Nag-unat ako at bumangon. I mean, syempre bumangon muna ako bago nag-unat. Kulang nanaman sa tulog tong utak ko *facepalm*So tumayo na nga ako at tumingin sa paligid. WTF!! And when I say WTF, gulat talaga ako. Putek! Bakit di ko man lang namalayan na gabi na pala and mas worse, nasa rooftop pa ako ng school!?
Kinuha ko ang phone ko at binuksan.
7 missed calls
10 unread messages.
Ang sipag naman. Naiyak ako.
Pinindot ko ang inbox ko at binasa lahat ng text messages ni Moon. Oo, kay moon lahat -_-
Moon: Baklita! Where na you?
Moon: what's your condo ba para puntahan kita.
Moon: bakit kasi umuwi ka agad! Bakit ka nagcut ah!
Moon: baekhyun
Moon: BAKLA PUTA USO MAGREPLY!
Moon: kung wala kang load, puntahan mo nalang ako dito sa bahay para masiguradong safe ka
Moon: i'm so worried na....
Moon: mickey mouse clubhouse na pero wala ka parin sa bahay -_-
Moon: baekhyun, walang biruan to please
Moon: ..
Napatakip ako ng bibig. Omo! Pano kung tatawagan nya si Mommy or di kaya tumawag na sya mg pulis?! Oh my goodness.
Pumunta ako sa pintuan ng rooftop at kinatok yun. Pero ang shonga ko shet! Wala na palang tao -_- Bakit kasi pati pintuan ng rooftop, nilo-lock nila?
6:40 na at gabi na talaga! What if may mumu dito or di kaya, may aakyat ditong rapist tapos rereypin ang dyosa kong badeh! Huhu no way in hell!
Pumunta ulit ako sa dulo ng rooftop at nagselfie. Napabusangot ako nang wala akong makitang mukha.
Pero kahit ganun, pinost ko parin sa insta.
linerbaek_04 can someone please help me get out of here? I'm so scared like a bish. #savethegoddess
Tinago ko ang cellphone ko tsaka ko niyakap ang aking sarili.
What if tatalon nalang kaya ako? Or sisigaw? Or matutulog ako dito till morning?
I sighed and started to sing. Atleast singing makes me feel better.
While singing, nakarinig ako ng kaluskos galing sa likod ko. Pinikit ko ang mga mata ko at nilakasan ang boses ko.
"ALL OF ME LOVES ALL OF YOU!!!! MY TOES MY KNEES MY SHOULDER MY HEAD!!" Nanginginig ang buong katawan ko nang makarinig ako ng yapak ng mga paa. Humigpit ang paghawak ko sa railings ng rooftop habang kumakanta ng iba't ibang kanta.
Pero nung may humawak sa balikat ko ay di na ako nagdadalawang isip pang nilabas ang mga paa ko sa railings. Kumapit ako ng maigi para hindi ako mahulog ng tuluyan. Pakshit! Bye world.
"Wait! Wag!" Sigaw ng medyo pamilyar na boses hinawakan ang kamay ko na nasa railings. Nakapikit parin ako at walang balak na imulat ang mga mata ko. Pano kung isang duguang lalaki ang tutumbad sakin?!
"Bitawan mo ko!" Sigaw ko at sinampal ang kamay nya sa kamay ko, "AAAAAAAAHHHHHH!!!! CANNIBALLLLL!" sigaw ko.
Pakshit! Naalala ko ang pinanuod kong movie. Yung The Green Inferno.
*BOOGSH!*
------
"Th-thank you Chanyeol"
"Alagaan mo bestfriend mo ah"
"Salamat ulit. Sige, mauna ka na"
Dinilat ko ang mga mata ko at sinamaan si Moon ng tingin.
"Ano ba yan Baekhyun! Kakagising mo lang, iyan agad ang ibubungad mo sakin" sabi nya.
Umupo sa kama ko at kinuha ang tubig na nasa side table. Tiningnan ko si Moon na kanina pa nakangiti, "Moon" tawag ko.
"Yes?" Tanong nya habang kinanta pa ang sinabi nya.
"Ang saya natin ah" sabi ko habang nakingiti rin...
"Hihi, nga eh"
"Oh tapos? Di mo sasabihin sakin?" Bumalik ang mukha ko sa blangkong ekspresyon.
"Anong i-i-explain?" Tanong nya.
"Na si Chanyeol yung manliligaw na gusto mo" sabi ko. Lumaki lalo ang mga mata nya at binato ako ng unan.
"Anong pinagsasabi mo jan?! Hibang ka ba?? Hindi sya yun!" Sabi nya habang namumula pa.
"Kung hindi sya, edi sino?" Tanong ko.
Tumahimik sya habang hinihintay ko naman ang magiging sagot nya. Bumuntong hininga sya bago ako sinagot.
"Fine. Si Park Chun Yoo ang gusto ko" sabi nya.
"Okay, di ko kilala yan" sabi ko at humiga ulit sa kama.
"sya ang kapatid ni Chanyeol"
---
BINABASA MO ANG
My Bestfriend's Suitor (BoyxBoy)
FanfictionHindi kasalanan ni Baekhyun ang maging dyosa. Hindi nya rin kasalanan na nainlove sakanya ang isang manliligaw ng kaibigan nya. #DyosaProblems