Wakas
"Congratulations, Ms. Torres, for a job well done."
"Thank you, Sir," ani Kimberly at tinanggap ang inilahad na kamay ni Mr. Valderama, ang presidente ng Majesty. Matapos makipagkamay ay iniwan na siya nito upang harapin ang ibang bisita.
Muli siyang umupo. Inalog-alog na lamang niya ang hawak na baso at pinanood ang pagsayaw ng pulang likido sa loob niyon. Mag-isa lamang siya sa mesa. Kanina ay kasama niya sina Lucca at Avi ngunit ngayon ay abala ang mga ito sa kanya-kanyang kausap. Nagpakawala siya ng buntong-hininga. Siya lamang yata ang walang balak na makipag-usap sa kahit na sino.
After-party para sa launching ng bagong shoe line ng Majesty... imbes na magsaya dahil successful ang project ay tila binagsakan si Kimberly ng langit.
"It's sad that he didn't make it today."
"Yvaniel is a very busy man."
Nangunot ang noo ni Kimberly nang marinig ang palitan ng salita sa kabilang mesa.
"We're really thankful that he agreed to work with us. He surely had greater offers in US yet he chose Majesty."
Umiling si Kimberly. Alam niya na siya ang dahilan kung bakit pinili ni Yvaniel ang Majesty. Sinarili na lamang niya ang impormasiyon.
Sa ilang linggong nakatrabaho niya si Yvaniel ay pinilit niyang kumilos ng kaswal. Everything was purely business.
Ngunit, maraming pagkakataon na sumagi sa isip niya na sana ay tulad pa rin sila ng dati, na kamay pa rin niya ang hawak ng binata at siya pa rin ang inikot-ikot nito sa stage.
Maraming beses na hiniling niya na sana ay hindi na lang umalis si Yvaniel... baka masaya pa rin sila ngayon, baka hindi siya nasaktan nang paulit-ulit. But those were just wishful thinkings. Kailangan niyang harapin ang reyalidad— hindi na niya mababago ang mga nangyari na.
Nang matapos ang commercial shoot para sa campaign at bumalik na sa US si Yvaniel ay palaging hanap hanap niya ang presensiya nito... ang bawat pangungulit at pagpapapansin ng binata para lamang makausap siya at ang bawat pagsusungit niya upang tumigil na ito. But he didn't stop until the last day of the project and he needed to go. There were no calls and annoying messages after, he just simply left.
Gusto niyang pagsisihan ang ginawang pagtataray pero hindi niya magawa. Pinoprotektahan lamang niya ang kanyang puso mula sa kapahamakan— ayaw na niyang sumugal at mawasak muli.
Pero nang mawala na ito sa kanyang landas ay lalo yata siyang nasaktan. Hindi ba't iyon naman ang hiniling niya... ang mawala ito sa buhay niya? But why did it hurt more than the first time he was gone?
Napakabagal ng pagdaan ng oras nang sumunod na linggo. Natatagpuan na lamang niya ang sarili na nakatanga lamang sa harap ng laptop at hindi magawa ang trabaho.
She only ended up thinking of what ifs and what could have beens. Paano kung sumugal siya sa ikalawang pagkakataon? Paano kung hindi siya nagmatigas?
"Halika, sayaw tayo," ani Lucca nang puntahan siya nito.
Umiling lamang si Kimberly. Wala talaga siyang gana. Mayamaya pa ay lumapit na rin si Avi at ito naman ang pumilit sa kanya ngunit nanatiling hindi ang kanyang sagot.
Pinanood na lamang niya ang dagat ng mga taong tumungo sa makeshift dance floor at masiglang umindayog sa saliw ng tugtog. If she was still the old Kimberly Isabelle, she's probably on the floor and dancing to her heart's content... but she's no longer the Dancing Queen.
BINABASA MO ANG
A Dance to Forever (Complete)
Kurzgeschichten"I'm really serious, Miss. I'm pretty sure you look like her, bakit ba ayaw mong maniwala?" Malalim ang timbre ng boses ng lalaking nakita ni Kimberly sa hallway. Halos kilabutan siya sa narinig. Ngunit nilabanan niya ang kilabot na iyon. Muli niyan...