Fifth chapter

28 1 3
                                    

OPERATION: move on

Aica

Habang andito pa si Yasmin, tutulungan niya ako magmove on. Yung fully move on talaga. Nagawa na namin ito nung college, tinatry niya na ipair up ako sa iba pero wala... Siya pa rin. I'm always trying. May ibang sumubok na manligaw sakin kaso wala... Masungit ako, hindi rin nagpapaligaw. Ayaw ko kasing magmove on...noon. Kaya ngaun nagiging pursigido ako. Ako na mismo ang nagsasabi sa sarili ko. Pagod ka na, move on na.

Hahayaan ko na ang isip ko ang maglead, hindi puso.

It hurts to let go, but it hurts more to hold on.

Hindi na ako aasa. Papabayaan ko na siya sumaya. Hindi ko na aalamin ang buong storya niya dahil may mga bagay na hindi mo na dapat malaman para hindi ka masaktan.

Sinabi sakin ni Yas na meron daw siyang mga binasa na pang move on na libro. Itatatry daw namin lahat ng nakita niya.

#1 throw away all the memories.

She told me, never go to our hang out places. Discover something new, be happy. We went to parks like Star City, malls and museums. Naglibang-libang kami. Making me forget. She know I kept our memories in a notebook. Ayokong itapon niya iyun... hinalungkat niya talaga ang buong apartment ko at hinanap ang scrapbook na iyun. Yes, hanggang ngayon, tinatago ko pa rin yun. Minsan trip ko basahin...tas..maiiyak ako. Baliw lang di ba? Nahanap niya, I was about to get it back pero pinigilan ko ang sarili ko. I need to let go. Tinago niya yun sa bag niya. I don't know for what reason. May nakita pa siyang album ko ng pictures namin. Nakayuko lang ako habang nilalagay niya lahat ng pictures sa plastic bag. Naluluha ako, hirap tanggapin na mawawala na siya ng tuluyan. Pero...tatangapin ko na.

"Aca! Tignan mo! Hindi pwedeng iwasan mo nalang lahat ng ito."

Pinagdudusa niya ako. Pumunit siya ng mga solo pics ni Marc nung high school. Masakit, sobra.

Ang hirap talaga magpaalam sa taong ayaw mong pakawalan, pero wala eh, kailangan. Accept the reality, sabi nga sakin ni Yas.

Lahat ng iyun tinapon niya. Walang natira. Pati mga binigay niyang mga bracelet at necklace na mahal, tinapon na...hindi pala...sinanla ni Yas. Ang hirap nun, favorite ko pa suotin ang mga iyun. Sinama niya pa ang sim card at cellphone ko nung high school. Nokia lang naman yun, okay lang. Lahat ng messages, wala na.

"Tanggapin mong tapos na para makamove on ka na!" Pagsesermon sakin ni Yas, nanay lang ang peg.

"Aica, holding on does more damage than letting go." Sunod niya pa. Habang nilalagay ang mga bigay at memories namin ni Marc.

Nakatayo lang ako pinupunasan yung luha ko. Sabi ko sa sarili ko, tanggapin mo na...hindi kayo para sa isa't isa.

"Meron pa ba?" Tumingin ako sa buong apartment at closet. Wow. Malinis. Tumango na lang ako bilang sagot.

"Good." Matipid niyang sagot habang pinunasan ang pawis niya.

"S-saan mo ilalagay ang mga iyan?"

"You care Aica? None of your business. Probably itatapon ko nalang or susunugin."

Nanlaki ang mata ko. Yan yung mga efforts ko para sakanya at efforts niya para saakin. Tapon nalang agad? Hirap nga magmove on..pero kung gusto may paraan kung ayaw may dahilan.

AicaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon