Serene's POV
First Day of School! 2nd Year College ako and I'm taking up Interior Design.
Pagkatapos namin magbreakfast ng baby ko ay umalis na kami ng bahay. Hinatid na muna nila ako sa school at si Flynn naman ay pupunta muna sa bahay nila mommy.
"Sige baby papasok na si mommy ah, behave ka lang kela lola wag makulit ah" sabi ko kay Flynn bago bumaba ng kotse
"Yes mommy! I'll be a good boy po" sabi ni Flynn with matching salute pa
Before I open the door hinalikan ko na muna si Flynn
Pagkababa ko ng car ay hinanap ko na yung room ko. New University e, di na ako pumasok dun sa una dahil puro chismis na naman ang gagawin nila sakin
Habang naglalakad ako
"Miss, you need help with the direction?" tanong sakin ng isang babae
"Uh, Oo sana e. Alam mo ba kung saan yung St. Dominic's Building?" tanong ko naman sa kanya
"Ah sa Art Building ka pala! Sakto yung kapatid ko dun din yung punta ipasasama nalang kita sa kanya. BTW I'm Jenny" nilahad niya ang kamay niya and tinanggap ko naman iyon
"Serene nga pala. Salamat ah bago lang kasi ako dito e." sabi ko naman sa kanya
"Okay lang yun no! Maganda nang makatulong ako sa mga baguhan dit--" di na niya natapos yung sasabihin niya ng may lalaking lumapit samin
"Ate!" sabi ng lalaki dun kay Jenny
"Oh John buti naman at nandito ka na. Siya nga pala si Serene ka-building mo siya pakisamahan nalang siya dun ah" sabi ni Jenny kay John at kinamayan naman ako ni John
"No problem ate! Makakarating siya dun ng matiwasay haha" sabi nito at natatawa pa
"Ikaw talaga puro ka nalang biro. Sige mauna na ako. John bigay mo number ko sa kanya ah" at saka tumakbo si Jenny
"Uh, Serene right? ano nga palang course mo at magkapareho tayo ng building?" tanong ni John sakin
"Interior Design ako, ikaw ba?" balik tanong ko sa kanya
"Parehas pala tayo! Pwede patingin ng sched mo?" tanong niya at inabot ko naman yung schedule ko sa kanya
"Ay sayang naman 2 subject lang parehas natin. Buti nalang sabay tayo ng break. Teka eto pala ng ko at ng ate ko." Inabot niya sakin yung kanina pa niya sinusulat sa papel.
Nagulat ako at inabot niya yung phone niya sakin
"Lagay mo number mo diyan. Alam kong nahihiya ka pa kaya di mo kami itetext ni ate" at ayun tinype ko naman sa phone niya yung number ko.
Di ko napansin na andito na pala kami.
"Oh ayan na yung room mo. Yung akin naman e yung katabi ng katapat ng room mo sa right" sabay turo niya sa room nila
"Sige salamat ulit John"
"Sige see you later! Puntahan nalang kita dito pag break time na natin
After 3 hours. Sa wakas break time na namin. Sumakit yung ulo ko kahit first day palang e ang dami ng pinapabiling gamit hayy.
Paglabas ko ng room nakita ko si John na nag aabang
"Uy Serene!" tawag niya
"Hello" sabi ko ng nakangiti
"Hay nako may hiya ka pa sa katawan. Pag ako kasama mo wag ka mahihiya! I'll be your friends or best friend pa nga kung gusto mo"
"Sa umpisa lang naman 'to hayaan mo pag nakaadjust na ako di na ako mahihiya sayo" medyo umookay na ako nawawala na ng onti yung hiya ko sa katawan
BINABASA MO ANG
Too Young
ChickLitSerene, A girl who got pregnant at a very young age. Iniwan siya ng nakabuntis sa kanya at mag-isa niyang pinapalaki ang kanyang anak. Sa panahon ngayon naiisip niya kung meron pa bang lalaki na kayang tanggapin ang nangyari sa nakaraan niya? Credi...