Eighth part

14 1 13
                                    

???

Nasaan na kaya siya? Sana mahanap na kita. Kamusta ka na kaya Aica? Namimiss na kita...sana naalala mo pa ako. Ano na kaya ang itsura niya? 13 years din eh. Uuwi na din ako from Australia, hahanapin ko muna siya pagkauwi ko. I really miss her. I wonder what she looks like now. Sigurado, sobrang ganda niya. One day, Aica...magkikita din tayo muli.

Marc

Hmm. Saan kaya siya tumutuloy ngayon? Wala na akong alam tungkol sa mga pinagagawa niya eh. Hirap naman kasi eh. Ako na nga yung kandahirap hirap tapos sa huli ako pa ang minalas.

Sayang lahat nh effort, wala eh nagassume kaya ayan nga naman talaga ang mangyayari.

Pagnagmove on naman ako...sayang ang lahat ng sakripisyo at paghahanap ko sakanya. Sobrang nalilito ako sa gagawin ko....should I give up or not?

Sabi sakin ng mga kaibigan ko na sumusuporta sakin na...

"Pre, let go na...matagal na yan ah."

"Madaming naman babae diyan, bakit ba gustong gusto mo yang Aica na yan?"

"Wag mo na siya hanapin, pag hinanap mo lalo mong hindi mahahanap, bahala ka."

Lahat ng pinagsasabi nila, wala akong pinakinggan. Ayoko sumuko kasi naniniwala ako na mapapatawad niya ako at magsimula muli kami. Mahal ko siya at narealize ko lang iyon nung nawala na siya. Bakit ba nalalaman mo ang halaga ng isang bagay kapag nawala ito?

Sabi ng iba, simple lang...you can't lose something you never had.

Sana di ko nalang siya pinakawalan.

Sana di ko nalang tinanggap yung alok.

Sana di nalang ito nangyari.

Sana pinaglaban ko nalang siya noon.

Sana bumalik ako sa panahon na masaya kami.

Sana nasa mga braso ko siya.

Sana panaginip lang ang lahat.

Sana kahit maging friends lang ulit kami.

Sana...sana..sana.

Puro nalang sana ang buhay...mga sana na napakalabong mangyari. Kaya sa huli, aasa ka sa SANA.

----

"Marc?"

"Hmm? Yes ma?"

"Umiinom ka nanaman?"

"Shots lang toh ma."

"Nako, anak..lagi ka na lang may problema. Nandito lang ako nakikinig sayo. Nanay mo ako, feel free to tell your problems to me."

"Ma, pano ibalik ang dati?"

"Dati??...anak, kapag nangyari na ang isang bagay kahit gumawa ka pa nang time machine, mangyayari at mangyayari pa rin ito dahil ito ang itinadhana sa bagay na iyon."

Napaiyak ako sa sinabi ni mama, wala na ba talagang pwedeng mabago?

"Anak, ang pag-ibig hindi iniiyakan, pinaglalaban."

Napatingin ako kay mama at bigla siyang nahimatay.

"MAMA!!!!"

AicaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon