CHAPTER 9

20 0 0
                                    

Kaizer's POV

Pagkababa ko palang sa loob ng sasakyan ko ay may nagsi tilian na babae kaya naman tinignan ko kung saan nanggagaling yun at nakita kong nakatingin din sila sakin....

Ehhh?? Ang weird nila.... hindi ko nalang sila pinansin at naglakad nalang ulit ako... kaya lang may mga babaeng nag takbuhan palapit sakin at ang dami nila!!

"Ayyy!!! Kuya!!! Ang gwapo mo naman!!"

"Kuya pa picture!"

"May girlfriend ka na ba??"

"Kuya!! Bago ka lang ba dito?"

"Gusto mo samahan kita?"

Sunod-sunod ang tanong nila sakin at naiinis na ako ayoko kasi ng maraming atensyon...

"Ahhh pwedeng pa daan ako?? Papasok pa kasi ako ehhh" sabi ko sa kanila pero hindi nila ako pinapansin... tuloy tuloy lang sila sa ginagawa nila... yung iba nga natutumba na   dahil sa tulakan nila... ang kukulit nila!

Haayy dapat kasi sumabay nalang sakin si Krystal ehh... Tumingin tingin ako sa paligid ko at may napansin akong babaeng naglalakad sa gilid...

Tinititigan ko lang yun...maya maya nakilala ko na sya! Si Krystal! Kaya sumigaw ako para mafinig nya ako at magkasabay na kami...

"Krystal!! Sandali!!" Nakita kong napahinto sya kaya tumakbo na ako palapit sa kanya....

Krystal's POV

Ano ba yan? Bakit ba sumigaw yun?? Sino ba yun?? Pagtingin ko sa gilid ko ay nakita ko si Kaizer na nakangiti sakin...

"Krystal! Sabay nalang tayo... hindi nila ako iniiwan ehhh ano ba yun??" Tapos ti uro nya sakin.... tinignan ko naman yung tinuypro nya at nakitang nakatingin din sila sakin.... Tapos may narinig na naman akong nagsalita....

"Bakit sya kinakausap nung gwapong lalaking yun??"

"Argghh!! Ang landi naman nya!!"

"Sasabunutan ko yan mamaya!!"

"Ang lakas naman ng loob nya!"

"Bakit kasi pumasok pa yang cheap na yan??"

"Ang panget naman nya.!"

Sa tingin ko narinig din yun ni Kaizer....

Pagtingin ko sa kanya nakita ko syang parang naiinis na kaya naman kinausap ko sya agad...

"Ahh Kaizer... ta-tara na? Pasok na tayo..." tapos naglakad na kami...

Ano ba naman yan... nakakahiya... Narinig pa tuloy nya.... kainis naman....

Kaizer's POV

Nakakainis yung mga babaeng yun ahh.... nabubwisit ako! Kaya siguro nagpababa nalang si Krystal sa may kanto dahil  ayaw nyang makitang kasabay nya akong pumasok kasi baka may mang away sa kanya... ganun ba yun??

Habang naglalakad kami papunta sa classroom namin... hindi ko naririnig si Krystal na nagsasalita....

Tinignan ko kung anong ginagawa nya...

Pagtingin ko sa katabi ko.... nakita ko si Krystal na nakayuko lang at parang tinatago nya ang mukha nya sakin.... nakaharang kasi yung maganda nyang buhok....

Kinalabit ko sya tapos tinanong ko sya....

"Ahmm Krystal? Okay ka lang ba?" Sabi ko sa kanya....

Tinaas naman nya ang ulo nya at tumingin sya sakin...

"Oo naman...." sabay ngiti nya sakin... tapos tumingin ulit sya sa dinadaanan namin

Bakit ganun?? Parang.... parang di totoo na okay lang sya?? Nahihiya ba sya sakin?

Krystal's POV

Nahihiya talaga ako kay Kaizer.... naiiyak ako....

Nakarating na din kami sa loob ng classroom at nung nasa harapan na kami ng pintuan ay... syempre... ano pa ba?? Natural titingin na naman sila sakin...

"Krystal?" At kinalabit pa ako ni Kaizer...

"Bakit?"

"Ito na ba yung classroom natin?"

"Ahh oo... tara pasok na tayo..." nung pag pasok namin ay biglang nagpuntahan yung mga classmates kong babae kay Kaizer kaya natulak nila ako.... napatalsik pa nga ako sa gilid ehhh... ouch! Sakit din nun hah!

"Ayy!! Sorry! Harang-harang ka kasi dyan ehh!! Hahhahah" sabi sakin ni Hayley....

"Uy?! Okay ka lang ba?"

Pagtingin ko sa nagtanong sakin ay nakita ko si camille.... huh? Camille?? Seryoso? Tinatanong ako nito??

"Excuse me?? Uyyy!! Okay ka lang ba? Tumayo kana kaya dyan!" Tapos tinulungan nya akong tumayo...

"A-ahh sa-salamat...."

"Bakit ka ba kasi nakaupo dyan? Pagpasok ko nakita kitang nandyan ehh tsaka bakit nagkukumpulan yung mga babae dun?? Ang iingay!!" Sabi nya sakin sabay takip ng tenga nya...

"Ahh may transferee kasi ehh... ewan ko kung bakit nila nilapitan..." sabi ko sa kanya...

"Ahh... okay... who cares? Anyways... umupo kana sa upuan mo at uupo narin ako... magingat ka... para kang papel ehhh... konting galaw sayo natutumba ka.... buti di ka nakakalas..." sabi nya sakin sabay ngiti...

Ngumiti nalang din ako sa kanya at pumunta na ako sa upuan ko at umupo....

"Bakit sa kanya tumabi?? Dapat akin nalang!"
Narinig kong sabi ng isa kong classmate...

Dumating na din yung teacher namin kaya nag siayusan narin sila ng upuan nila naramdaman ko naman na tumabi sa akin si Kaizer....

"Ang gulo naman nila... ang ingay pa! Kabwisit! First day ko pa naman dito! Krystal bakit mo ba kasi ako iniiwan?" Rinig kong sabi sakin ni Kaizer

"Ha-hah? S-sorry"

"Okay... asan si Mr. Park? Andito na ba sya?" Tanong ng teacher namin...

"Ahh... andito na po ako..." sabi ni Kaizer at tinaas nya yung kamay nya... 





She's A BURDENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon