Krystal's POV
Nakakahiya naman.... nahihiya ako kay Kaizer.... pero bakit ba kasi parang ang bait-bait nya sakin? Bakit?
*knock,knock*
"Ateee Krystal! Pwede po bang pumasok?" Narinig ko sa labas ng kwarto ang boses ni Krisandra....
"Ahh... oo naman... saglit lang hah?" Nilagay ko muna sa gilid yung libro na binabasa ko at tumayo na para buksan ang pintuan.... pagbukas ko ay nakita kong nakangiti si Krisandra sakin kaya napangiti narin ako....
"Hi ate! Papasok ako....." sabi nya sakin...
"A-ahh oo naman sige halika dito... pasok ka..." sabi ko sa kanya at pumasok na sya at sinara ko na ang pintuan....
"Ate... okay ka lang po ba dito? Di ka ba comfortable?" Pagtatanong nya sakin at umupo sa kama....
"Ah ano ka ba.... okay na okay lang ako dito... nahihiya nga ako sa inyo ng kuya mo ehh... akalain mo yun? Pinapatuloy nyo ko dito sa bahay nyo?" Sagot ko naman
"Ahh mabuti naman kung ganun ate.... sabihin mo lang sakin kung may mga kailangan ka hah? Andito lang kami ni kuya...." sabay ngiti nya sakin...
Haay grabe.... ang ganda din ni Krisandra.... ang gsapo rin ni Kaizer! Ano kaya itsura ng mama at papa nila?
"Uyy! Ate! Ate! Okay ka lang??" Biglang sabi sakin ni Krisandra....
Ay! Ano ba yan! Hahaha nakakahiya...
"Ahahha oo okay lang ako... iniisip ko lang kung anong itsura ng magulang nyo... ang ganda mo kasi ehh...." nakita ko namang namula siya... hahah Ang cute ^_^
"Ate naman eh! Pero salamat po... ikaw din naman po ahh maganda kadin..."
"wehh?? Ikaw talaga! Palabiro ka ata ehh.. haha" pagtatanggi ko naman sa kanya...
"Totoo po! Maganda ka kaya! Kung mas magaayos ka pa... well sa susunod po isasama kita pag nag shopping ako! Ibibili kita ng mga magagandang damit!" Natutuwang sabi nya sakin...
"Hah? Ano ka ba! Okay na ko sa mga damit ko! Wag kana mag abala! Hahaha"
"Ate.... ano ka ba? Para na kaya kitang tunay na ate... pangarap ko rin mag ka ate noh! Kaya di ko sasayangin ang chance na ito! Kaya pumayag kana!" Pamimilit nya sakin....
Ehhh ano oa nga bang magagawa ko?? Ang cute nya ehhh...
"Err? Sige na nga!" At ngumiti kami parehas... ang ganda nya talaga....
Kaizer's POV
Umaga na... papasok na kami ni Krystal... bumaba na ako kasi kakatapos ko lang mag ayos ng sarili ko at kakain na ko....
"Good morning Kuya!" Bati sakin ni Krisandra
"Ahh G-Good morning din... ahh sige! Una na ko sa inyo hah?" Sabi ni Krystal at tatayo na sya pero pinigilan ko sya...
"Wait! Krystal... Ano.. sabay nalang tayo sa school parehas lang naman tayo ng school ehh tsaka magpapasama pa sana ako sayo sa room ko... hindi ko naman kasi alam kung saan yun ehh..." sabi ko sa kanya....
"A-ahh oh sige..." sabi nya at umupo ulit sya...
Maya-maya lang din ay natapos na kong kumain... tapos pumunta na kami sa loob ng kotse...
Habang nasa loob kami ng kotse ay biglang nagsalita si Krystal...
"Ahhh Kaizer an--"
"Kai" pagtatama ko sa kanya...
"Ahh Kai... pwede ba doon mo nalang ako sa may kanto ibaba?" Sabi nya sakin...
"Kanto? Bakit naman?" Tanong ko naman sa kanya
"Ahh... ehh... kasi may bibilhin pa ako ehh..."
"Ahh oh sige... pero di ko alam yung room ko..." sabi ko naman sa kanya....
"Ay! Oo nga pala noh? Ano bang section mo?"
"Ahhmmm 9- St. Peter yung nakalagay sa form ko ehh...." nakita ko naman na parang lumaki yung mata nya ng onti...
"Hah? St. Peter? Edi magkaklase pala tayo... hahah ano yan Room 321.... Third floor sa right building... " sabi nya sakin
"Talaga?! Magkaklase tayo? Ayos!" Sabi ko na natutuwa pa...
"Huh? Bakit parang natutuwa ka ata dyan?" Nagtatakang tanong nya sakin
"Ahh kasi may kakilala na ko sa classroom na yun..." sabay tingin ko sa kanya...
"Ahh ganun ba? Oh sige na! Andito na tayo sa kanto ehh...." sabi nya kaya naman sinabi ko kay manong na igilid muna uung kotse kasi bababa si Krystal...
"Ahh Kai, una ka na doon hah? May bibilhin pa kasi ako ehh sige na" sabi sakin ni Krystal pag ka baba nya...
"Gusto mo ba hintayin na kita?"
"Wag na.... okay lang ako..."
"Ahh oh sige... mag ingat ka hah?"
"Ahh oo naman salamat!" At tumalikod na sya... umandar narin kami ni manong at nakrating narin ako sa school ko...
Krystal's POV
Sa may kanto nalang ako nagpababa kay Kaizer at sinabi ko nalang na may bibilhin pa ako... pero ang totoo lang kasi talaga... ay ayokong makita ako ng mga tao na pumasok na nasa kotse ako... ehh baka naman pati si Kaizer ehhh madamay pa...
Ayoko namang mapahamak pa sya dahil sakin...
Mga after 10 minutes ay nakarating na din ako sa school pagdating ko... may nakita akong mga nagkukumpulan na babae sa gilid... ano naman kaya yun?? Well.... mabuti din yun kasi hindi nila ako napapansin... naglakad na ako sa gilid at ng malayo na ako sa kanila ay huminga ako ng malalim at ngumiti dahil walang nakapansin sakin....
Lalakad na sana ako kaya lang...
"Krystal!!! Sandali lang!!"
Ano ba yan???