Eleventh part

3 0 0
                                    

Jayson

Nakarating na kami sa rest house. Bukas na pala aalis si Yasmin at ihahatid siya ni Ralph so it means kaming dalawa ni Aica ang babalik sa Manila.

SOBRANG SAYA KO PO NGAYON!!!!

Nakamove on na siya! Akalain mo yun??

Ako pa talaga yung nakatulong sakanyaaaa! Tapos hinawakan niya yung kamay ko..JUSKO! Nakuryente na ata ako sa saya.

Gabi na...umuwi na kami at nagstart ng campfire.

"Wait lang guys, gagawin kong milkshake itong mga strawberries." Sabi ni Aica pagkalapag niya ng bag niya.

"May ice ba tayo and milk?" Tanong ni Yasmin.

"Ako na lang bibili." Sabi ko.

"Sige jay, pakibili nalang din ng whip cream. Ito money oh" sabay abot ni Aica.

"Nako wag na libre ko na ito sainyong lahat." Sabi ko naman.

"Ikaw na nga nagpagas ng sasakyan mo eh.." Sagot ni Aica.

"Di ako makalaban sayo. Cute mo e." Tapos bigla siyang namula.

"Wag ka muna kiligin kakulay mo yung strawberry."

"Shattap jay! Lumabas ka na nga." Sabay tawa niya.

Lumabas ako para bumili ng kailangan para sa milkshake. Bumili na din ako ng marshmallow para sa campfire. Pati na rin ng hotdogs. Habang nakapila ako sa counter, biglang may sumigaw sa labas. Kita kasi ako e, well pogi e.

"Jay?!"

Di ko makita kung sino yun basta alam ko babae. Pumasok siya sa grocery at dun ko nalaman na si... Rose (pic) pala.... Yung babaeng pinaasa lang ako at iniwan sa ere

"Oh hey!" Sabay ngiti kong malaki at fake.

Bigla niya akong niyakap at ako? hehe, Tinulak ko :P mahina lang! May respeto pa rin ako sa babae.

"Jayson, I'm sorry..."

"Wait, mamaya na magbabayad pa ako eh, matutunaw yung yelo oh."

Maganda pa rin siya ha at mukhang model but I don't care, isang babae na lang tinitibok ng puso ko.

Sinamahan niya ako sa labas.

"Long time no see, Rose!" Sabay ngiti ko ulit.

"Long time no see Jayson...bakit ka andito? Kamusta na?"

"Umm I'm with my new friends. Nagdecide kami na pumasyal dito sa Baguio. I'm very happy and okay! Eh ikaw?"

"Well, nagmomodel ako ngayon dito sa Baguio. Actually breaktime muna ako and nagrerelax dito sa Baguio."

"Oh, that's good. So how are you with your husband?"

"Husband?"

"Oo. Narinig ko yan 1 year ago. Di mo man lang ako inimbita sa kasal niyo" sabay ngiti ko sakanya.

"Ohh, si Aaron. Yea na-engaged kami but I broke up with him bago kami ikasal."

Nanlaki ang mata ko sa narinig ko sakanya. Like WHAT!? Paasa kahit kelan.

"Why?" Tanong ko.

"I have a lot of reasons kung bakit. And Jayson..."

Hinawakan niya yung kamay ko at hinila ako para magharapan kami.

AicaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon