Thirty-Four: Laguna Part 1

1.5K 32 1
                                    




                  

How did I end up having to seat next to Zain? Iniiwasan na nga ang tao pero pilit parin kami pinagdidikit sa isa't-isa. Bwiset talaga.

Nakasakay kami ngayon sa bus papunta ng Laguna. Ang sabi ni Sergio pinapahiram daw talaga sa kanila 'tong bus 'to sa tuwing may company get-away sila. Pati ang ticket, na dapat umabot ng thousand, ay naging libre na rin. I don't know how that happened pero nakasave ng malaking bayarin ang kompanya.

Anyway, sa bawat upuan dito sa bus, lahat kami may seatmate. Kaso sadyang malas siguro ako dahil naging seatmate ko pa si Zain. Inutusan ko ngang makipagpalitan sa akin si Sergio pero ayaw niya. Mas gusto niya daw katabi si Sandra kaysa kay Zain.

Si Saira at Veronica naman, ayun, todo ang halakhak ng marinig nilang katabi ko si Zain. Nag request akong magpalit ang isa sa kanila sa akin kaso, katulad ni Sergio, gusto nilang maging seatmate ang isa't-isa.

"Anong nginingiti-ngiti mo dyan Mr. Kinston?" naiirita kong tanong. Kanina pa kasi nakangiti wagi e.

Umiling siya. "Nothing. I'm just excited," sambit neto.

"Whatever," sagot ko na lamang at sinandal ang ulo ko sa may bintana.

Pinikit ko ang mga mata ko. I will not talk to him the whole ride. Masasayang ang 1 hour and 37 minutes ko sa kanya. Mahabang oras rin 'yon na hindi ko na maibabalik pag sinayang ko pa sa kanya sa walang kwentang usapan.

Makatulog na nga lang. Ang aga-aga kasi ng call time namin para dito e. Halos mahulog pa ako sa kama ko kanina ng tawagan ako ni Saira. Lahat daw sila nasa labas ng terminal at ako na lang ang hinihintay. Nag madali tuloy ako ng wala sa oras.

Humikab ako ng medyo malakas at tuluyan ng nakatulog pa sa pagod.


Saira's POV

Pinagmamasdan ko ngayon si Zain at Alethea. Magkatabi silang nakaupo sa isa't-isa. Katabi ni Alethea ang bintana habang si Zain nasa kaliwa ni Alethea. Nakakatawa nga silang tignan ngayon e.

Kapansin-pansing naiirita si Alethea dahil katabi niya si Zain. Ang totoo niyan, ako talaga ang may pakana ng seating arrangement. Nung una magkakatabi dapat kaming tatlo, kaso nalate siya ng dating. So I changed it.

Sinabihan ko rin silang lahat na pag gustong magpalit ni Alethea ng upuan, e wag silang pumayag. Aayaw-ayaw pa nga si Elisa Jean ngunit nakuha siya sa tingin. Wala siyang say.

"Tuwang-tuwa ka na naman sa ginawa mo Saira," rinig ko kay Veronica.

"Naman! Sinong hindi matutuwa na panuorin ang dating mag kasintahan?" tuwang-tuwa kong sinabi.

"Si Elisa Jean," napasilip ako sa tinuro ni Veronica. "Kulang na lang kulamin niya si Alethea sa sobrang inis," wika niyang mas kinatuwa ko.

Nice! Bumubonus si Elisa Jean sa nangyayare ngayon. Sinong magaakalang malakas ang epekto ni Zain sa kanya? Maganda 'to.

I smiled wickedly. "Magaling. Magaling. Magiging masaya pala ang trip na 'to."

"Ang awa ko sa kanilang tatlo," Veronica sighed. "Pinaglalaruan ng isang Saira Lim ng harap-harap pero wala silang kaalam-alam," she mumbled.

Kumibit-balikat ako. "Not my fault. Atsaka hindi paglalaro ang tawag dito."

Isinarado ni Veronica ang tablet niya atsaka nilingon ako. Nakataas ang isa niyang kilay.

"E 'di ano pala?"

"Destiny," nakangiti kong sinagot.

Napailing siya. "Destiny-destiny ka dyan. Bakit nakakain na ba ang destiny ngayon, ha?" pangbabara niya sa akin.

Her Nightmare's HellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon