Chapter 2

278 3 0
                                        

Zillana's POV

Sa totoo lang, malungkot ako sa naging desisyon ng mga opisyales dahil gustong gusto kong mamuno dito sa Fairylandia, ngunit ayos lang naman sakin dahil lubos ang pagtitiwala ko sa aking kapatid, nakatatanda sya kaya mas mapagiisipan nyang mabuti ang mga magiging plano nya sa aming kaharian.

Kasalukuyan akong naglalakad ngayon papunta sa akin silid upang makapagpaginga nang bigla akong napahinto sa tapat ng silid ng aking amang hari at inang reyna, narinig ko kasing naguusap sila.

"hindi na mapapalitan ang desisyon ng mga maharlikang opisyales? " alam kong boses ito ng inang reyna, nagtaka nalang ako dahil parang ayaw nya si ate Sabrina para mamuno.

"bakit? may alinlangan ka ba sa kakayahan ng ating panganay na anak " nakakasiguro naman akong kay amang hari ang boses na ito.

"isa pa, sya ang panganay na anak, natural lang na sya ang piliin. lahat naman ng mga namuno sa ating kaharian ay mga panganay na anak din,tulad ko." dagdag pa ni ama

"..uh...mmm...k-kung sabagay nga naman" ito nalang ang naisagot ni inang reyna, sa tono ng boses nya, para bang wala syang katiwatiwala sa aking kapatid.. tsk, tsk.. hay nako! naguguluhan tuloy ako :3

Makapasok na nga lang sa aking silid, mukha namang tapos na sila sa paguusap.

The Lost Princess  [On Going]Where stories live. Discover now