CHAPTER 5

20 1 0
                                    

Krystal's POV

Matapos Kong maunang umalis Kay Kaizer ay dumiretso na ko sa bahay....

"Andito na po ako....." Sabi ko pagpasok ng bahay.....

"Oh Krystal andyan kana pala.... Ano? Nakahanap kana ba ng magiging trabaho mo??" Tanong naman sa akin ni Tita....

"Ahh... Wala pa po ehhh tsaka Hindi pa nga po ako nakakapagtapos ng pagaaral sa High School ehhh wala pa pong tatanggap sakin sa trabaho!! Wag nyo naman po akong madaliin!" Sa sobrang inis ko dahil sa pagmamadali nya sakin ay nasagot ko sya ng ganun kaya naman.....

*slaaappp!!*

"Ahhh!! Ganun?!! Sumasagot kana sakin ngayon?! Sinong nagbigay sayo ng karapatan para sumagot ka sakin?! Wala kang utang na loob!! Ngayon! Lumayas kana sa pamamahay ko!!" Sabay talikod nya at umalis papuntang kusina....

"Ti-ta... *sobs* wag nyo po ko paalisin.... " iyak ko na nagmamakaawa.... Pero wala ehh... Di ako pinansin....

Wala na kong magagawa... Pumunta nalang ako sa kwarto ko at inayos ko na yung mga gamit ko.... Ano... Pano na toh?? Wala pa nga akong diploma ng high school ehhh.... May tatanggap kaya sakin na trabaho???

Matapos ang ilang minuto ay bumaba narin ako at nakita ko si tita sa baba....

"Tita.... Sorry po.... Pero salamat po sa lahat ng mga naitulong nyo sa akin.... A-alis na po ako..." Sabi ko at lumabas na ko ng bahay....

Haaayyy.... Saan na ko pupunta nito ngayon?? Sa paglalakad ko, nakarating na ko ng Park.... Mabuti na dito na Muna ako... Magiisip ako kung saan ba ako makakakuha ng trabaho....

Kaiser's POV

Ang weird ni Krystal.. Sa totoo lang... Iniwan ako dito magisa sa Mcdo...... Yan tuloy... Ang dami ko na namang naririnig tungkol sakin sa mga katabi ko....

"Waahhh.... Best! Ang gwapo niya ohhh!" Sabi nung isang babae sa kasama nya sabay turo sa akin.... Haayyy.... Yumuko nalang ako at tumayo na para lumabas....

Nung palabas na ko may mga babaeng humarang sa daan ko at tinanong ako ng tinanong.....

"Ahmmm sorry... Pero please... Padaanin nyo na ko.... Kailangan ko na talagang umuwi ehhh.... " sabi ko at aalis na Sana kaso may humila ng braso ko... Pagtingin ko sa kanya ay... Nakangiti sya sakin....

"Kuya... Ano nalang name mo?" Sabay pacute nya sakin...

"Ahhh... Ako si... Edward!" Mabilis Kong sabi....

"Edward ano??" Tanong na naman nya....

"Ahmmm Edward... Edward Cullen!! Ahh sigeh bye!" Sabay takbo ko paalis ng Mcdo.... Narinig ko pa ngang sabi ng babae na....

"Edward Cullen?? Wow! Kapangalan nya yung sa Twilight!"

Hahahhaa nakakatuwa naman yun... Hirap maging gwapo ehhh.... Ahmmm for your information... Hindi ako nagyayabang.... Nagsasabi lang ng totoo.... *smirks*

Ayoko munang umuwi.... Maglalakad na Muna ko.... Maya Maya ay nakarating ako ng Park.... Park?? Hmmm sigeh dito na muna ko mag iistay....

Naglakad lakad na Muna ko dito ng may maaninag akong itsura na pamilyar sakin.... Parang si.... At biglang tumingin sa lugar ko yung babae at napangiti ako....

"Krystal!!" Tawag ko sa kanya at nakita ko syang parang malungkot na naman??

Krystal's POV

"Krystal!!" Narinig kong may tumawag sakin.... Nilingon ko at nakita ko si Kaizer..... Lumapit sya sakin....

"Uy! Krystal... Akala ko ba uuwi kana?? Tsaka..... " tinignan nya yung mga hawak kong bag.... "Naglayas ka ba??"

"Ahhmm.... " yumuko ako at biglang tumango bilang sagot....

"Seryoso ka??" Di makapaniwalang tanong sakin ni Kaizer....

Timingin ako sa kanya at biglang sinabing... "Mukha ba Kong nagbibiro... Kai?" Nakita ko syang ngumiti at tinanong ako....

"Bakit ka lumayas?? Trip mo?"

"Hindi naman ako lumayas..... Pinalayas ako" sabi ko sabay tingin sa ibang direksyon....

"Huh? Bakit naman??" Tanong nya sa akin....

Kinuwento ko sa kanya lahat ng nangyari sa akin kanina sa bahay....

"Sinampal ka?? Saan? Masakit pa ba??" Nagulat ako ng bigla nyang hawakan ang dalawang pisngi ko at lumapit pa sya para makita ito ng mas malapit.... Masyado na syang malapit sakin.... Mga 3 inches nalang ang pagitan namin.... Kaya naman lumayo ako....

"O-okay lang ako... K-kai" sagot ko naman na medyo nahihiya....

"Sigurado ka??" Pagsisiguro nya sakin....

"Eh ikaw?? Bakit di ka pa umuuwi?? Gabi na ahh!! Di ka ba hinahanap ng magulang mo??" Sabi ko sa kanya....

"Ako inaalala mo... Pero ikaw... Tignan mo nga yung sarili mo ngayon.." At ginawa ko nga yung sinabi nya... Tinignan ko yung sarili ko mula paa hanggang sa may dibdib ko... At tumingin ako sa kanya.....

"Maayos naman ako ahh..." Pag poprotesta ko....

"Ahahh... Baliw... Oh ano?? Saan ka matutulog ngayon hah? May mapupuntahan ka ba???"

Oo nga pala... Wala na pala akong pwedeng mapuntahan....

"Wala ehh..."

"Halika na... Sumama kana muna sa bahay ko..." Huh?? At naramdaman Kong kinuha nya yung bag na nakasabit sa balikat ko at bigla nya Kong hinila....

"Uy!! Kai!! Ano ka ba!!" Pagpupumiglas ko sa kanya....

Huminto Muna sya saglit at nilabas ang cellphone nya at nakahawak parin sya sa may kamay ko....

Maya Maya ay may pumarada na itim na magandang kotse sa harap namin at may lumabas galing sa driver's seat at binuksan ang backseat....

"Sakay" paguutos sakin ni Kaizer.....

"Kai ano ka ba?? Tumi--"

"Sakay!"

Sa sobrang gulat ko ehhh napasakay nalang din ako sa kotse.... Saan ba ako dadalhin nito???

She's A BURDENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon