Zach's POV
Andito na kami sa ********** Restaurant. Pinaorder ko na din sila Serene at John. Pagkatapos pala ng photoshoot ni John ay dumiretso na siya dito.
Hindi ko alam kung anong meron pero wala na akong nararamdamang tension sa pagitan naming lahat
Mukhang nakamove on na nga silang lahat sa nangyari
"Zach, ano ba yung sasabihin mo?" tanong ni Serene habang si John naman ay nakatingin lang at hinihintay akong magsalita
"Serene, alam ko na ang lahat. Gusto ko sanang humingi ng tawad. Sorry sa pananakit na ginawa ko noon. Physically at Emotionally"
"Kalimutan mo na lahat ng yun. Kinalimutan na namin yun at matagal na kitang pinatawad" sabi ni Serene
"Salamat. Sorry din sa mga nagawa ni Kirsten. Nung mga panahong magkasama pa tayo may gamot siyang pinapainom sakin. Akala ko pampakalma lang yun at pampawala ng memorya tungkol sa nangyari sa mga magulang ko noon. Hindi ko alam na drugs na pala yung pinapainom niya sakin. Pasensya na kung nawala ako sa sarili ko noon, kung nasaktan kita. May psychological problem din si Kirsten kaya niya nagawa yun" kwento ko at tahimik lang silang nakikinig sakin
"Pinatawad na kita Zach. Kilala mo ako, hindi nagtatagal ang galit ko para sa isang tao kahit gaano pa kabigat ang nagawa mo o ninyo napatawad pa din kita. Pero anong nangyari kay Kirsten?" tanong niya
"Hiwalay na kami. Dadalhin na sana namin siya ng magulang niya sa Doctor pero huli na kami. Nagpakamatay siya." kita ko ang gulat sa mga mukha nila
"H-ha?!" sabay na sabi ni Serene at John
"Oo nagpakamatay siya. Kasalanan ko yun, pinilit ko siyang pirmahan ang annulment paper pero ayaw niya talaga. Kaya naman umalis nalang ako, iniwan ko na siya. Hindi naman pumasok sa isip ko na babalakin niyang magpakamatay e"
"I'm sorry Zach" sabi ni John
"You don't have to say sorry pare, kasalanan ko lahat kung bakit nangyayaro 'to sakin. Maling desisyon ang pinili ko" explain ko
"Nangyari na ang nangyari. Kailangan tanggapin nalang natin yun" John
"I want Serene and Flynn back sana pero mukhang masaya na talaga kayo. Pero sana hayaan niyo pa din akong maging ama kay Flynn?" pakiusap ko sa kanila
"Salamat pare at naiintindihan mo ang sitwasyon ngayon. Salamat at hindi mo na tinangkang guluhin pa ang meron kami ni Serene ngayon" John
"I'll let you be a father to him. Ikaw pa rin ang ama niya kaya hindi ko pwedeng ipagkait sayo yun. Kakausapin ko muna si Flynn tungkol dito. I'll explain to him everything" Serene
"Salamat sa inyong dalawa. Alam kong masaya na kayo sa piling ng isa't isa kaya hindi ko na binalak agawin si Serene sayo John. Salamat sa pag aaruga sa mag ina ko. Salamat kasi andyan ka sa tabi nila habang ako nagpapakagago"
"Pare, okay na. Pinatawad ka na namin. Sana patawarin mo na din ang sarili mo. Set yourself free from guilt. Wala kang kasalanan. Nabulag ka lang noon kaya mo nagawa sa mag ina mo yun." sabi ni John
"Salamat talaga sa inyong dalawa" at natahimik lang ako
"Pare, pwede bang best man kita?" basag ni John sa katahimikan
"Masakit man pero sige pare papayag ako. Pambawi ko na din sa mga nagawa ko" sabi ko sa kanya
"Ayos. Best Friends ulit?" sabay abot ni John ng kamay niya
"Brothers" sabi ko naman. Kita ko ang tuwa sa ngiti nilang lahat. Nasasaktan pa din ako pero kailangan kong tanggapin na ito ang pinili kong daan. Ako ang may kasalanan kung bakit nagkaganito ang buhay ko.
Tama nga sila, nasa huli ang pagsisisi. All I have to do is accept what happened at ituloy ang buhay ko.
Serene's POV
Nagulat ako sa mga sinabi ni Zach. Hindi ko alam na ganun na pala ang naranasan niya. Kung mas maaga sana naming nalaman malamang si Zach ang makakasama ko habang buhay. Pero hindi e. Eto yung tinadhana para saming dalawa. Naka move on na ako at si John ba ang mahal ko ngayon at sigurado na ako sa kanya.
BINABASA MO ANG
Too Young
ChickLitSerene, A girl who got pregnant at a very young age. Iniwan siya ng nakabuntis sa kanya at mag-isa niyang pinapalaki ang kanyang anak. Sa panahon ngayon naiisip niya kung meron pa bang lalaki na kayang tanggapin ang nangyari sa nakaraan niya? Credi...