First chapter.

49 3 2
                                    

Regular na araw nanaman ito para saakin. Gigising ako ng 6:30am para magluto ng aking almusal. Pagkatapos magluto at kumain ay maliligo at magbibihis para makapasok ako sa trabaho. Sumakay ako ng jeep at pumara sa Gem's bookstore. Nagsimula na ako sa pag aayos ng mga libro sa kanilang lagayan. Habang nagaayos may isang kasing edad ko na lalaki ang lumapit sakin.

"Miss, magkano po ba yung mga teen fiction na libro dito?"

"Makikita niyo po yun sa likod ng libro." Seryoso kong sinabi.

"Ah, salamat miss... Mas maganda ka kung nakangiti at wag masungit." ngiti nung lalaki atsaka naglakad palayo. Ganyan naman ang mga lalaki eh mga mambobola.
Sabagay gusto lang naman kasi muna nila yung itsura, hindi pa nga kilala yung tao liligawan na at mahal na? Ganun ba yun? Paano kung nagbait baitan lang pala siya? Hihiwalayan mo na pagnalaman mo na. Ganyan kasi sila eh. Dapat kinikilala muna, kaya nga may stage of knowing each other. Dun mo malalaman kung liligawan mo o hindi. Kaso minsan pag kayo na bigla mo nalang pagsasawaan. Paglalaruan mo lang pala ang babae pagkatapos ka seryosohin, saya ba?

Lumipat ako sa magazine section para doon naman mag-ayos. Nakatungo akong nag-aayos nang biglang may bumanga sakin.

"Ay, sorry miss..... Aica?"

I regret this day seeing Him again.

"O-ok lang..." Atsaka ako lumakad palayo. Ang weak ko kasi. Nakita ko lang siya parang gusto ko umiyak pero gusto ko ipakita na matatag ako.

-Flashback-

14 years old
June 8
First time ko nakilala ni Marcus Jun Reyes. Varsity ng basketball team namin sa high school. Lagi akong nanonood ng basketball game namin dahil sakanya. Siya ang first crush ko. Hangang hanga ako sakanya. Matangkad, mestizo, maputi, killer smile, gwapo at lahat nasakanya na. Dream guy ng bawat isang babae. Medyo tanga din ako eh. Bakit sa heartthrob pa malamang madaming kaagaw. Madalas sila pa yung manloloko at chickboy di ba? Pero wala eh naging crush ko sa hindi ko mapaliwanag na pagkakataon.

15 years old
July 15

Naging classmates at seatmates kami at yun ang happiest day ko. Araw araw ako pumapasok na nakangiti na abot langit. Friendly din pala siya kaya naging friends kami. Araw araw niya pa ako sinasabihang 'ganda' at ako ito umaasa na may gusto siya sakin dahil dun. Lagi niya ako inaaya na sabay kumain ng lunch. Kaya napagkakamalan pang kami! Kaya sobrang saya ko! Hanggang tumagal naging mag "best friends" kami. Ako na yata ang pinakamasaya babae at naging best friend ko ang matagal ko nang crush... Pero habang tumagal, hindi ko na siya naging 'crush' kasi narealize ko na.. Mahal ko na siya. Masakit nga lang dahil ako ay hamak na 'best friend' lang niya.

Jan 17
Nagtapat siya sakin na gusto niya ako simula noon pa. Ako ito assumera tuwang tuwa! Umamin din ako sakanya pagkatapos natawa pa siya. Parang joke lang yung sinabi ko pero seryoso ako. Di ako makapaniwala na magkakagusto ang tulad niya saakin. Sa dami dami ng magagandang babae ay ako pa! The next day hinatid niya ako sa bahay atsaka tinanong ang pinakahihintay ko... "pwede ba manligaw?"

March 23
Last day of school na at halos 1 month na siya nanliligaw. Finally sinagot ko siyempre baka maagaw pa siya sakin di ba? Sinabi niya na "iyon daw ang pinakamasaya niyang araw sa buong buhay niya! HINDI niya daw ako IIWAN..." Ito ako assume pa naniwala sa lahat ng sinabi niya. MAHAL NIYA DAW AKO, Ako ang mundo niya etc. mga matatamis niyang salita, pati na ang sandamakmak na pangakong binitawan niya. Sinabihan niya ako na "years tayo ah? Promise" "promise forever!" pero ang lahat biglang nawala...

16 years old
February 28
Pinakamasakit na araw ng buong buhay ko nang sinabi niya na
"Aica, sorry pero break na tayo, sawa na ako sayo! Magbabago na ako, ayoko na mangaliwa magiging loyal na ako sa GF ko kaya sorry pero pinaglaruan lang kita... Hindi talaga kita minahal Aica. Maganda ka lang kaya nagpagtripan ko kung mapapasagot kita pero di talaga kita type. May babae na tunay na nagpapasaya sakin at hindi ikaw yun. Hindi ikaw yung perfect girl para sakin. Iiwan nalang sana kita ng di ko ito sinasabi sayo kaso masyado naman masakit yun... Kaya SORRY Aica"

Dahan-dahan na tumulo ang aking luha. Parang dinurog ang puso ko sa maliliit na piraso. Onti onti akong lumayo. Walang imik. Speechless ako. Masakit. Hindi ko inakala na ganto pala ako katanga na umasa sa tulad niya. Ganto pala umibig, Ayoko na.

-present-
Unti unti akong naluluha. Bakit niya ba nagawa iyon saakin? Nagseryoso naman ako pero niloko niya lang ako. Minahal ko siya pero hindi niya ako minahal. Hindi ko alam kung paano magmove on kasi hanggang ngayon mahal ko pa rin siya. Alam kong dapat hindi na pero ayun pa rin ang nararamdaman ko.

AicaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon