Zach's POV
I applied for work dito sa Pilipinas and thanked God nakuha ako ng iDesign Company as their Marketting Manager.
Kahit papano nagiging busy na din ako simula ng natanggap ako sa iDesign Company.
Pero minsan nakakatampo si John pag niyayaya ko mag Bar ayaw sumama busy daw sila ng partner niya sa project tss
Inaalala ko din pala kung paano makita ko si Serene hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanya.
Natatakot akong makita siya lalo na din kung kasama yung bata. Hindi ko alam ang gagawin o sasabihin ko kung sakali.
Weeks had passed medyo busy na ako sa iDesign. Di ko na din nakakasama si John busy na din kasi siya sa school
Payday ngayon kaya nagpasya akong pumunta ng mall para mag unwind at mamasyal na din.
Nadaan ako sa National Bookstore
"Teka parang si John yun ah" sabi ko sa sarili ko
kinumpirma ko nga kung siya ba talaga yun. At tama nga ako siya nga yun
"John!" sigaw ko para matawag ang atensyon niya
"Oh Pare! Anong ginagawa mo dito?" tanong niya sakin
"Namamasyal lang, Sweldo e. Ikaw? Project na naman?" sagot ko naman
"Oo, Hirap mag-aral dito. Dami pinapagawa. Teka ikaw lang mag isa?"
"Oo ako lang. Ayoko ng may kasama haha! Ikaw may kasama ka?"
"Oo kasama ko kung blockmate ko"
"Ah ganun ba? Osige maiwan na kita ah, Mamimili pa ako"
"Sige ingat. Kita nalang pag may oras" sagot niya at saka ako nagpaalam
John's POV
After umalis ni Zach naghanap na ako ng mga drawing pad. Habang nag iikot ikot ako dito ay dumating naman si Serene
"Oh tagal mo naman mag Cr! Jumebs ka ba girl?!" tanong ko
"Gaga hindi, Ano pwede umalis na tayo dito ang sama kasi ng pakiramdam ko" sabi niya at mukha din siyang balisa
"Ha?! Agad agad?"
"Sige na please ang sama talaga ng pakiramdam ko e"
"Sige na nga, pero babayaran ko na muna 'to"
At binayaran ko na yung binili ko.
"Teka girl, ihahatid na kita pauwi"
"Ah sige salamat"
"Ano bang nangyayari sayo? Okay lang ba talaga?" tanong ko
"Okay lang naman medyo masama lang talaga yung pakiramdam ko e"
After 30 minutes nakarating na kami sa condo ni Serene
"Salamat Bakla, ingat ka"
"Ingat ka din, Paki-Hi na din ako sa pogi mong anak" at umalis na ako
Serene's POV
Grabe nakita ko si Zach kanina. Mabuti nalang at mabilis ang lakad ko at hindi niya ako nakita.
Eto na yung kinakatakot ko pano kung magkita kami ulit at nakita din niya si Flynn baka kuhain niya sakin yung anak ko. At ayokong mangyari yun
"Mommy are you okay?" tanong ng anak ko sabay halik sa pisngi
"Yes baby okay lang si Mommy"
"Ah Iha uwi na ako sa Mommy mo ah. May niluto na akong pagkain para sa inyo" paalam sakin ni Aling Minda
"Sige po Aling Minda salamat po ulit"
At umalis na si Aling Minda.
"How are you today baby?"
"I'm okay mommy, Nagplay lang ako ng toys ko po" kwento niya
"Did you eat already?" I asked him
"Not yet mommy, Nihihintay po kasi kita para sabay tayo"
Ang sweet talaga ng anak ko
"Okay sige kain na tayo baby" pumunta kami ng dining area at kumain na. Syempre sinusubuan ko siya bata pa e
After namin kumain, pinaliguan ko siya, bihisan at saka pumasok sa kwarto namin.
Nanuod muna kami ng Cartoons para makatulog na siya.
"Mommy, can we go to the mall tomorrow?"
"Of course baby, may ipapabili ka ba kay mommy?" tanong ko sa kanya
"Wala po, Gusto ko lang magdate tayo mommy" aww ang sweet ng baby ko
"Sige, Magdadate tayo bukas anak" sabi ko sa kanya
"Yehey!! Thank you mommy, you're the best! I love you!!" sabi niya sabay kiss sa akin
"I love you too baby! Sleep ka na para maaga tayo aalis tomorrow, We'll go to Church then mall na after nun okay?"
"Yes mommy, Good Night!"
Niyakap ko na si Flynn at tinapik tapik siya. At sa wakas nakatulog na din siya
Since medyo maaga pa at hindi pa ako dinadalaw ng antok, Pumunta ako sa Cabinet ko at kinuha yung box
Nasa box na ito yung mga alaala naming dalawa ni Zach.
Yung mga love letters niya
..Flowers na binigay niya dati
..Yung couple ring namin
..Yung pregnancy test ko
..At yung mga pictures naming masasaya.
Bumalik lahat ng memories na pinagsamahan naming dalawa.
Inaamin kahit papano mahal ko pa rin talaga siya.
Kung hindi siguro niya ako tinakbuhan tiyak masayang pamilya kami ngayon
Hayy grabe todo iyak na naman ako dahil sa mga naalala ko
Sinara ko na yung box at bumalik na ako sa kama at niyakap ulit si Flynn at natulog na.
BINABASA MO ANG
Too Young
ChickLitSerene, A girl who got pregnant at a very young age. Iniwan siya ng nakabuntis sa kanya at mag-isa niyang pinapalaki ang kanyang anak. Sa panahon ngayon naiisip niya kung meron pa bang lalaki na kayang tanggapin ang nangyari sa nakaraan niya? Credi...