MDT: Kevin to the rescue

9 2 0
                                    

"Pie catch!" abot sa akin ni Kevin ng C2.

"Thank you!" sabi ko. Sabay flying kiss niya at kindat.

*Desire's POV

Magaling na si kuya Dave. Nakakapag soccer na nga eh. Nang-aasar na rin.

About kay kuya Dayl naman. Nagstay siya dahil sa sinabi ni Mama. As if, andito siya pag nag celebrate ako ng 18th birthday ko. Sabi din niya, siya rin daw ang magsasabit ng medal ko pag graduation na namin.

May plano nga siyang isasama niya ako pagkatapos mag graduate sa New York. Nag agree naman si Papa. Habang si Mama naman, nagdedecision palang.

Masyado ng maraming nangyari. Ang haba ng ikikwento ko kung ikikwento ko pa. Aabutin tayo ng taon bago matapos.

CHOS! -∩__∩✌

Medyo nahihilo ako dahil sa...  basta! Maaga pa naman mga 10am. Eh, 10:30 ang end ng recess.

So, ito kasi yung nangyari...

.

__________FLASHBACK________

.

Naglalakad ako papuntang office dahil nautusan akong ilagay yung card ko sa table ni Ma'am Santiago.

Kasi naman nagbantay ako ng kapatid ng 1 week. Pero, okay lang naman daw 1st parin naman daw ako ng 3rd grading.

Ito na yung nangyari. Nakita ko si Kevin sa loob ng office nautusan rin siya noon. Kunwari hindi ko siya kilala nun at iwas na iwas yung mukha ko.

Then, kinausap niya ako.

"Hi Des" kamusta niya sa akin na nagmamadali naman akong umalis pero tumigil ako.

Hindi ko pa kasi siya pinapansin magmula dati kaya iwas kami sa isa't- isa. Sabi niya kasi sa akin binusted ko siya kaya nahihiya na ako dahil sa ginawa ni kuya Dave.

"Yes Kevin?" humarap ako at lumapit siya. Hinawakan niya yung kanang kamay ko at kinausap niya ako habang naglalakad kami.

"May kakantahin ako Des, makinig ka." sabi niya at binatawan ako.

"Okay, ready kana?" dagdag niya.

"Sige, kanta ka lang" utos ko sa kaniya. Hindi ko naman akalaing kakanta talaga siya sa harap pa talaga ng bintana ng 2nd year.

"Is it too late now to say SORRY... "

Kumakanta pa rin siya, habang ako naman nahihiya dahil pinagtitingnan kami ng mga 2nd Year.

"SORRY..."

Pilit ko siyang pinipigilang kumanta pero diretso-diretso siya.

"SORRY..."

At the end, tumigil na rin. Hinila ko na siya paalis at sinabihang..

"Ano bang problema mo?" kunot noo ko sa kaniya.

>o<

Ano bang tanong yan Desire. Mahiya ka naman sa ex-bff mo.

O_o he's face.

"SORRY TALAGA" sincere na sabi niya at naglakad mag-isa.

Dali-dali naman akong tumakbo pa punta sa kaniya at pinigilan ko siya. Hinawakan ko na rin yung left hand niya.

My DesTinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon