Kystal's POV
Hala? Galit ba sakin tohh?? Ehh hindi talaga ako sumasabay sa kanya.... kasi nga... nahihiya ako!
"Pssttt.... Krystal" rinig kong tawag sakin ni Kaizer
"B-bakit?" Sabi ko sa kanya ng pabulong kasi baka marinig kami ng teacher namin...
"Sorry hah?? Joke lang yun kanina...." Sabi naman nya sakin...
Sorry?? Seryoso ba toh?
"Ano ka ba? Okay lang yun.... "
Tapos nakita ko nalang syang ngumiti sakin....
Ivan's POV
Huh??! Nakakainis tong babaeng to ahh?? Ngayon na nga lang pumasok ehh nakikipagdaldalan na?? At sino ba tong Kaizer na tohh?? Punyeta!
Teka nga.... may gagawin lang ako....
*tugsh!*
Nakita ko naman na parang napaabante si Krystal sa upuan nya...sumilip sya sa gilid nya at nakita nya kong nakangiti sa kanya.... yumuko nalang sya at inayos ang pagkakaupo nya....
Ahh?? Ganun? Di mo ko papansinin?? Teka lang....
*tugsh!* *tugsh!* *tughs!*
Sunod sunod kong pinag sisipa yung upuan nya.... bigla namang tumayo yung katabi nya... -_^ ahhh yung Kaizer.... tumingin sya sakin...
"Anong problema mo pare?? Kanina ka pa ahh...." sabi nya sakin....
Tinignan ko lang sya at tumayo din ako at nilagay ko ang dalawa kong kamay sa magkabilang bulsa sa gilid ng pantalon ko...
"Bakit?? Inaano ba kita?" Sabi ko naman sa kanya.....
"Mr. Park and Mr. Scott! Ano sa tingin no ang ginagawa nyo?? Alam nyong nagtuturo ako dito diba??!!" Sigaw sa amin ng teacher namin....
Tinignan ko lang sya at tumingin ako kay Krystal na kasalukuyang pinapaupo si Kaizer...... at hinahawakan nya pa ang kamay ni Kaizer para makaupo....
"K-kaizer.... umupo ka na nga.... pa-pati ikaw Ivan...." sabi ni Krystal samin habang nakayuko....
"Ms. Tores?? Anong ginagawa mo dyan??"
"Ahhh... Mam... pinapaupo ko lang po sila... Mam s-sorry p-po sa abala....." sabi ni Krystal sabay yuko....
"Mr. PARK and Mr. SCOTT! Gusto kong makausap ang magulang nyo.... bukas na bukas din!! Naiintindihan nyo ba?? " Sabi ni Mam.... ano ba yan??
"Mam! Pwede po bang.... wag muna yung akin bukas? Wala po yung parents ko ehhh...." sabi naman ni Kaizer....
"Wait.... Excuse me Mr. PARK? tinuturuan mo ba ako kung ano ang gagawin? I'm so disapointed... Kabago bago mo palang dito ganyan kana umasta..." sabi ng teacher namin kay Kaizer...
Nakita ko naman na biglang nagseryoso ang mukha ni Kaizer at tumingin sya sa mata ng teacher namin...
"Well excuse me din po mam... Ehh gusto ko lang naman po na huminto itong lalaking ito..." sabay tingin sa akin na kasalukuyang ngumingisi at nakapamulsa pa.. " sa pagsipa sa upuan nitong ni Krystal dahil pati ako ehh naiistorbo... Bakit? Masama na bang ipagtanggol ang sarili dito? Kung disapointed ka sakin... EHh ano pa ko? EHh di mas disapointed ako sayo mam... Ehh hindi mo nga alam kung anong nangyari tapos--"
"Ka-Kaizer... Tama na yan..." pagpipigil sa kanya ni Krystal
Close ba sila?! Kelan pa ba yan magkakilala at kung makaasta ehh kala mo sobrang tagal na nilang nagsama! Letche! Makaalis na nga dito... Gusto kong mag gala katamad dito sa school...
Nagpoker face na muna ako at naglakad na papuntang pintuan ng room namin...
"Mr. Scott! Saan ka naman pupunta?!" ewan ko sayo mam... Ang ingay mo...
Hindi ko nalang sya pinansin at nag dire diretso lang ako sa paglabas.... Parang gusto kong pumunta ng beach... Hahaha
Krystal's POV
Hala... Bakit ba ganto tong si Kaizer... Maya maya rin ay nakita ko na si Ivan na papalabas na at di nya pinansin ang sinabi ng teacher namin... PEro seryoso.... Medyo natatakot na ko kay Kaizer....
*siggghhh*
NArinig ko naman na bumuntong hininga ang teacher ko at nag walk out...
"Ayos!! Walang klase! Whooo!" sabi ni Hayley at kasabay nun ay ang sigawan at palakpakan ng mga kaklase ko....
Naramdaman ko naman na umupo na si Kaizer at inaayos na nya ang mga gamit nya...
"Grabe! Ang cool ni Kaizer kanina noh?"
"Oo nga ehh pero syempre mas cool parin si Ivan"
"Oy!! Hindi ahh! Si Kaizer kaya!"
"Nope! It's Ivan!"
Rinig ko namang pagtatalo ng mga kaklase ko....
Bigla namang tumayo si Kaizer kaya napatingin ako sa kanya... Kinuha nya ang bag nya at tumingin sya sakin sabay hila sakin papalabas....
Nakita ko naman na sinusundan kami ng tingin ng mga kaklase ko.... Grabe... Nahihiya na talaga ako....
Habang naglalakad kami sa hallway ehhh pilit ko syang pinipigilan...
"Uy! Kai! Saan ka ba pupunta? May klase pa tayo ohh... Uyyy!" sabi ko sa kanya habang hinihila ng onti yung kamay ko...
Bigla naman sya huminto sa paglalakad at tumingin sya sakin...
"Krystal... Pwede bang wag kana muna pumasok??" nagulat naman ako sa tanong nya
"Hah? Hindi ako pwedeng umabsent nalang ng basta basta Kai ehh kasi scholar lang ako dito tsa--"
"Please?"
Pano ba tohh?? Ehh parang ang sama ko naman ata kung tatanggihan ko si Kaizer ehh nakikitira nga ako sa kanila ngayon ehh...
"Ehhh kasi Kaizer ehhh an--"
"Please? Sige na? Wag ka magalala.... Malakas ako sa parents ko tsaka malakas rin yung mga yun... Hindi ka mapapahamak.... Promise" sabi naman nya sakin....
HAAY.. ANo pa nga ba??
"Ohh sigehh..." nakita ko naman syang napangiti at nagumpisa na naman syang maglakad at sumunod na din ako sa kanya...
"Teka Kai! Saan ka ba pupunta?" pagtatanong ko sa kanya...
"Ahmmm gusto kong mag punta sa Tagaytay ngayon ehh..."
"Ano?!! Ngayon na mismo?? Seryoso ka ba dyan??" grabe tong lalaking tohh...
"Oo pupunta ako doon.... Meron naman kaming hotel doon ehh kaya doon na muna ako... At.."
"At?" pagtatanong ko sa kanya at bigla syang tumingin sa akin ng nakangiti at tinuloy ang sinasabi nya...
"Kasama ka..." Hah??!
"Isasama mo ako? Ano ka ba? Di pa natin bakasyon Kai"
"Di ba nga... Sabi ko sayo malakas parents ko? Tsaka... Safe ako noh! Isasama ko rin yung kapatid ko.... Para may kausap ka.... Ayoko kasi munang pumasok... Nakakainis yungv teacher na yon... Oh sya... Halika na.. Magaayos pa tayo ng mga gagamitin natin...."
At grabe... Seryoso talaga sya... Pagkauwi namin sa bahay nila ay hinintay lang namin umuwi si Krisandra at andito na kami ngayon sa loob ng kotse nila at papunta na kami ngayon ng tagaytay....
Grabe... Ang swerte ko naman na ata? Kahit medyo concern ako sa pagaaral ko... Natutuwa parin ako kasi aalis kami...
"Kuya! Ilang araw tayo di papasok?" bigla namang tanong ni Krisandra kay Kaizer na nasa front seat... Magkatabi kasi kami ni Krisandra sa likod...
"Ahmm 4 days lang ehh... Tsaka Krystal wag kang magalala kasi natawagan ko na kanina si mommy tapos pinasabi ko na sa kanya kung saan tayo pupunta tapos sila na daw magaasikaso doon sa school natin.... At ang sabi pa ng mommy ko ehh sana daw maging masaya tayo sa trip
natin..." sagot naman ni Kaizer"Ah? Ganun ba? Ohh sige... Ahh salamat hah?"
"No problem..."