Twenty

1.8K 30 0
                                    

I'll tell you right now, I cried my eyeballs out until I finally got tired of crying. I think Veronica was standing next to me for an hour while Saira was slowly eating my moby away. 

Sigh.. Who could have thought that I was going to show these two girls this side of me?

"Siguro naman matagal-tagal na ang isang oras para iiyak mo yang hinanakit dyan sa puso mo, diba?" sarcastic na tanong ni Veronica.

"Owh hga. Ghabe kah umihak," ngumunguyang sang-ayon ni Saira kay Veronica.

Pinunasan ko ang pisngi ko. "Mas grabe ka. Manners nga Saira. D-don't talk with your mouth full. Haha," I sniffed.

"Bleh!" dumila siya sa'kin at sumubo ng moby.

Naramdaman kong hinipo ni Veronica ang buhok ko dahilan para malingon ako sa kanya habang nakangiti. It feels good to have people around you para malabas ang sakit na nararamdaman mo. Siguro 'eto yung hinihintay ko sa umpisa.

Yung magkaroon ng mga taong makakaintindi sa'kin at ipapaintindi sa'kin kung ano nga ba ang mga nangyayare. Kaysa umiiwas ako sa problemang 'di ko alam kung kailan ko malulutasan. Marahil dahil sa sanay akong andyan si Jaden pag nagiging ganito ako kaya umiwas ako nung umpisa.

"Wag mo ng isipin 'yon. Mawawala rin yang nararamdaman mo," sabi ni Veronica.

"Yeah. Salamat," nahiya kong sagot.

Nanatili kaming tahimik nila Saira ng ilang minuto hanggang sa basagin ni Saira ang katahimikan.

"Diba sinabi ni Veronica sasabihin namin sayo kung sino talaga kami?" tanong niya.

Tumango ako. Oo nga pala sinabi ni Veronica 'yon. Nakalimutan ko na sana kung 'di lang pinaalala ni Saira sa'kin.

"Pero kung hindi pwede, ayos na rin," I lowered my head down. "Kasi kung ano man ang nakaraan niyo, ayos lang naman sa'kin e. Ang importante nakikilala ko kayo kung sino kayo ngayon," nahiya kong sabi.


Saira's POV

Nagkatinginan kaming pareho ni Veronica sa isa't-isa ng sabihin ni Alethea 'yan. Hindi ko lang siguro iniexpect na papatawarin niya kami after telling her that we invaded her privacy. Ang pagaakala ko kasi, pagkatapos niyang mag open up samin e magiiba siya ng ugali. Ewan basta ganun.

Umalis si Veronica sa tabi ni Alethea at umupo sa dati niyang upuan. Tumango siya sa'kin kaya tumango na rin ako. At this point naman wala na rin akong matatago kay Alethea. Well, meron kaso sa ibang time ko na lang ipapaalam yung mga 'yon.

"My name is Veronica Montez, 20 years old. Isang hacker na magaling—yes, as in super."

Pinagdiinan talaga. Haha.

"Computers and digital gadgets are my friends simula ng bata pa ako. I don't know kung may iba akong kapatid, but wouldn't that be exciting if I did?" she smirked. "Both of my parents hated my guts. The hatred they both had against me are amazing that until now, it gives shivers to my spine. Well, ayun ang sinabi nila sa'kin," she shrugged. "Mahilig rin ako magluto ng kung anu-ano kaso nga lang nung mag isa pa akong nakatira dun sa condo ko, hindi ako masyadong nagluluto. Done."

Tahimik kaming pinagmasdan si Veronica. Bakit? Her smiles says she is okay, but her eyes screams hatred.

This is the first time I am witnessing this kind of expression from her kahit alam kong may iba pa akong chance na makita tong side na 'to.

Her Nightmare's HellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon