Kabanata Tatlo
It Takes Two
"ISABELLE."
Mariing ipinikit ni Kimberly ang kanyang mga mata. Inalala niya ang unang beses na nakita niyang gumalaw sa dance floor ang binata. Freshmen Orientation Day sa Northmeade University. First year pa lamang sila noon. Sumayaw ito kasama ng Dance Royale ng isang hip-hop dance. Noon pa lamang ay napahanga na siya nito. Ngunit agad ding binawi ang paghangang iyon nang malaman ang ugali nito.
"I trust you. Do you trust me?"
"Yes," pikit-mata niyang sagot. To her surprise, sinsero ang sagot na iyon.
"Good." Matapos niyon ay nagpalit na siya ng damit. Panay ang kuwestiyon ni Kimberly sa sarili habang tinitingnan ang repleksiyon sa salamin. Ano bang sumapi sa kanya at nagawa niyang sakyan ang kalokohan ni Yvaniel? Hindi niya lubos akalain na magagawa niya iyon.
Pinasadahan niya ng tingin ang sarili, bumagay sa maputi niyang balat ang kulay pula, kumikinang pa iyon lalo na kapag natatamaan ng ilaw. Huminga siya nang malalim. Kailangan nilang magtagumpay. Kapag pumalpak sila ay hindi niya mapapatawad ang sarili.
Isa muling pasada sa salamin at kaunting suklay sa buhok gamit ang mga daliri ay lumabas na siya ng dressing room.
Nanginginig pa ang kanyang mga tuhod nang bumalik siya sa studio.
"Bagay talaga sa iyo ang damit na iyan, K," bati ni Rhian.
Binalingan niya ang guro. Mapaghamon pa rin ang mga mata nito. Isang maling hakbang lang at siguradong lagot sila.
Nang tingnan niya si Yvaniel ay nakapagpalit na rin ito ng costume, bumagay dito ang suot na tail coat.
Nakatali ang mahaba nitong buhok. Wala sa sariling ngumiti siya habang umiiling nang kindatan siya nito. Puro kalokohan talaga.
Mabilis niyang pinalamig ang ekspresiyon nang mabatid na nakangiti siya.
"I don't know what gave you the guts to do this, De Castro. Just be sure that you won't make any mistake or else...."
Hindi pinansin ni Yvaniel ang nanlilisik na tingin ni Sir Velasco. Bagkus ay nagpatugtog ito kaagad ng kanta. Suminghap si Kimberly nang marinig ang instrumental na version ang isang popular na tugtog na madalas ay ginagamit sa mga intimate na sayaw.
Halos manindig ang lahat ng kanyang balahibo nang humakbang si Yvaniel patungo sa kanya. Hindi maipaliwanag ni Kimberly ang malakas na pintig ng kanyang dibdib. Dahil ba iyon sa seryosong-seryosong ekspresiyon ng binata na maski na katiting na bakas ng pagiging loko-loko nito ay hindi niya makita? O dahil sa malalim nitong mga mata na diretsong nakatingin lamang sa kanya? Balak pa yata nitong lunurin siya sa mga titig na iyon.
Habang umiiksi ang distansiya ay lalong bumibilis ang tibok ng kanyang puso sa hindi niya malamang dahilan.
"May I have this dance with you?" Malalim at mababa ang timbre ng boses ni Yvaniel. Inilahad nito ang kanang kamay. "Shall we?" Pormal nitong tanong. Gumapang ang milyon-milyong boltahe sa kanyang balat nang tanggapin niya ang kamay nito. Naglalagitikan ang kuryente nang maghugpong ang kanilang mga daliri. Pinigil niya ang hininga... hindi maaaring malaman ni Yvaniel ang reaksiyon ng kanyang dibdib.
Nanlaki ang kanyang mga mata nang bulungan siya nito. "Relax, Future Wife."
Narinig ba nito ang pagwawala ng kanyang dibdib?
Hinayaan na lang niya na tangayin siya nito. Hindi na niya namalayan na narating na pala nila ang gitna. Masiyado siyang abala sa pagpigil sa nagwawala niyang dibdib.
BINABASA MO ANG
A Dance to Forever (Complete)
Kurzgeschichten"I'm really serious, Miss. I'm pretty sure you look like her, bakit ba ayaw mong maniwala?" Malalim ang timbre ng boses ng lalaking nakita ni Kimberly sa hallway. Halos kilabutan siya sa narinig. Ngunit nilabanan niya ang kilabot na iyon. Muli niyan...