Sixth chapter

32 3 15
                                    

Yasmin

I can sense na si Jayson ang makakatulong kay Aica makamove on. I can see na nags-shine yung mata ni Aica kapag ngumingiti si Jayson. Alam ko din na hindi pa fully moved on si Aica kay may lima pa kaming steps para sakanya. Natutuwa nga ako at nakakangiti na siya, siguro napagod na kaka-asa. Sometimes holding on does more damage than letting go.

#6 make the most of every day

"I-enjoy mo lang ang buhay Aica. Hindi yung puro ka Monster. Mag-leave ka muna sa work mo for 1 week. May mini vacation tayo with Jayson."

Biglang nanlaki ang mata niya sa sinabi ko. HA! May Jayson kasi... Hahaha.

"Umm...sige... Baka makalimot na din ako, teka...di ba 1 linggo ka lang dito? 2 days na ah.. 5 nalang aalis ka na."

"Edi 5 days leave." Sabi ko na pabirong taray.

Bigla niya akong nginitian at uminom ng coffee. Nasa Mcdo kami ngayon, nagb-breakfast. Bigla nalang siyang nagsenti at tumingin sa bintana. Ang ganda ni Aica sa totoo lang. Bigla na lang siyang lumingon saakin.

"Bakit?"

"Si Ma..Monster. Papasok dito."

"So? Get over it. Wag ka magpadala. Show him that you're strong and confident. Yung nakapagmove on na. Hindi niya pwedeng malaman na hindi pa dahil madami iyan pwedeng gawin sayo. Like lokohin ka ulit."

Bigla kong nakita si Jayson papalapit sa table namin. Sinenyasan niya ako na wag maingay. Bigla niyang tinakpan ang mata ni Aica.

"Marc!?" Sigaw ni Aica.

Parehas kaming nagulat ni Jayson. Bigla niyang tinanggal ang kamay niya.

"Ay, sorry ikaw pala iyan Jayson."

"Ano ba Aica?! Magmove on ka nga! Puro nalang Marc ang laman ng bibig mo! Siya lang ba ang umiikot sa mundo mo? KALIMUTAN MO NA YANG LALAKING YAN PWEDE BA?!" Sigaw ko sakanya.

Grabe nawala nalang ako bigla sa sarili ko. Tumayo ako sa table tsaka nagwalk out. Bigla siyang natulala sa sinabi ko. Nasabi ko lang naman iyun dahil may pake ako sakanya. Kasi nagmomove na siya pero puro Marc ang laman ng isip. Paano magwowork out kung ganun. Umupo ako sa labas nang Mcdo. Naiyak nalang akong bigla. I phoned my boyfriend.

"Ralph?"

"Oh bakit ka umiiyak?"

"Nahihirapan na kasi ako sa sitwasyon niya. Mahal niya pa kasi yung lalaki nanloko lang sakanya. Nasigawan ko pa siya. Dapat inintindi ko nalang kasi. Nawala na din ako sa sarili ko eh."

"Every person has limits, kaya okay lang mailabas mo ang saloobin mo. Actually tama nga ang ginawa mo."

"What? Paanong tama?"

"Kasi marerealize ni Aica na tama ang mga sinabi mo. She will move on."

"Paano kung hindi?"

"Do you want me to help? I could help you to let her move on."

"Lalaki ka nga... Baka alam mo nga naman ang mga paraan."

"Sige bye muna baby ko. Text ko nalang kung kelan ako pupunta diyan."

"Bye."

Sumilip ako at nakita ko na kinakausap ni Jayson si Aica. Napaupo nalang ako. Maayos din ang lahat, tiwala lang.

"Yasmin?"

Napalingon ako kung sino ang tumawag, si Marc. Sinamaan ko ang tingin ko sakanya.

"Galit ka din sakin dahil sa mga ginawa ko kay Aica right?"

AicaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon