ehh tinignan na naman ako ng mga tao na parang mamatay ako sa titig nila.... Haay naku Naman..... Pero sanayan lang yan.... Lagi naman silang ganyan sakin ehhhh....
Pagpasok ko sa classroom ko biglang tumahimik sa loob... At ano pa bang aasahan ko??? Syempre titignan na Naman nila ako... Ako naman yuyuko lang... Syempre pag lumaban ako.... Ako parin naman yung talo... Haayyy.... Buhay nga naman....
Umupo na ako sa upuan ko at maya Maya rin ay nagsimula na ang klase.... Habang nagtuturo ang teacher ko ay biglang may sumipa ng upuan ko galing sa likod..... Tinignan ko Ito at nakitang nakatingin sa akin si Ivan... Siya si Ivan Ken Scott.... Madalas nya akong pagtripan kahit wala akong ginagawa sa kanya.... Hindi ko nalang pinansin at nakinig ulit ako as teacher namin.... Maya Maya... Naramdaman ko na naman na sinisipa nya ako... 1...2....3...4....5.... Anim na beses na nyang sinisipa yung upuan ko at ang iba Kong kaklase ay tumitingin na sakin at tinatawanan ako.... Lumilikha narin ng ingay yung sipa nya kaya tumingin na sa amin yung teacher Ko.....
"Ms. Tores at Mr. Scott.... Pwede bang tumayo kayong dalawa ngayon??!" Sabi sa amin ni Mam Cruz... Tumayo naman ako bigla at ganun din si Ivan...
"Bakit kayo nagiingay?? Hah??!"
"Ahh mam... Si Krystal po talaga yun mam.. Hindi po ako yung nanguna... Mam! Sya po talaga yun..." Pagdedepensa nya sa sarili nya... Hindi nalang ako sumasagot dahil alam kong wala namang kakampi sakin.... Yumuko nalang ako at bumuntong hininga....
"Lumabas ka sa klase ko Ms.Tores NOW!!!" At lumabas na ako sa classroom namin pero bago ako lumabas sumilip muna ko sa mga kaklase ko at nakita kong nagngingitian sila....
Natuwa na naman sila nyan??
Lagi nalang ako napapalabas.... Kainis Naman!! Ang ganda pa naman ng lesson namin tapos ginugulo ako ng mga yun.... Pumunta nalang ako sa may soccer field ng school namin at umupo ako doon sa may damo..... Pinagmamasdan ko lang kung gaano katahimik dito....
Ivan's POV
Hahaha nakakatuwa talaga yung krystal na yun.... Haaay.. Oo nga pala Ako nga pala si Ivan Ken Scott.... 16 years old.... Madalas kong asarin si Krystal....Hindi Dahil sa trip ko lang... Gusto ko kasing makitang lumaban sya samin... Kaya lagi Kong ginagawa yun....
Tulad ngayon... Sinisipa ko hung upuan nya.... Ang seryoso nya kasi.... Alam kong naiirita na sya pero di nya lang pinapansin... Kaya sisipain ko parin sya.... Tumitingin na yung iba kong kaklase sa amin at natatawa yung iba sa ginagawa ko.... Dahil nga maingay na... Tumingin na sa amin yung teacher namin at syempre gumawa ako ng dahilan at dahil dun ay napalabas sya..... Nakita ko lang syang bumuntong hininga at lumakad na sya palabas..... Ang sama Ko ba?? Hahaa wala tayong magagawa... Ganun ako ehhh....